CHAPTER 2: CRUSH KITA ✅

8.3K 287 101
                                    

CHAPTER 2
CRUSH KITA

   
Kasalukuyan akong nakikinig sa leader namin sa kung ano ang gagawin namin sa group activity. Habang si Adam ay nasa likuran ko at nilalaro ang aking buhok. Mayamaya rin ang amoy niya sa buhok ko at sinisinghot mismo ang hibla nito.

Tumalikod ako at sinaway si Adam sa ginagawa. "Makinig ka sa gagawin natin." sabi ko sa kanya at binitawan niya ang buhok ko.

"Nakikinig naman ako." parang bata ng sagot niya sabay nguso.

"Sige nga, kung nakikinig ka. Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Gagawa ng baby?"

Napasapok ako sa sariling noo. Ang shunga ni Adam, nakakainis!

Pinandilatan ko siya ng mata at may riin na sinabi sa kanya na makinig. Dahil sa hindi niya pakikinig ay kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.

"Ms. Patricia Cereno." tawag sa akin ng teacher namin na nasa unahan. Agad naman akong tumayo at naglakad papalapit sa kanya.

"Bakit po Ma'am?" tanong ko.

"Ms. Cereno, last year pa nagpakit ng design ng uniform at lumang design pa rin ng uniform ang suot mo ngayon. Ikaw na lang ang naiiba." imporma niya sa akin at napayuko ako sabay kagat sa kuko ng aking daliri.

"Wala pa po kaming pera pambili ng panibago kong uniform pero gagawan ko po ng paraan." nahihiya kong sagot at tumango na lang si Ma'am.

Matapos ang paguusap na iyon ay pinabalik na niya ako. Nang makabalik sa mga kagrupo ko ay nawala ako sa mood na makinig dahil iniisip ko kung paano magkakapera para makabili ng uniform.

Nanghihinayang din kasi ako kung bibili pa ako ng uniform eh graduating na kami ng highschool at next year ay college na kami. Sayang rin ang 500 pesos para ko sa uniform, pwede na kasi namin iyong ipambili ng kanin at ulam.

"Ok ka lang Pat?" biglang tanong sa akin ni Adam kung kaya natigil ang pagiisip ko.

Hindi ako nagsalita at tumango lang. Natapos ang group activity at nakapag reporting na rin pero wala talaga ako sa mood kaya sobrang tahimik ko at hindi ako nakakausap ng maayos ni Adam.

Sumapit ang break time ay dumiretso ako sa palagi naming tinatambayan ni Adam. Tahimik na sumunod siya sa akin at pilit na inaalam ang nangyayari sa akin sa pamamagitan ng pagoobserba niya.

Nakatanaw ako sa malawak na field habang tinitingnan ang mga estudyanteng dumadaan. Nandito kami sa gilid ng field nakaupo kung saan nakasilong sa isang malaking puno.

"Oh" sabi ni Adam sabay abot ng isang Monde Mamon sa akin.

"Salamat!" sabi ko.

Wala akong baon palagi kaya dito ako tumatambay pero sinasamahan ako ni Adam at palagi ring binibigyan ng baon na katulad sa kanya.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Adam, gwapo, matangkad, matalino at mabait. Payat nga lang tsaka kung minsan ay nakakainis.

"Anong problema?" tanong niya sa akin.

"Nagsabi kasi sa akin si Ma'am na kailangan ko nang magpalit ng uniform, yung bagong design." kwento ko.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon