CHAPTER 1
I LOVE YOU
Suot ang lumang uniform at sapatos na malapit nang masira ay hindi ko inalintana ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nabungaran ko pagpasok sa school.Nakakahiya man na isipin na ako na lang ang naiibang suot o uniform dito sa school pero wala akong maggagawa dahil wala kaming pera pambili ng panibaging uniform.
Last year kasi ay naglabas ng bagong design ng uniform namin at dahil wala nga kaming pera ay hanggang ngayon ay lumang uniform pa rin ang suot ko.
"Psst!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit alam ko kung sinong asungot ang sumisitsit sa akin. Ilang sandali pay biglang may umakbay sa akin.
"Sungit!" bulong ni Adam sa tainga ko sabay kurot sa aking pisngi.
"Maganda naman." sabi ko.
"Nagsalita ang hindi." tumatawa niyang sabi at tinulak ko siya palayo sa akin dahil nainis ako.
"Joke lang Ma'am Pat, ito naman." aniya sabay taas ng dalawang kamay na para bang kriminal na sumuko sa mga pulis.
Napatingin ako sa uniform niya, sobrang linis at puti nito. Bagong design na uniform na iyon at hindi tulad nitong akin na sobrang dilaw na at may mga mantsa pa.
Minsan napapaisip ako na hindi ba nahihiya si Adam na may isa siyang kaibigan na madungis at mahirap tulad ko.
"Tara na Ma'am Pat." pagaaya niya sa akin ng makalapit.
Naglakad na kami papuntang classroom. Muli niya akong inakbayan at hinayaan ko na lamang iyon. Sanay na akong ganun na palagi niya akong inaakbayan.
Pagpasok namin sa classroom ay nakipagkamustahan si Adam sa mga kaibigan niyang kaklase habang ako naman ay dumiretso sa upuan ko.
Ang kinauupuan ko ay malapit sa may bintana. Tumayo ako at sumilip sa bintana para panoorin ang mga estudyanteng nasa court.
Nakita ko doon si Dave na isa sa mga kilala dito sa school. Kadalasan ay sa magulang ni Dave umuutang ang magulang ko para sa pang araw-araw namin.
Magkakilala kami ni Dave at magkaibigan noon pero hindi na ngayon.
Karamihan sa mga kaedad ko ay sinasabi nilang pinakamasakit daw iyong pinagpapalit o iniwan ka pero para sa akin, pinakamasakit makitang nahihirapan yung magulang ko.
Sandali akong natigilan nang lumingon si Dave sa kinatatayuan ko at bigla akong kinindatan. Nagulat naman ako ng biglang may nagsarado ng bintana.
"Nandyan na si Sir." imporma ni Adam na siya pa lang nagsara ng bintana.
"Bakit mo sinara yung bintana?" tanong ko.
"Bakit ka nagpapakindat kay Dave? Huh?"
Wala akong naisagot sa sinabi ni Adam at bumalik na lang sa kinauupuan ko. Tsaka ano naman kung kinindatan ako ni Dave. Eh siya naman ang crush ko. Si Adam ang crush ko.
Ay! Pasmado bibig ko, nadulas tuloy ako.
...
Napatingin ako kay Adam na kanina pa nakakunot ang noo at nagkakamot sa ulo habang nakatingin sa textbook namin.
Nandito kami ngayon sa library. Vacant kami sa isang subject kaya naisipan namin na gawin na ang mga assignments sa ilang subject.
"Ma'am Pat! Paano ito?" nahihiya niyang tanong sa akin.
Ma'am Pat, iyon palagi ang tawag niya sa akin dahil sa aming dalawa ay ako ang boss. Iyon rin ang naging tawag niya sa akin dahil kadalasan ay ako ang nagtuturo sa kanya sa mga subject na hindi niya masyadong maintindihan.