CHAPTER 12: JEJE

6.4K 174 88
                                    

CHAPTER 12
JEJE


Madaling araw na natapos ang prom at hinatid ako pauwi ni Adam. May sasakyan sina Adam at iyon ang sinakyan namin pauwi. Nang una ay nagaalala siya sa kalagayan ko dahil masakit pa nga ang pagkababae ko pero sinabihan ko siya na okay lang ako.

Nagpasalamat sina Nanay at Tatay kay Adam dahil sa paghatid niya sa akin paguwi. Halos hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Boyfriend ko na si Adam at may nangyari sa amin na hindi ma-imagine.

Unti-unti naman akong nilamig nang matutulog na sana ako. Mukha akong lalagnatin at hindi ko alam ang gagawin. Hindi naman ako makabangon dahil ang sakit ng pagkababae ko.

Pinilit kong tumayo at kumuha ng isa pang kuno ur at nagsuot ng jacket, hindi ko talaga kinaya ang lamig. Masama ang pakiramdam ko at nilalamig pero nakatulugan ko ito.

Pagmulat ng mata ko ay naramdaman ko na may mabigat sa may parteng noo ko, nang kapain ko iyon ay isang basang bimpo pala ang nakapatong doon.

"May sakit ka Patricia, anak." nagaalalang sabi ni Nanay.

Napatingin naman ako kay Tatay na inabot kay Nanay ang isang mangkok na may lugaw. Inalis ko ang bimpo sa aking noo at naupo.

"Kumain ka, nang magkalaman ang tiyan mo. Hindi ka pwedeng uminom ng gamot na hindi kumakain." sabi pa ni Nanay at tumango ako sabay kuha ng mangkok na may laman na lugaw.

"Ano hang ginawa mo anak kagabi at nagkasakita ka?"

Susubo pa lang sana ako ng lugaw pero agad akong natigilan sa tanong ni Tatay. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa amin ni Adam kahapon.

"Pagod lang po talaga ako." pagdadahilan ko kahit may suspetsa ako na ang dahilan ng pagkakaroon ko ngayon ng sakit ay ang ginawang milagro namin ni Adam.

Kinain ko ang lugaw at matapos nun ay pinainom ako ng gamot. Medyo maayos na ang pakiramdam ko pero si Nanay at Tatay ay gusto akong pagpahingahin. Gusto ko man na tumulong sa paglako ng sampaguita at ng balot ay pinagbawalan nila ako.

Kinahapunan ay alam ko sa sarili ko na maayos na ako at wala na akong sakit, yun nga lang ay medyo mahapdi pa rin ang pagkababae ko. Sa tueing maglalakad ako ay nahihirapan ako.

Lumabas ako ng kwarto para tumulong na sa paghahanda ng hapunan namin pero laking gulat ko nang makita ko si Adam sa may lamesa namin na umiinom ng tubig.

Napatingin ako sa paligid at hinanap sina Nanay at Tatay pero nasa kusina ata. Lumapit ako kay Adam at nakita ko kaagad ang pawis na pawis niyang katawan at basa rin ang kanyang buhok na dahil din sa pawis.

"Anong ginagawa ko dito? At bakit pawisan ka?" tanong ko kay Adam pero imbes na sagutin ako ay iba ang sagot niya sa tanong ko.

"Ma'am Pat, may kamukha kayo."

Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok na kalokohan kay Adam.

"Wala akong pake." masungit kong sabi. Naiinis ako sa kanya dahil masakit ang nasa pagitan ng hita ko dahil sa "ari niya.

Hindi ko naman kasi akalain na masakit pala ang ganun. Yung gumawa ng milagro.

"Ang sungit naman." sabi pa ni Adam at hinila ako papalapit sa kanya. "Masungit pero mahal ko." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Tumegel ke nge." kinikilig kong sabi at medyo lumayo sa kanya dahil baka maabutan kami ng magulang ko na magkadikit masyado.

"Pero seryoso, may kamukha ka." tumingin ako kay Adam at ngumiti siya sa akin sabay kindat. "Kamukha mo yung babaeng papakasalan ko." sabi niya pa at inirapan ko siya.

Nagulat naman ako ng inilagay niya ang kamay sa kanyang dibdib at nagacting na nasasaktan. "Ouch! Grabe si Ma'am hindi kinilig." aniya at umiling ako.

"Tara na sa simbahan at papakasalan na kita mahal ko." muli akong tumingin kay Adam at nakataas ngayon ang isang kilay niya habang nakangisi. "Tara na." pagaaya pa niya at hinampas ko siya sa braso para tumigil na.

Tumigil na si Ad

Tumigil na si Adam sa mga pagbanat niya at mga kakornihan niya. Nakita ko naman na may kinuha siyang ipit sa bulsa at pumunta siya sa likuran ko. Napangiti naman ako nang ipitan niya ako ng isahan.

"Pasensya na Ma'am kung nagkasakit ka sa akin." wika niya. Nanatili lang akong tahimik pero tumango ako na nangangahulugan na ok lang.

Sandali pa ay naramdaman ko ang paglagay niya ng pulbo sa likuran ko at maging sa leeg. "Sponsored by Baby Johnsons." sabi jiya at tumawa ako. Ang dami niya talagang kalokohan.

Nang dunating si Nanay ay nabigla siya kung bakit bumango na ako. Ang sabi ko naman ay maayos na ang pakiramdam ko. Chineck pa niya ang leeg ay noo ko kung mainit ako at sa huki ay sinabi niyang wag daw akong masyadong magpagod.

Nagsandok na ako ng kanin at ulam habang si Adam naman ay nagdala ng mga plato at baso.

"Pasensya ka na hijo kung ito lang ang ulam namin." sabi ni Tatay kay Adam.

Ang ulam kasi namin ay sinabawan na itlog.

"Ok lang po, masarap naman."

Nagpatuloy kami sa pagkakain at si Tatay naman ay linagang interview si Adam. Kung minsan naman ay nakikisama kami ni Nanay sa usapan nila.

"Maraming salamat pala Adam sa pagtulong sa akin sa paglako ng isda." sabi ni Nanay at natigilan ako sa pagkakain.

Tumingin ako kay Adam pero kay Nanay siya nakatingin at ngumiti ito. Kaya pala pawisan siya kanina dahil tinulungan niya si Nanay maglako.

"Walang anuman po, magiging son-in-law niyo naman po ako balang araw." sabi ni Adam at inapakan ko siya sa paa para tumigil sa mga kalokohan niya.

"Walang akong hadlang sa inyo ng anak ko. Kung gusto niyo ang isa't isa ay wala doon problema pero bata pa kayo at wag kayo masyadong papadala sa bugso ng damdamin."

"Wag na wag mong sasaktan si Patricia. Nagiisa namin yang anak at kahit mahirap kami ay sobra sobra ang pagmamahal namin dyan." sabi naman ni Tatay at tumango si Adam.

"Pangako po iyan, hindi hindi ko po sasaktan si Patricia."

Matapos kumain ay si Adam na ang nagpresenta na maghugas. Hindi na rin nila pinaggawa ng gawaing bahay dahil magpahinga na lang daw ako at baka mabaynat pa.

Mabuti na lang talaga ay Sabado ngayon at walang pasok.

Kinagabihan habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko ay nakatanggap ako ng text kay Adam.

ADAM:

Happy Daysarry Mahal 💋

Agad akong napasapok sa noo ko dahil sa kajejehan ni Adam. Medyo naiirita din ako dun sa tawag niyang 'Mahal'. Yung mga ganung call sign kasi ay pangmadalian lang na relasyon.

ME:

Ang jeje mo pero sasabayan na lang din kita. Happy Daysarry💋




MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming Salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Sa mga new readers po, hello po.

CHECK MY LATEST VIDEO
ABOUT PAT AND ADAM.

SCHEDULE OF UPDATE:
EVERYDAY (9:00PM-10:00PM)

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon