CHAPTER 22
PAGBABAGO
Isang linggo na ang nakalipas nang umalis sina Adam at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag. Natatakot ako baka nakalimutan na niya ako. Baka hindi niya tuparin na babalik siya.Sa nakalipas na araw na wala si Adam ay sobrang nakakawalang gana. Wala akong kausap at kasama. Sa tuwing pupunta ako sa puno na tinatambayan namin ay tulala lang ako. Iba talaga kapag kasama at nasa tabi ko si Adam.
Wala naman akong kaibigan maliban sa kanya.
Hindi rin maalis sa isipan ko na baka hindi na nga bumalik si Adam at mangyari iyong panaginip ko na ginantihan niya ako.
Napabuntong hininga ako habang inaayos ang upuan. Uwian na at ako na lang ang natira dito sa loob ng room dahil naglinis pa ako.
Tumakas na naman kasi ang mga kaklase ko at yung iba naman ay tamang hawak lang ng upuan at kunwari naglinis na.
Inilabas ko sa bulsa ng palda ang cellphone at ipinunta iyon sa call. Pinindot ko ang number ni Adam at isang pindot lang ay tatawagan ko na siya.
Bumuntong hininga ako at tinuloy ang balak. Nagring ito ng ilang beses. Nakatatlong tawag ako kay Adam at sa huling tawag ay nabuhayan agad ako nang sumagot siya.
"Hello" salita ko pero walang sumagot at namatay agad ang tawag.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ng text na galing kay Adam.
ADAM:
Sa tambayan.Iyon ang text niya at naguluhan ako. Ang tagal niyang hindi nagparamdam tapos yun lang ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng text ni Adam pero sa tingin ko ay tinutukoy niya ang tambayan namin.
Naguguluhan man ay wala namang mawawala kung susubukan kong pumunta sa tambayan namin. Doon sa may puno na malapit sa field. Malayo pa man ay wala akong natatanaw na tao doon pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.
Nang makarating ay wala namang tao at sobrang tahimik. Bagsak ang balikat ko at napanguso na lang dahil umasa ko na makikita ko si Adam.
"I miss you Ma'am" biglang sulpot ng kung sino at agad akong naiyak nang makitako si Adam at patakbong lumapit sa akin sabay yakap.
"Miss na miss kita Adam." sabi ko. "Akala ko ay hindi ka na magpaparamdam. Akala ko ay kinalimutan mo na ako. Akala ko ay hindi mo na ako babalikan." umiiyak kong sabi sa kanya.
Hindi siya nagsalita pero sapat na yung yakap niya na tinupad niya yung pangako niya.
Halos ayaw pa naming maghiwalay ni Adam sa yakap pero dahil kailangan na namin umuwi ay kunawala na kami sa yakap sa isa't isa pero ang mga kamay namin ay magkahawak.
Habang pauwi kami ay nagpaliwanag si Adam kung bakit hindi siya nakatawag at nakabalik agad. Wala raw kasing magaalaga sa Mama niya dahil ang Papa niya ay may inaasikaso na may kinalaman din sa Mama niya.
Kung may maitutulong lang sana ako kahit konti ay gagawin ko pero wala din eh.
Hinawakan ni Adam ang kamay ko at kinapa ang sinsing na suot ko na siya mismo ang nagbigay sa akin. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo, sunod sa ilong at sa labi.
Sobrang namiss ko ko si Adam pero nang makita ko ang kabuuan niya ay nagaalala ako. Ang laki ng pinayat niya at maging eyebags niya.
"Kamusta ang Mama mo?" tanong ko habang naglalakad kami pauwi.
"Nagising na si Mama pero kritikal pa rin ang kalagayan niya." kwento pa niya. "May problema lang kami ng konti sa pera dahil ang mahal ng mga gamot niya."
"Namayat ka Adam. Ayos ka lang ba dun sa Manila? Kumakain ka ba?"
"Ayos lang ako at mas magiging maayos ako kung nasa tabi kita. Para tuloy ayoko nang bumalik sa Manila. Hindi rin ako mapakali kasi baka iwan mo ako."
"Bakit mo naman naiisip na iiwan kita? Hindi kita iiwan." sagot ko at hinalikan niya ako sa sentido.
Pagdating namin sa bahay ay nagulat sina Nanay at Tatay dahil kay Adam. Tulad ng ginawa ko kanina ay kinamusta rin nila ang Mama niya.
Sa amin kumain ng gabihan si Adam at nagpaalam rin sa magulang ko na kung pwede siyang matulog katabi ko at pumayag sila. Sinabihan lang kami na wag gagawa ng kung anong milagro.
Akala ko ay mabilis lang si Adam tumagal siya ng ilang oras at madaling araw na umalis sa bahay para bumalik sa Manila.
Ang pagbalik balik ni Adam ay nagpatuloy at araw-araw siyang bumabalik at bumabyahe para lang makasama ako. Dadating siya ng ala-singko ng hapon at aalis ng madaling araw. Sa tuwing uuwi siya ay sa bahay namin siya tumutuloy dahil ang bahay pala nila dati ay binenta na.
Masaya ako dahil tinupad lahat ni Adam ang pangako niya naa babalik siya. At kahit papaano din ay gumagawa talaga siya ng paraan para makasama ko at makausa ako pero sa kabila nun ay pagaalala ko dahil mas pumapayat na siya.
"Adam, once a week ka na lang kaya pumunta sa akin. Inaalagaan mo ang mama mo tapos pupunta ka pa sa akin. Pagpd ka sa biyahe tapos nagaaral ka pa." sabi ko kay Adam habang kumakain kami ng street food.
"Hindi pwede, gusto ko ay kasama kita palagi Pat." aniya na ikinalungkot ko.
Kahit ako ay gusto ko rin na kasama siya palagi pero hindi na nakakabuti sa kanya yung sitwasyon namin. Sobrang laki na ng sakripisyo niya.
Kung kaya ko lang din ang ginagawa niya na pabalik balik ay gagwin ko pero wala naman akong pera na pamasahe.
"Ikaw ang mundo ko Pat." aniya at niyakap ako. "Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin."
Kahit anong pilit at kumbinsi ko kay Adam na wag na munang magbalik balik ay hindi niya ginawa. Pinagpatuloy niya ang gusto niya at hinayaan ko na lang din dahil gusto ko rin kahit medyo nagaalala ako.
Pero ang lahat ay may hangganan. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay siyang pagputol naman ng tadhana sa pagitan naming dalawa.
Ang kasiyahan ay binawi ng kalungkutan. Na siyang yugto na magpapabago sa pagmamahalan namin at istorya naming dalawa.
Hindi ako handa, hindi kami handa na sa pag gising namin pareho, kailangan ng isa sa amin ang magpalaya.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Anong nangyari? Anong theory niyo sa sunod na mangayayari? Pasensya po kung na-late ang update, nagbrown out po kasi sa amin. Baka mamayang 12 AM ko na ma-upload yung dalawang chapter.