CHAPTER 23: TEXT

3.8K 146 59
                                    

CHAPTER 23
TEXT


Ilang buwan na kaming hiwalay ni Adam. Sobrang masakit pero wala kang maggagawa kundi idaan na lang ang lahat sa iyak. Hindi ko na mababago ang nangyari. Nangyari na ang nangyari. Wala akong balita na kahit ano sa kanya pero sana lang ay maayos siya.

Sa dinami dami ng tao sa mundo ay siya pa ang nasaktan ko. Na bestfriend at boyfriend ko.

Hindi alam ng magulang ko na naghiwalay na kami ni Adam. Sa tuwing magtatanong sila kung bakit hindi na pumupunta si Adam sa bahay namin ay palagi akong nagsisinungaling. Sinasabi ko na sa ibang bansa na siya nag-aaral.

Galing ako sa school at papunta ako ngayon sa botika para bumili ng pregnancy test. Nitong nakaraan ko lang napansin na ang tagal ko nang hindi dinadatnan. Hindi ko alam kung may nagbunga ba o wala pero natatakot ako.

Pagbili ko ng pregnancy test sari-sari agad ang tsimis ang narinig sa paligid ko  pero hinayaan ko na lang. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at ginamit na iyon. Dalawa ang binili ko para sure.

Sa unang pregnancy test ay isang linya lang ang lumabas pero sa pangalawang pregnancy test ay dalawang linya na nangangahulugang buntis ako.

Napawahak ako sa puson ko at napaiyak na lamang. Akala ko ay may sakit ako dahil last week ko pa napansin na medyo tumaba ako at nagkaroon ng umbok ang puson ko.

Agad ko namang itinago ang pregancy test nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko. "Anak, kakain na." rinig kong sabi ni Nanay.

"Opo. susunod po ako. Sandali lang." sagot ko.

Itinabi ko ang pregnancy test at naghugas ng kamay. Matapos nun ay lumabas na ako ng kwarto para kumain na.

Habang kumakain ay tahimik lang ako at hindi mapakali. Pinagiisipan ko kung paano ko sasabihin kina Nanay at Tatay na buntis ako.

Natapos ang pagkakain namin ay nakatulala pa rin ako. Si Tatay naman ay nilapitan ako at tinanong kung ayos lang ba ako at tumango lang ako.

Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng karto para kunin ang pregnancy test. Para saan pa ang paglilihim kung malalaman din nila ito. Paglabas ko ng kwarto ay tinawag ko sila Nanay at Tatay.

"Nay, Tay, may sasabihin po sana ako sa inyo." panimula ko habang tinatago ang pregnancy test sa kamay.

Napakagat ako sa pangibabang labi at nagsimulang kinabahan. "Buntis po ako." pagaamin ko at tuluyan nang inilabas ang pregnancy test.

Sandali silang natahimik at napatingin sa pregnancy test kong inilabas. Lumapit sa akin si Nanay at agad akong sinampal. Dahil doon ay nagsimulang maglandas ang mga luha ko sa pisngi. "Ano?! Hindi ka pinanindigan ni Adam kaya ba hindi na siya pumupunta dito?!" galit na sigaw sa akin ni Nanay.

Umiling ako habang nakahawak ako sa kaliwang pisngi kung saan ako sinampal ni Nanay. "Hindi po, Nay." sabi ko.

Napatingin ako sa kamay ni Nanay na alam kong pinipigilan niya ang sarili na saktan ako. "Sorry Nanay, Tatay. Hindi ko po sinasadya."

"Anong hindi sinasadya? Desisyon mo yan noong gumawa kayo ng milagro hindi lang yan basta sinadya. Mahirap tayo Pat at kahit ikaw lang ang anak namin ay nahihirapan na kami na tugunan ang pangangailangan mo. Paano pa kaya ikaw? NApakabata mo pa para maging isang ina." umiiyak na pangaral sa akin ni Nanay.

Si Tatay naman ay hindi nagsalita at pilit na pinapakalma si Nanay.

Napakamalas ko talagang anak.

Galit na galit sa akin si Nanay at naiintindihan ko siya dahil tama naman lahat ng sermon niya. Kung sila nga ay nahihirapan sa akin na itaguyod ako paano pa kaya ako.

Hindi ko rin naman maggawang magalit kay Nanay noong sinampal niya ako kasi kahit sinong magulang na malaman na buntis ang anak nila sa murang edad.

...

Lumipas ang buwan ay galit sa akin si nanay at halos hindi matanggap ang nangyari sa akin. Kay Tatay naman ay wala akong narinig sa kanya pero alam ko sa kilos niya ay palagi siyang nagaalala sa kalagayan ko.

Kulang man sa pera pero kadalasan ay binibigyan ako ni Tatay ng prutas na pwede kong kainin. Bumili na rin siya ng gatas na dati rati ay wala naman kasi mahal ang presyo nito.

Sumapit ang graduation ay malaki na ang tiyan ko. Sa pagakyat ko sa stage ay halata sa toga kong suot ang laki ng tiyan ko.

Noong nalaman ng iba na bunti ako ay hindi nawala ng tsismis at pang bubully sa akin pero hinayaan ko na lamang. Wala ring patutunguhan kung papatulan ko sila at ipapaliwanag sa kanila ang kalagayan ko.

Sa pagtaas ko nga ng stage ay akala ko ay hindi pupunta si Nanay pero noong isinuot niya sa akin ang medal ay umiiyak siya at niyakap ako. "Proud ako sa iyo anak." sabi niya.

Sa kabila ng mga nangyari ay natutunan din ni Nanay na tanggapin ang nangyari sa akin.

Sa ikalimang buwan na pagbubuntis ko ay tsaka lang ako naglakas ng loob na tawagan ang number ni Adam. Gusto ko sana ipaalam sa kanya ang kalagayan ko. Alam kong galit siya pero kung sakaling itanggi niya ang nasa sinapupunan ko ay tatanggapin ko.

Nakailang tawag ako sa number ni Adam pero walang sumasagot kaya nagtext na lang ako.

PAT:
Buntis ako.

Iyon lang ang tinext ko pero wala akong natanggap na reply. Lumipas pa ang mga araw ay palagi akong naka abang sa cellphone na baka sakali ay magreply si Adam pero wala. Mukhang nagbago na siya ng number.

Sa ikalimang buwan ng pagbubuntis ko ay tumigil na ako na umasa sa reply ni Adam. Kahit mahirap ay tanggapin ko na lang na ito ang karma ko sa lahat ng ginawa kong pananakit kay Adam.

Nang dahil sa kalagayan ko ay hindi na ako nakapag-college, hindi na rin naman talaga ako makakapag-aral dahil wala kaming pera at ubos na ubos na. Sa pagkakaalam ko nga ay umutang na naman ulit sina Nanay at Tatay ng pera para sa nalalapit kong panganganak.

Sa ngayon ay natatakot ako kapag nanganak ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba dahil maraming mga kaso ng teenage pregancy ay hindi kinakaya at namamatay. Pero kung sakali man na mangyari iyon na mamatay ako sa panganganak ay inihanda ko na ang sarili ko.

Pinagisipan ko na ang pangalan na ibibigay sa anak ko at sianbi ko iyon kina Nanay at Tatay kung sakali man na mamatay ako sa panganganak.

Pamela kung babae at Peter kung lalaki.





MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Good Mornight everyone!

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon