CHAPTER 29: DAVE

6.3K 189 181
                                    

CHAPTER 29
DAVE


Tatlong araw na ang nakalipas noong nagkita kami ni Adam. Hanggang ngayon ay tandang tanda ko ang tattoo na nasa kaliwang dibdib niya, iyong pangalan ko.

Napabuntong hininga ako at tuluyan nang pinunasan ang mukha para alisin ang make up ko. Kakatapos ko lang magperform.

Napatingin naman ako sa poster ng anak ko hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya. Isinilid ko sa bulsa ng bag ang poster at inayos na ang mga gamit ko. Dumaan muna ako sa office ng manager ko para kunin ang sweldo ko. Pagkatapos ay umalis na ako.

Tulad ng nakasanayan ay bumili na naman ako ng pagkain sa Jollibee sa halagang isang libo. Pumwesto ako sa gilid ng kalsada at nang may makita akong mga bata na namamalimos ay tinawag ko sila at pinakain.

Ilang minuto pa ay nagsimula na akong maglakad pauwi.

"Aray!" sambit ko nang may makabungguan ako habang naglalakad. Napahawak ako sa balikat ko kung saan doon ako natamaan ng kasalubong ko.

"Ok ka lang Miss?" tanong niya at kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses niya.

Nagangat ako ng tingin at laki ng gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon, si Dave. Nanlaki ang mata ko at agad siyang tinalikuran.

"Patricia!" pagtawag niya pero hindi ako lumingon at mas binilisan ang paglalakad palayo sa kanya.

Pero ang ginawa kong paglayo ay hindi sapat dahil nahabol ako ni Dave. Hinawakan niya ako sa kamay at para bang walang balak na paalisin ako hangga't hindi niya ako nakakausap.

"Hinahanap mo pa rin siya?" tanong niya sa akin at alam ko kung sino ang tinutukoy niya pero umiwas lang ako ng tingin.

"Patricia, gumising ka na. Wala na siya." sabi niya at naluha ako.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sinampal siya ng malakas. "Buhay ang anak." sigaw ko sa kanya at umiling si Dave.

"Wala na siya Pat." pagpipilit niya pa sa akin at umiling ako.

"Buhay ang anak ko." sabi ko pa. Binuksan ko ang bag ko at kinuha doon ang poster ng anak ko. Ipinakita ko iyon kay Dave at umiling siya. "Hinahanap ko siya."

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Dave at mukhang hindi gusto ang mga sinabi ko sa kanya. Wala siyang maggagawa kung maniniwala ako na buhay pa ang anak ko.

"Sumama ka sa akin Pat." aniya at umiling ako.

Akmang hahawakan niya ako ay umiwas ako at agad na tumakbo. Sinubukan niya akong habulin pero mabuti na lang ay nakatago sa isang liblib na lugar.

Humampas sa akin ang napakalakas na hangin at mas lalo akong naiyak nang maalala ko ang anak ko. "Buhay pa ang anak ko." sambit ko habang yakap yakap ang poster niya.

Nang makauwi ako sa apartment ko ay tulala ako. Hindi ako makakain at hindi ko maggawang makatulog dahil sa nangyari.

Ito na naman ang bangungot sa buhay ko na ayaw kong aalalahanin, na ayaw kong balikan. Pagod na pagod na ako.

...

Bumungad sa akin sikat ng araw. Pagbangon ko ay naabutan kong nasa kusina si Dan at kakatapos lang magluto. Naupo ako at hinintay na lamang siya na ihain ang nilutong almusalan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Dan habang kumakain kami.

"Ang sungit naman." aniya at umiling ako.

"Pumunta ako kasi tinatawagan kita kagabi para tanungin kung nasaan si Tin pero naabutan kita na tulog na pero binabangungot na naman. Napanaginipan mo na naman ata yung anak mo dahil pangalan niya ang binabanggit mo." paliwanag ni Dan.

"Ginising kita kanina pero ewan ko lang mung naaalala mo. Pagkatapos nun ay natulog ka rin. Dito na lang din ako natulog kanina dahil baka bangungutin ka ulit." sabi niya.

Natahimik lang ako at mas minabuting wag na lang magsalita. Ayaw ko rin naman ng may kausap ngayon. Matapos namin kumain ng almusalan ni Dan ay tinanong niya ako kung ayos lang daw ba ako at sinabi kong oo kahit hindi.

Lahat naman at ng tao ay sinungaling pagdating sa nararamdaman nila. Kahit tanungin mo yang ng kung ayos lang ba siya, syempre ang palaging sagot ng tao ay oo kahit hindi naman talaga.

Buong maghapon ay nasa loob lang ako ng apartment ko at nakahiga. May mga pagkakataon na sumasagi sa isip ko si Dave at ang mga sinabi niya pero palagi kinokontra iyong ng isipan ko. Ayaw kong maniwala kay Dave.

Nang sumapit ang alas-quatro ay pumunta na akong club. Maagang talaga kaming pumupunta dahil nagpapractice pa kami ng mga ginagawa namin na sayaw tuwing gabi.

Nang malapit na ang oras ko na kung saan ay nagpeperform ako ay hindi ako pinalabas ng manager namin sa stage. Nagtaka ako dahil aning gagawin ko ngayong gabi kung hindi ako magpeperform.

Nakaupo lang ao ngayon sa isang tabi habang hinihintay ang manager ko.

"Balita ko ay may bumili ng oras mo. Malaki ang ibinayad." biglang sulpot na sabi ni Gia. Inilahad ko sa kanya ang kamay ko para humingi ng sigarilyo dahil naninigarilyo din siya ngayon.

"Talaga? Sino? Baka matanda na naman yan." natatawa kong sabi.

Minsan may bumili rin ng oras ko noon. Isang matanda, malaki ang bayad kaya naikama rin ako. Nakakadiri man pero wala eh, kailangan kong magtiis.

Inilagay ko sa bibig ang sigarilyo at sinindihan naman iyon ni Gia ang hawak niyang lighter. Nagusap kami sa kung ano-ano at naramdaman ko naman ang paglakbay ng kamay niya sa katawan ko na agad ko ring napigilan.

"Ayaw mo ba akong pagbigyan Pat. Alam mo namang type na type kita." aniya at umiling ako.

Natigil kami pareho at napatingin sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok ang manager namin. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko kung sino ang kasunod niya pagpasok.

Si Adam.

Nagtama ang mata namin pero agad akong nagiwas at ang usok na galing sigarilyo. Tinapik ako ni Gia sa balikat at lumabas na.

Sinenyasan naman ang ng manager namin na lumapit sa kanya at doon sinabi sa akin na si Adam nga ang bumili ng oras ko at sasama ako sa kanya ngayon.

Matapos nun ay umalis ang manager ko at naiwan kami ni Adam. Nabigla naman ako nang hilahin niya ang sigarilyo ko na nakaipit sa bibig at itinapon iyon sa sahig at inapak-apakan.

"Anong nangyari sa iyo Pat?" halos hindi makapaniwalaang tanong ni Adam sa akin.

Plastik akong ngumiti at hindi siya sinagot. Natanong na rin niya iyon noong unang beses ulit kaming nagkita.

"Bakit ganito Pat? Tanga ka ba? Nagiisip ka ba? Paano ang Nanay at Tatay mo? Alam ba nila ito? Na isa kang puta!" inis niyang sabi at halos ipagduldulan niya sa akin na nakakadiri ako.

Iyon lang naman ang gusto niyang iparating sa akin kung ano-ano pang mga salita ang sinabi.

Nanubig ang mata ko at tiningnan si Adam sa mga mata niya.

"Wala eh iniwan ako ng lahat."






MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.

Ang tanong:
Anong papel ni Dave at sino ang nakakaalam kung nasaan ang anak ni Pat?

Ang dami ditong nabanggit na clue tungkol sa mga susunod na mangyayari at mung nasaan ang anak ni Pat🤭




WARNING: THIS IS NOT A TYPICAL STORY

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon