CHAPTER 8
PANGARAP
Kasalukuyan kong tinatapos ang nilalabhan ko. Si Nanay ay umalis para bumili ng tanghalian namin. Si tatay naman ay nagaayos ng bubong namin na sira dahil napakaraming butas ng mga yero namin."Anak! Patricia!" tawag sa akin ni Nanay at agad kong tinapos ang huling sampayin at pumasok na sa loob ng bahay.
Inayo ko ang sarili dahil gulo-gulo ang buhok at pawisan ako. Paglapit ko kay Nanay ay may dalawang supot ng plastik ang inilapag niya sa lamesa.
Ang isa ay dali-dali niyang binuksan at inilabas ang lamang nito. "Isukat mo ito." sabi ni Nanay nang ipakita sa akin ang isang simpleng dress.
Napakamot na lamang ako sa ulo nang ipahawak niya sa akin ang dress at pilit na sinabihan na sukatin na ang binili niya.
Bumuntong hininga ako at wala akong naggawa kundi sundin siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto at sinukat ang dress na binili niya para sa akin.
Sa isang araw na kasi ang prom at sinabi ko kay Nanay na hindi na ako sasali dahil mas kailangan namin ng pera sa pangangailangan dito sa bahay. Nagsabi na ako sa kanya na wag nang magabal pa para sa dress dahil hindi naman mahalaga ang prom.
"Ang ganda mo anak." sabi ni Tatay. Si Nanay naman ay pinaikot ako para makita ang kabiuan ng suot ko.
"Minsan lang ang prom at hahagi iyon ng high school life kaya dapat umattend ka." sabi ni Nanay.
Lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko at pati ang bangs. Hindi pa nakuntento dahil kumuha pa siya ng lipstick at nilagyan ang labi ko.
"Mas maiinlive sa iyon niyang si Adam." tukso pa ni Nanay at napapadyak ako sabay nguso ng labi.
"Nanay naman eh!"
Speaking of Adam, nasabi ko na rin sa kanya na hindi ako dadalo sa prom at nang masabi ko nga iyon ay ang naging sagot niya ay hindi rin daw siya pupunta. Magaani daw siya doon kung wala ako.
Nitong mga dumaan na linggo ay naging busy kani sa pag-aaral. Ang paghalik at paghawak hawak naman sa akin ni Adam ay binawasan niya dahil ayaw na naming maulit yung nangyari noong nakaraang buwan.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagkainan namin ngayong tanghali nang may yumakap sa beywang ko. Paglingon ko ay nakita ko si Adam.
"I miss you babe." aniya at inirapan ko lang siya. Sinenyasan ko siya na bumitaw sa pagkakayakap sa akin dahil baka makita kami ng magulang ko sa kalandian niya.
"Si Tatay ang nagpapasok sa akin dito." aniya at tumango lang ako.
Si Tatay at Nanay kasi ay masyadong supportive dito kay Adam. Push na push talaga sila para sa amin.
"I miss you." paguulit ni Adam.
"Hindi ako bingi." sagot ko naman.
"Alis na ako." biglang sabi ni Adam. "Hindi mo naman ako namiss, aalis na ako." pagdadrama niya at akmang lalabas na siya ng bahay ay agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Aalis na ako. Hindi mo naman ako namiss. Hindi mo naman ako love." pagdadrama niya pa at mukhang gusto pang suyuin ko siya.
"Miss naman kita eh."
"Yun lang?" dismayado niyang sagot.
"Love din kita." sabi ko.