CHAPTER 34: BAGASBAS BEACH

4.7K 165 173
                                    

CHAPTER 34
BAGASBAS BEACH


Nakatulugan ko ang buong biyahe at nagising na lamang ako sa pagyugyog ni Adam sa aking balikat. Pagmulat ko ay narinig ko ang malakas na hampas ng alon at napatingin ako sa gawing kanan ko at doon ko nakita ang mga taong nagsusurf sa dagat.

"Welcome to Bagasbas Beach." sabi ni Adam at hinalikan ako sa noo.

Inayos ko ang sarili at tsaka napagpasyahan na bumaba ng sasakyan. "Gutom ka na?" tanong sa akin ni Adam at tumango ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at napangiti ako dun. Nagsimula kaming maglakad at sandali pa ay pumasok kami sa isang restaurant.

Catherine's

Pagbasa ko sa pangalan ng restaurant. Nang pumasok kami ay may 'banda' na kumakanta sa gitna. Habang naglalakad kami ay hindi ko naiwasan na ilibot ang paningin.

Nang makahanap ng pwesto ay inalalayan akong makaupo ni Adam. Binigyan kami ng menu at nagusap tungkol sa pagkain na oorderin.

Habang naghihintay nang pagkain ay tumayo naman si Adam at lumapit doon sa banda. Kinausap niya yung singer ng banda at may sinabi dito. Pagbalik naman ni Adam ay hindi siya naupo at inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

Napataas ako ng kilay at nanatiling nakatingin sa kamay niya dahil hindi ko alam ang gagawin namin.

"Sasayaw tayo Ma'am." aniya at kinindatan ako.

Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo na sa kinauupuan. Nahiya naman ako para sa amin ni Adam dahil kami lang ang nakatayo at ang iba ay nakatingin sa amin at mukhang panonoorin pa kami.

Inilagay ko ang kamay ko sa balikat ni Adam at ipinulupot naman niya sa aking beywang ang kamay.

"I love you Ma'am." aniya at kasabay nun ay ang pagtugtog ng familiar na kanta, ang paborito naming kanta ni Adam.


KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO

Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko


Magkatitigan kami ngayon ni Adam at hindi ko maiwasan na maluha kasi natagpuan ko na yung hinahanap ko. Lahat ng pagod at pagaalala ko ay napawi, ngayong nandito na si Adam sa harapan ko.


Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko


Inayos ni Adam ang buhok na lumipad sa mukha ko. "Pat, gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari ay hihintayin kita. Maiintindihan ko kung hindi ka pa handa pero palagi mong alalahanin at tandaan na ikaw lang ang babaeng pinakamamahal ko."

"May mga salita man akong nasabi na alam kong nakasakit pero hindi ko din iyon ginusto dahil nadadala lang ako ng galit ko."

"Mahal na mahali kita Pat, higt pa sa buhay ko."


Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin


"Adam naman eh, pinapaiyak mo ako." sabi ko sa kanya at tumawa lang siya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo Ma'am."

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon