CHAPTER 4: IKAW

5.4K 224 118
                                    

CHAPTER 4
IKAW


"Balot! Bili kayo dyan ng balot!" sigaw ni Adam.

Nakasimpleng damit at short lang siya habang hawak ang isang basket na naglalaman ng balot, itlog, chicharon at mani.

Si tatay sana ang kasama ko ngayon sa pagbebenta pero noong nakita ako ni Adam ay tumulong siya hanggang sa napagpasyahan namin na magpahinga muna si tatay sa parke habang kami naman ay maglilibot para ibenta ang mga paninda.

Bago magbenta ng balot ay nasa simbahan ako kasama ni nanay dahil nagtinda kami ng kandila at sampaguita at doon nga ako ni Adam nakita.

Matapos magtinda ay nauna na si nanay na umuwi dahil magaasikaso siya ng kakainin namin mamayang gabi.

"Balot kayo dyan." sigaw ulit ni Adam. Napapadyak naman ako nang may tatlong babaeng nagsilapitan sa kanya at bumili.

Nakapostura ang mga babae at halatang bumili lang para magpacute kay Adam. Sa tingin ko ay mas matanda sila ng konti sa amin ni Adam.

Napatingin ako sa sarili ko, suot ang lumang dress na kupas at may mantsa pa. Yung tsinelas kong suot ay inoperahan na lang, may mga tali tali na kang ito sa gilid para hindi tuluyang masira. Wala kasi kaming pambili ng baging tsinelas.

Hindi ko tuloy maiwasan na ikunpara ang sarili sa mga babaeng bumili. Maayos ang mga pananamit nila maging ang mga sapatos pero wag munang isama yung mukha dahil mukha silang clown sa mga make up.

Napairap na lang kay Adam at naglakad na palayo para magbenta. "Balot kayo dyan! Balot! Balot!" sigaw ko.

Lumipas pa ang ilang oras at gabing-gabi na kaya kailangan na naming tumigil sa pagtinda ng balot dahil may pasok pa bukas.

Napatingin ako sa basket kong hawak at kalahati lang ang nabawas. Lumapit sa akin si Adam at tatanungin ko na sana siya kung marami siyang nabenta pero agad niyang pinunasan ang pawis ko sa noo.

Hindi pa nakuntento, pinunasan rin ang likod na medyo ikinailang ko dahil baka mabaklas niya ang pagkakalock ng baby bra ko.

"Pawisan ka Ma'am Pat baka magkasakit ka." aniya matapos ayusin ang bimpo na nilagay niya sa likod ko.

"Salamat!" sabi ko sa kanya.

"Salamat lang? Wala ba dyang kiss?" biro niyo at agad ko siyang hinampas sa braso.

"Ang shunga nito." sabi ko. "Pag iyan tinotoo ko."

Nagulat ako nang itinapat na lang bigla ni Adam ang mukha niya sa mukha ko at biglang pumikit. "Totohanin mo na Ma'am, wag ka nang mahiya." sabi niya at ngumusi na tila ba naghihintay na halikan ko.

Napakamot ako sa ulo at bumilang ng tatlo sabay mabilis siyang hinalikan sa labi. Gusto ko rin naman siyang halikan eh. Crush ko nga di ba.

Nahihiya akong tumingin kay Adam nang magmulat siya. Hinila niya ako papalapit sa kanya at inakbayan. "Ang sarap Ma'am Pat nung halik mo. Pwedeng isa pa." sabi niya sabay pisil ng pisngi ko.

"Loko ka! Friendly kiss lang yun. Wag kang ano." pagsisinungaling ko.

"Kung ganun, pahinging isa pang friendly kiss." pangingulit niya at pinanlakihan ko na siya ng mata para tumigil sa kalokohan niya.

Tiningnan ko ang basket na hawak niya at wala iyong pinagbago tulad ng akin. Kalahati lang rin ang nabenta niya.

Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Adam pabalik sa park kung saan nagpapahinga si tatay. Si Adam na rin ang humawak sa basket na bitbit ko dahil bawal daw mapagod ang maganda.

...

"Salamat sa paghatid sa amin hijo." sabi ni tatay kay Adam. Yumuko si Adam at ngumiti. "Wala po iyon, basta kayo." medyo mayabang na sabi niya.

"Boyfriend ka ba nitong anak kong si Pat?" tanong ni tatay na ikinapikit ko dahil sa kahihiyan. Hinawakan ko si tatay sa kamay at pilit na pinapapasok siya para wag nang sagutin ni Adam ang tanong niya.

Paniguradong masasaktan lang ako sa isasagot ng shungang Adam na ito. Malamang sa malamang ang isasagot niya ay 'friends lang po kami'. Advance ako magisip eh.

"Anak teka lang bakit ka ba nagmamadali. Hindi pa sumasagot itong si Adam sa tanong ko." sabi ni tatay sa akin at ayaw magpaawat.

"Balang araw po tatay, baka pa nga pakasalan ko pa." nagulat ako sa sagot ni Adam. Si tatay naman ay tumawa at tinapik pa siya sa balikat.

"Umalis ka na Adam, ang dami mo na namang kalokohan." sabi ko sa kanya at tinulak ko siya para magsimula nang maglakad pauwi.

Sumapit ang hatinggabi ay hindi ako makatulog dahil ang dami kong iniisip.

Naalala ko yung ginawang paghalik sa akin ni Adam noong sinabihan ko siyang bakla siya, sumunod naman ay iyong ginawa kong paghalik sa kanya kanina at ang huli ay ang sinabi niya kay tatay na balang araw at baka pa nga pakasalan pa ako.

...

Kulang pa ako sa tulog pero maaga akong nagising dahil napagisip isip ko kagabi na baka kaya hindi ako nagugustuhan ni Adam ay dahil hindi man lang ako marunong magayos sa sarili.

Pagbaba ko ay nagalmusal ako ng isang tinapay at kape, iyon lang kasi ang kaya namin. Matapos magalmusal ay naligo na ako at nagayos.

Nasa harap ako ngayon ng isang luma at maliit na salamin habang tinitingan ang sarili. Kinuha ko ang headband na nakatabi sa mga gamit ko at inilagay iyon sa buhok ko. May kalumaan na ito pero maayos pa naman at nakadagdag ito sa kagandahan ko.

"Sana naman ay magustuhan na ako ni Adam." sambit ko sa sarili sabay kuha ng pulbo at nilagyan ang mukha ko.

Minuto pa ang lumipas ay pagsilip ko sa labas ng bahay ay nakita ko si Adam na naghihintay na sa akin.

"Nay, Tay, pupunta na po ako." paalam ko sabay halik sa pisngi nila.

"Magingat ka anak." sabi nila at tumango ako.

Nakangiti akong lumabas ng bahay. Medyo kinakabahan nga lang ako dahil paniguradong mapapansin ni Adam ang hitsura ko.

"Ang ganda natin Ma'am. Sino ba ang pinapagandahan natin?" bungad na sabi ni Adam sa akin.

Hinila niya ako papalapit at inakbayan at tsaka kami nagsimulang maglakad papuntang school.

"Yung crush ko ang pinagagandahan ko." sabi ko at biglang nagdilim ang aura niya. Mukhang hindi niya inasahan ang naging sagot ko sa tanong niya.

"Eh sino ba yung crush mo?" tanong niya.

"Secret." sabi ko. Nang matanaw ang gate ng school ay tumakbo na ako papalayo sa kanya.

"Sino nga ang crush mo?" rinig kong paguulit niya pa.

Lumingon ako at ngumiti. "IKAW" sigaw ko at muli akong tumakbo dahil nahihiya ako.






MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa pagbasa!

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon