CHAPTER 38: ANG GULO

3.2K 133 117
                                    

CHAPTER 38
ANG GULO

          
"Ate Pat." rinig kong panggigising sa akin ni Alden na ngayon ay nasa loob na rin ang aking kumot at nakayakap sa akin.

"Goh Morning Ate Pat." aniya pa habang kinukusot ko ang aking mata. Nang maalis ang muta ay napatingin ako sa kanya. Agad naman niya akong sinunggaban ng halik sa pisngi at ipinalibot ang kanyang kamay sa aking leeg.

"Goh Morning Alden." panggagaya ko sa pagsasalita niya at hinalikan siya sa pisngi.

Nagulat naman kami nang bumukas ang pintuan at bumungad sa aming dalawa si Aliah na ngayon ay nakaayusan. May lakad ata ito o di akya may trabaho.

"Aw! Nagseselos na ako ha." biro na sabi ni Aliah. "Parang mas love mo na si Pat kaysa akin." sabi pa niya habang tumatawa kaya natawa na lang din ako.

Lumapit siya sa kama at lumapit sa amin. "Ikiss mo si Ate." sabi ni Aliah kay Alden at ginawa naman niya ito.

Tatlong buwan na ako dito nakatira sa bahay ng mga San Diego. Sa mga nakalipas na araw ay sa apartment ako natutulog kapag walang trabaho si Adam. Ayaw ko muna kasing ipaalam ang tungkol sa akin, sa pag-aaral ko at paglipat ko.

Si Aliah naman ay madali kong nakasundo at nakagaanan ng loob. Ni hindi nga kami nagtatalo at kung minsan naman ay tumatabi siya sa akin sa pagtulog. May mga pagkakataon naman na isinasama niya ako sa pagmall niya at ibinibili ng kahit na anong gamit.

Tinatanggap ko na lang din ang mga bigay niyang gamit dahil nakakahiya naman kung tanggihan ko, mukha kasing magtatampo siya kapag hindi ko tinanggap ang mga bigay niya sa akin.

"Aalis na ako Pat. May date ako." kinikilig niyang sabi.

"Sinong ka-date mo?" kuryosidad kong tanong at nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Secret." aniya at hinalikan na ako sa pisngi. Binigyan niya rin ng halik sa pisngi si Alden at tuluyan nang umalis.

Nang kami na lang ni Alden ang naiwan ay pinilit niya akong paliguan siya. Hindi ko alam kung ano bang meron sa batang ito pero sobrang lapit sa akin at halos ayaw akong umalis sa tabi niya.

Mabait at makulit si Alden. Katulad nang ginawa niya kanina na panggising sa akin ay ganun siya araw-araw pagdating sa akin. Siya palagi ang gumising sa akin.

Pinaliguan ko si Alden sa kanyang kwarto at ako ang pinapili niya sa damit niyang susuotin. Nang natapos ay bumaba na kami para magalmusal.

Naalala ko tuloy ng minsan kong tinanong si Aliah kung totoo niyang kapatid si Alden at ang sabi niya ay oo. Noong una ay hindi aki naiwala pero noong nakita ko ang mga larawan ni Mrs. San Diego na kung saan ay malaki ang tiyan niya at kasama niya sa larawan si Aliah at ang Papa nito ay doon na ako naniwala.

Akala ko kasi noong una ay maaring nakita lang din nila si Alden tulad ko at binigyan nila ng tulong pero hindi pala.

Pagbaba namin sa hapag kainan ay nagaalmusal na ang mag asawang San Diego. "Kamusta naman ang pag aaral mo?" tanong sa akin ni Mrs. San Diego at ngumiti ako.

"Ayos lang po, medyo marami nga lang pong ginagawa." sabi ko.

Isang buwan na akong pumapasok at maayos naman kahit papaano. Masarap sa pakiramdam na makapag aral ulit, parang lahat ng pangarap mo ay nabuhay na lang bigla pero sa likod nun ay hindi nakalagpas ang pagkukutya ng ilang estudyante sa akin sa University na pinapasukan ko.

Ang ilang mga kaklase ko ay may alam sa pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko alam kung paano nila iyon nalaman pero hindi ko na lang tinanong dahil hindi na iyon mahalaga.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon