CHAPTER 18
PAST & FUTURE
Kakauwi ko lang galing school at tulad ng nakasanayan ay hinatid ako ni Adam. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay agad kong narinig na nagtatalo si Nanay at Tatay. Pinakinggan ko ang pinagusapan nila at tungkol noong nakaraan, iyong sa utang.Natigil sila sa pagsasalita at napatingin sa akin nang maramdaman ang presensya ko.
"Anak nandito ka na pala?" sabi ni Nanay.
"Alam ko pong may problema tayo. Kailangan ko na po bang huminto sa pag-aaral? Ok lang po sa akin, maiintindihan ko naman iyon." matapang kong sabi kahit sa kabila nun ay nasasaktan ako.
Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag huminto ako sa pag-aaral pero kung kailangan talaga ay gagawin ko.
"Hindi ka hihinto sa pag-aaral Patricia. Igagapang namin ng Nanay mo ang pag-aaral mo." sabi ni Tatay at tumango ako.
Kung may problema man ay sa amin na lang muna iyon ng Tatay mo. Sasabihin din naman namin sa iyo kapag hindi na namin kaya." sabi naman ni Nanay.
Nabago ang usapan namin noon sinabi ni Nanay na kailangan ideliver ang suman na pinaggawa ng mga Delos Reyes. Inutos niya sa akin dalhin iyon sa mansyon. Nagpalit muna ako ng damit na pambahay bago napagpasyahan na ideliver ang suman.
Hindi kabigatan ang suman kaya nilakad ko na lang ang papunta sa mansyon ng mga Delos Reyes. Malapit lang din naman iyon sa may sa amin kaya walang problema.
Habang nasa daan ay may narinig akong tunog ng pusa. Agad kong inilibot ang paningin at hinanap kung saan iyon nanggagaling. Sandali pa ay tuluyan kong nahanap ang pusa at nagulat ako kung sino iyon, si Tomtom.
"Tomtom." bigkas ko sa pangalan niya.
Si Tomtom ay iyong pusa na ipinakita sa akin ni Dave noong naglaba kami sa mansyon. Noong tinanong niya ako na kung naaalala ko si Tomtom ay nagsinungaling ako dahil hindi naman na kami close. Naging malapit lang naman kami noong mga bata pa kami.
Naalala ko tuloy kung paano dumating sa buhay ko si Tomtom.
Kuting pa siya noon nang makita ko sa tabi ng kalsada na nilalamig at halatang nagugutom. Ipinakita ko iyon kay Dave hanggang sa napagpasyahan namin na ampuni at alagaan iyon. Magkatulong kami ni Dave na pinangalanan siya na Tomtom.
Araw-araw ako noon sa mansyon ng Delos Reyes para lang dalawin at alagaan si Tomtom. Nang dahil din kay Tomtom ay mas naging malapit kami ni Dave noon pero hindi iyon nagtagal.
NAKARATING ako sa mansyon ng mga Delos Reyes na nakasunod sa akin si Tomtom. Nagtaka tuloy ako kung bakit siya nasa kalsada at pagala-gala.
Pinindot ko ang doorbell at saglit pa ay pinapasok ako.
"Tomtom!" tawag ni Dave mula sa loob ng mansyon at dali daling tumakbo sa kinatatayuan ko na kung saan ay nasa paahan ko ang pusa.
Binigyan ko ng ngiti si Dave at nilagpasan na rin siya para pumasok na sa loob at ibigay ang suman na pinapadeliver sa akin.
Nagulat nama ako ng mismong si Mrs. Jane Delos Reyes ang kumuha ng suman na pinadeliver sa akin.
"Patricia, ikaw pala iyan?" bungad sa akin ni Mrs. Jane at kinuha ang suman.
"Aaah opo, ako po ang pinadeliver ni Nanay nitong suman." sabi ko naman.
Aalis na sana ako nang makuha ko ang bayad pero ang mama ni Dave ay inimbita ako na magmeryenda muna. Ang akala ko ay siya ang makakasama ko sa pagmemeryenda pero kami ni Dave ang naiwan.
Mabilis at tahimik kong tinapos ang pagmemeryenda para makaalis na rin dahil naiilang talaga ako kay Dave. Akala ko ay makakatakas na ako pero ang sabi ni Mrs. Jane sa anak niyang si Dave ay ihatid ako sa bahay namin. Sinubukan kong tumanggi pero hidi pumayag ang mama niya.
Napakamot na lamang ako sa buhok ko nang makalabas ng mansyon. Si Dave naman ay nakasunod sa akin at pilit na tumatapat sa akin habang naglalakad.
Tahimik kami habang naglalakad pauwi sa bahay. Kung minsan ay nagtatanong siya pero sinasagot ko iyon ng patapos para wala na siyang maidugtong na tanong.
Ilang minuto kami inabot ng paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay. Pero mukhang pinagtitripan ako ng tadhana ngayon. Pilit akong lumalayo at umiiwas kay Dave pero hindi ko maggawa.
Pagdating namin sa bahay ay pinapasok siya ni Nanay at Tatay sa loob. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero pinigilan ako ni nanay dahil nakakabastos daw iyon kay Dave.
Naupo ako sa tabi habang pinakikinggan ang usapan ni Tatay at Dave. Sa kabila nun ay hindi ko na naiwasan na pakatitigan si Dave. Nakuha niya kasi ang atensyon ko ng tumawa siya, tawang pangmayaman at gwapo.
Buong minuto ay nakatitig lang ako kay Dave at nakisama na rin ako sa usapan nila. Natapos ang gabi ay hindi nawala ang ngiti ko sa labi. Aaminin ko ay namiss kong kausap at katawanan si Dave.
Ma-pride lang talaga ako dahil hindi ko matanggap ang nagyrai noon. Ang nagyrai sa nakaraan kung bakit nagalit ako at nawal ang tiwala ko sa kanya. Pero kung iisipin ay sobrang bata lang talaga namin kaya masyado kong dinibdib ang nangyari noon.
Nang matapos ang kwentuhan ay sinabihan ako ni Tatay na ihatid ko palabas ng bahay si Dave.
Nasa labas na kami ng bahay at hindi mawala ang tingin ko sa mga ngiti at mata niya. Nabalik ako sa reyalidad ng ikinaway niya ang kamay sa harap ko. Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya.
"Ok ka lang?" tanong ni Dave sa akin at napakamot ako sa ulo.
"Oo, okay lang ako. Sorry!" sabi ko at tumawa siya.
Lumingon lingon siya sa paligid at tila tinitingnan kung may tao sa paligid. Natigilan naman ako ng tawirin niya ang pagitan na distansya naming dalawa. Hinawi niya ang buhok na humrang sa mukha ko dahil sa hangin.
Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon ng konti. Alam ko ang gagawin niya pero hindi ko pinigilan. Kasabay ng pagdampi ng kanyang labi sa akin ay ang pag ihip ng malakas na hangin.
Bago ako magkaroon ng Adam ay may isang Dave. Siya ang unang nangako sa akin na magpapakasal sa akin at hindi ako iiwan.
Bago magkaroon ng pekeng kasal namin ni Adam ay may pekeng kasal kami ni Dave. Siya ang unang halik ko at nangako sa akin na mamahalin ako habang buhay.
Bago ako magkaroon ng singsing ay may isang Dave na nagbigay sa akin ng singsing na gawa sa santan. Siya ang unang nagbigay ng bulaklak sa akin na rosa na pinitas niya at dahil dun ay nagkaroon siya ng sugat.
Ang lahat ng una sa akin ay si Dave at hindi si Adam at nangyari iyon noong anim na taong gulang pa lang kami pero ang lahat ng iyon ay naglaho nang umalis siya at sa Manila nag-aral.
Sa pagalis ni Dave ay ang pagdating ni Adam. Na naging kaibigan ko at nagustuhan, na ngayon ay mahal ko na.
Nang maghiwalay ang labi namin ni Dave ay tsaka lang ako natauhan at natagpuan ko ang sarili ko na umiiyak dahil alam kong mali at guilty ako sa nangyari ngayon.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
Gulat kayo noh?! Btw, bakit parang takot ang lahat at walang nagbibigay ng theory? Hahaha