CHAPTER 14: RING

4.2K 178 89
                                    

CHAPTER 14
RING

      
Napatingin ako sa sarili ko at chinecheck kung maganda na ba ako. Kinakabahan ako na excited dahil ngayon kami magdedate ni Adam sa malayong lugar.

Ipinagpaalam ako ni Adam kina nanay at tatay tungkol sa date namin at pumayag naman sila. Sa katunayan nga niyan ay parang mas kinikilig pa ang magulang ko kaysa sa akin.

Si Nanay ang naggayak ng damit kong susuotin. Puting tee shirt at kapares nito ang lumang jumper ko na palda pero ayos naman. Si Tatay naman ay ibinilinpa ako ng puting sapatos sa ukay na ikinailing ko dahil hindi naman niya kailangan gumastos para lang sa susuotin ko sa date namin ni Adam.

Grabe ang suporta sa amin ni Adam ng magulang ko. Paano pa kaya kapag kinasal kami.

Nang masiguro kong maayos at maganda na ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto.

"Ang ganda talaga ng anak ko." sabi ni Nanay at inayos ang buhok ko. Si Tatay naman ay nakatingin sa akin at sandali pa ay nilabas niya ang dipindot na cellphone at pinicturan kami ni Nanay.

Dipindot man ang cellphone ni Tatay pero napakatibay nun. Ang tagal na rin nun sa kanya at may camera pa. Inilabas ko ang cellphone ko at ipinunta sa camera para kaming tatlo naman ang magpicture.

"Ang ganda mo Ma'am Pat. Ang sarap mong pakasalan." bungad na sabi ni Adam sa akin at hinampas ko siya sa dibdib dahil baka marinig siya nina Nanay at Tatay.

"Magandang umaga po Nay, Tay." bati niya sa magulang ko sabay mano.

Nagusap pa ng konti ang magulang ko at si Adam at pagkatapos nun ay napagpasyahan na namin na umalis.

"Ang ganda mo at ang gwapo ko. Bagay talaga tayo." mayabang na sabi ni Adam. Grabe talaga ang confidence niya.

"So nagustuhan mo lang ako dahil maganda ako?" medyo irita kong sabi sa kanya at nakita ko ang pagpigil ng ngiti niya.

"Hindi kita gusto dahil mahal kita Pat. Hindi kita mahal dahil lang maganda ka. Mahal kita kasi ikaw ang pinakamabait, pinakamaganda, pinakamatalino at pinakamasarap na mahalin." seryoso niyang sabi at hinalikan ako sa noo sunod sa ilong at sa labi.

"Hindi kita gusto dahil gustong gusto kita at higit sa lahat mahal kita. Ikaw lang palagi Pat."

"Ikaw lang!" wika niya.

Damang dama ko lahat ng sinabi niya. Alam kong sinsero siya sa lahat ng iyon. Pero yung totoo, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya dahil sa sobrang seryoso niya ay parang wedding vow na niya iyon.

...

Trenta minutos ang naging byahe namin ni Adam bago makarating sa centro. Nakasakay kami sa aircon na van na siya mismo ang nagbayad.

May pera akong ipon at sinabi ko iyon kay Adam dahil gusto kong magbayad ng sa akin pero sabi niya ay siya na ang bahala.

Pagkapasok ng mall ay hindi ko maiwasan na mapairap sa ilang babae na tumititig kay Adam. Gwapo talaga ang boyfriend ko pero wala naman siguro masama kung ipagdadamot ko siya.

Tumingki ako at iniharang ko ang kamay sa mukha ni Adam. "Anong ginagawa mo?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Takluban mk yung mukha mo amg pangit." pagsisinungaling ko at ngumisi siya.

"Are you sure na pangit talaga?" paniniguro niya at yumuko sabay iling.

"Hindi p-pero kasi pinagtitinhinan ka ng mga babae. Masama bang ipagdamot ka?" sabi ko.

"Tangina kinikilig ako. Ang cute kong magselos. Dapat sigurong pakasalan na kita." sabi niya.

Ibinaba ko ang kamay ko at kinuha naman niya iyon. Pinagsiklop niya ang kamay namin at tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad.

Tinanong niya ako kung kakain ba muna kami o maglilibot na. Napatingin ako sa lumabg relo ko at malapit na rin ang magtanghalian kaya sinabi ko na kumain muna kami.

Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Adam nang pumasok sa restaurant. Medyo kinabahan ako nang makaupo kami sa table dahil medyo mahal ang pagkain pero ang sabi ni Adam ay siya na ang magbabayad.

Nasabi sa akin ni Adam na may ipon siyang pera at hindi iyon galing sa magulang niya kundi sa pagtatrabaho niya.

"Sabi ko sa iyo hindi mo naman kailangan magtrabaho." saway ko sa kanya habang kumakain kami.

"Hanggang next month na kang ako sa trabaho ko wag kang mag alala." sagot niya sa akin.

Pinanganga ako ni Adam at sinubuan ako. "Masarap?" tanong niya at tumango ako habang numgumunguya.

"Pero mas masarap ako." mahina niyang sabi kaya sinapa ko siya sa ilalim ng table dahil umiiral na naman ang kalandian niya.

Matapos kumain ay napunta kami ni Adam sa isang jewelry store. Hindi ito tulad ng mga pang mayayaman na jewelry store dahil hindi naman gawa sa high quality ang binebenta nila.

Nagtingin tingin ako sa mga necklace, bracelet at singsing pero may isang pumukaw sa akin. Iyong singsing na may disenyong star. Simple lang ito pero nakuha agad nito ang atensyon ko.

Nilapitan ko iyon at inilabas naman ng saleslady. Hindi ko iyon hinawakan dahil nakakatakot na baka kung ano pang mangyari.

"Gusto mo yan?" tanong ni Adam na nasa tabi ko na pala. Akala ko ay nagtitinhin pa siya sa kabila eskaparate.

"H-ha h-hindi noh." nauutal kong sagot.

Gusto ko talaga iyon pero baka mahal at kulangin ang pera kong dala kapag bibilhin ko iyon. Napatingin ako kay Adam nang kinuha niya ang singsing sa box.

Pinagmasdan niya muna ito at nanlaki ang mata ko nang kunin niya ang kamay ko. Napatingin ako sa saleslady. Ang akala ko ay masungit siyang nakatingin sa amin ni Adam pero hindi mukha pa nga siyang kinikilig.

"Will you marry me?" tanong ni Adam.

Napakagat ako sa pangibabang labi ko at pinipigilan ang kilig. Syempre oo.

Gamit ang isang kamay ay napakamot ako sa ulo ko.

"Yes." sabi ko at nagulat ako ng isuot niya ang singsing sa akin.

"Magpapakasal ka sa akin ha. Nag-yes ka." sabi niya.

Akmang huhubadinnko ang singsing sa daliri ko ay pinigilan niya ako. Tatanggalin ko lang naman dahil baka mapagalitan kami.

"Bibilhin ko ito miss." sabi ni Adam sabay turo sa singsing na suot ko. Titingnan ko pa sana ang tag price na nasa box pero hindi ko na naggawa dahil natanggal na agad iyon nung babae.

Binayaran ni Adam ang singsing at tinanong ko siya king magkano pero hindi niya ako sinasagot.

"Basta sa akin ka lang magpapakasal kahit anong mangyari. Dapat ako lang." sabi ni Adam at hinalikan ako sa noo.

"Pangako Adam, ikaw lang. Ikaw lang palagi at parati." sabi ko at niyakap siya.

"Magpapakasal pa tayo." sabi niya at mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.



  

  

   

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Bukas ulit. Happy 12k followers!

Kilig now, iyak later hahaha

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon