CHAPTER 50: THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER

4.6K 135 328
                                    

CHAPTER 50
THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER


Nakatingin ako sa field ng dati kong school noong highschool. Madami ang pinagbago pero kung may isa man ang hindi naglaho o nabago ay iyong pakiramdam ko at itong lugar na kinatatayuan ko, dito sa ilalim ng puno na palagi naming tinatambayan ni Adam noo.

Humampas ang may kalakasan na hangin sa mukha ko kaya naman nilipad ang buhok ko papunta sa aking mukha. Hinawi ko ito at napahawak ako sa noo pero agad akong natigilan nang maalala na wala na nga pala akong bangs.

Dinama ko ang ihip ng hangin habang pinagmamasdan ang ilang mga tao na dumadaan sa field.

Nagkaroon ng reunion ang batch namin at inimbita ako. Hindi sana ako pupunta dahil busy ako sa Star Center pero nagawan ko naman ng paraan.

"Psst! Ang ganda mo Ma'am." rinig kong tawag sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko si Adam na naglalakad papalapit sa akin. Napailing naman ako dahil naalala ko ang eksenang iyon noong highschool pa kami.


"Psst!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit alam ko kung sining asungot ang sumisitsit sa akin. Ilang sandali pay biglang may umakbay sa akin.

"Sungit!" bulong ni Adam sa tainga ko sabay kurot sa pisngi ko.

"Maganda naman." sabi ko.

"Nagsalita ang hindi." tunatawa niyang sabi at tinulak ko siya palayo sa akin dahil nainis ako.

"Joke lang Ma'am Pat, ito naman." aniya sabay taas ng dalawang kamay na para bang kriminal na sumuko sa mga pulis.


Natawa na lamang ako nang maalala iyon hanggang nagyon kasi ay siraulo pa rin si Adam at susot.

Nang makalapit siya sa akin ay lumabi siya na parang bata. Tiningnan ko siya at itnulak palayo. "Ang bayolente mo talaga sa akin." reklamo niya. "Ganyan ba ang pagmamahal?" biro pa niya habang pinapagpagan ang pantalon na nadumihan dahil natumba siya sa damuhan.

Nabalot kami ng katahimikan habang nakatingin sa kawalan. Sandali pa ay napatingin ako sa kanya nang magsimula siyang kumanta.


KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO

Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natin


Tiningnan ako ni Adam at sinenyasan na kumanta at sabayan siya.


Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok koPagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa'tin

   
Napatingin naman ako sa singsing ko. Suot ko pa rin ang singsing na binigay sa akin noon ni Adam. Sumikip ito sa daliri ko pero pina-adjustan ko para masuot ko pa rin hanggang ngayon.


Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko oh


Ilang taon na nga ba ang nakalipas nang matapos ang kasal? Tanong ko sa isipan at ako rin mismo ang sumagot nun. Aaah sampung na taon na nga pala.


Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi
Kahit maputi
Kahit maputi na ang buhok ko

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon