CHAPTER 37: ALIAH

3.8K 166 150
                                    

CHAPTER 37
ALIAH

        
Kakaalis ko lang sa apartment ni Tin ngayon. Naglubta ako sa kanya para ipaalam na makakapagaral na ulit ako at hihinto na ako sa pagtatrabaho ko sa club. Nagpaalam na ako sa manager ko at pati na rin kay Gia na naging kaibigan at kasama ko sa club noong natatrabaho ako.

Sakay ng taxi ay pabalik na ako sa apartment ko para ayusin ang mga gamit ko. Napagpasyahan ko kasi na tanggapin na ang alok sa akin ng mag asawang San Diego ang pagtita sa bahay nila.

Noong una ay nagdadalawang isip ako pero naging buo ang desisyon ko nang makilala ko kahit papaano ang anak nilang si Aliah.

Akala ko nga ay tulad sa mga napapanood sa TV ay mataray at maarte siya pero hindi naman pala. Siya na rin ang nagpumilit sa akin na tumira na sa kanila dahil gusto daw niya lagi akong kasama.

Inilalagay ko na ang mga damit sa malaking bag nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko iyon at agad na bumungad sa akin si Adam.

Nakangiti ito at may hawak na bouquet. Ibinigay niya iyon sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Hindi lang iyon basta yakap dahil nabuhay na rin niya ako.

"Miss na miss kita Ma'am." sabi niya sa akin. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko at inamoy amoy pa ako. Ilang segundo kaming ganun ang posisyon hanggang sa napagpasyahan namin na humiwalay sa isa't isa.

Nabaling naman ang tingin ni Adam sa mga gamit kong ginagayak kaya agad akong napapikit at nagisip agad ng paraan ng idadahilan ko sa kanya.

"Aalis ka?" tanong niya at napakamot ako sa aking buhok.

"Uuwi lang ako kina Nanay at Tatay." pagsisinungaling ko at tumango siya.

"Ihahatid kita." sabi niya nang makaupo sa dulo ng aking kama.

Lumapit ako sa kanya at kumandong paharap. "Hindi na." sabi ko at hinalikan siya sa labi.

"Are you sure? Nagaalala ako sa iyo Ma'am." sabi pa niya at ngumiti ako.

"Ayos lang ako." sabi ko.

"Date tayo Pat. May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya at umiling ako.

Wala akong gagawin ngayong araw dahil maggagayak lang talaga ako ng gamit at mamayang gabi na lang ako pupunta sa bahay ng mga San Diego.

Nahiga muna si Adam sa kama habang ako naman ay nagpalit. Matapos nun ay umalis na kami. Tulad noong pumunta kami sa mall ay naka face mask kami para hindi siya makilala.

Magkahawak ang kamay namin ni Adam nang pumasok sa mall. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito sa mall pero malaki kasi ang bahagi ng mall sa relasyon namin ni Adam.

Sa loob ng mall kami nagcelebrate noon ng monthsary. Sa mall din siya nangako sa akin na papakasalan ako. Binigyan ng singsing at ipinangakong sa araw ng kasal namin ay talagang pagiipunan niya ang wedding gown ko.

"Manood kaya tayo ng sine." aniya at tumango ako.

"Sige." hindi ko rin naman kasi alam ang gagawin namin eh. Alangan maglakad lakad lang kami at kumain.

Pinaupo na lang muna ako ni Adam sa bench dahil ang sabi niya ay siya na lang ang pipila para bumili ng movie ticket namin at pagkain. Habang naghihintay sa kanya ay nakuha ang atensyon ko sa isang napakalaking poster sa isang department store dito sa loob ng mall.

Isa iyong poster na kung saan nandon si Adam at Aliah. Nakahawak si Aliah sa isang balikat ni Adam at medyo tagilid ang pwesto nila dahil nakadikit sa pisngi ni Adam ang labi ni Aliah.

Ganun pa man ay ngumiti ako at pinigilan ang magselos at mainggit. Mabait si Aliah at hindi ko dapat pagselosan siya ng dahil sa maliit na bagay at tsaka may tiwala ako kay Adam na noon at hanggang ngayon ay ako lang.

"Ako lang." mahinang sambit ko at mapait na mapangiti.

...

Matapos naming manood ni Adam ng sine ay nagkwentuhan na lang kami at naglibot libot sa mall. Sinubukan niya akong bilhan ng kahit ano pero tumanggi ako. Sapat na yung nasa tabi ko si Adam, na kasama ko siya.

Wala kasing makakapantay na materyal na bagay sa presenya at pagmamahal ni Adam.

Ginabi na kami sa date naming dalawa kaya sa mall na rin kumain ng gabihan. Nang umuwi kami ay inihatid ako ni Adam. Nabanggit niya kanina na hindi siya matutulog ngayon sa apartment ko dahil maaga daw ang trabaho niya.

"Bye, Pat. I love you." aniya at hinalikan ako sa noo, sunod sa ilong at sa labi.

"Magingat ka Adam sa paguwi. I love you too." sabi ko.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang umalis si Adam. Napagingin naman ako ng oras sa cellphone at ala syete pa lang ng gabi. Nagtext ako kina Mr. and Mrs. San Diego na ngayon ako pupunta at sinabi naman nilang ipapasundo na lang daw nila ako dahil gabi na.

Minuto lang ang hinintay ko nang tuluyang makarating ang sasakyan na susundo sa akin. Tinulungan ako ng driver na isakay ang bag ko at matapos nun ay umalis na rin kami.

Pagdating sa bahay ng mga San Diego ay namangha ako dahil akala ko ay simpleng bahay lang ang kanilang tirahan pero malapit na ito sa manyson kung titingnan.

Mula sa pagbuhat ng gamit ko ay ang driver ang gumawa nun. Binati rin naman ako ng mga katulong at hindi ko maiwasan ang mahiya dahil hindi naman ako ang amo nila.

Pagpasok sa loob ng bahay ay sinalubong ako ni Aliah na nakapambahay na damit. Kahit simpleng damit lang ay mukha pa rin siyang dyosa. Sana all na lang.

Hindi na ako naggawang kausapin ng magasawang San Diego dahil si Aliah na mismo ang nagboluntaryo na ilibot ako sa loob ng bahay nilabat dahil din ay natawa na lang ang mag asawa.

Sobrang laki ng bahay talaga nila kaya hindi namin natapos na libutin ang buong bahay kaya ang sabi ni Aliah ay bukas na lang. Hinatid niya ako sa kwarto ko at nagulat ako ng malaki iyon.

"Siya nga pala, pinapatanong nina Mom at Dad kung alam ba ng magulang mo ang tungkol sa iyo? Ang paglipat mo dito or kahit na ano na tungkol sa iyo?"

Ngumiti ako kay Aliah at tumango."Alam nila." pagsisinungaling ko.

Ang gamit ko ay inilapag ko sa gilid ng kama habanv si Aliah naman ay naupo sa kama at mukhang makikipagkwentuhan sa akin ng buong gabi.

"Hello po." natigilan kami pareho ni Aliah at napatingin sa pintuan ng may boses ng bata doon.

"Come here Alden." tawag ni Aliah sa batang lalaki at tumakbo ito sa kinapwepwestuhan niya.

Hindi naman maalis ang tingin ko sa bata dahil naalala ko na naman ang anak ko. Kung iisipin ay nasa ganung edad na sana ang anak ko kung kasama ko siya, kung kapiling ko siya.

"Anak mo?" hindi ko na napigilan na magtanong kay Aliah. Tumawa siya at umiling.

"Kapatid ko." aniya.

"Ilang taon na?" tanong ko.

"I'm four years old." bibong sabi ni Alden at ipinorma pa sa apat ang kanyang mga daliri. "I'm Alden San Diego and you are po?" cute niyang sabi at lumapit ako sa kanya.

"I'm Patricia Cereno." pagpapakilala ko at mahinang pinisil ang kanyang pisngi. Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang ulo at medyo ginulo ang kanyang buhok.

"Nice to meet you Alden." sabi ko at kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Me too." sweet niyang sabi at humagikgik ito nang kilitiin ito ni Aliah.







MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon