CHAPTER 24: PETER

4.2K 175 99
                                    

CHAPTER 24
PETER


Kasalukuyan akong pauwi galing trabaho ko. Hindi na ako nakapag-aral sa college dahil kailangan ko rin alagaan ang anak kong si Peter.

Nagkaproblema sa panganganak ko. Normal delivery sana ako pero ni-cesarean ako dahil delikado ang posisyon ng anak ko sa loob ng tiyan.  Akala ko nga ay mamamatay na ako sa panganganak pero nakayanan ko naman.

Ang problema nga kang ay mas dunami ang utang namin dahil sa pagbubuntis at panganganak ko. Dumagdag pa ang gastusin ng anak kong si Peter laya namab todo kayod ako. Halos wala aking tulog para lang magkapera.

Kaliwa't kanan ang trabaho ko kaya bihira ko lang makasama at makita si Peter. Isang taon na siya mahigit at tuwang tuwa nga sina Nanay at Tatay sa apo nila.

Bitbit ko ngayong ang mga pinamiling gamit at mga gatas ni Peter. Ngayon lang ako nakasweledo at noong isang araw pa hindi nakakainom ng gatas ang anak ko.

Ngayon alam ko na kung gaano kahitap ang maging isang batang ina. Tama sila na dapat ay hindi muna natin ginagawa ang mga bagay na hindi pa dapat.

Sa nakalipas na taon ay hirap pa rin ako na tanggapin ang nangyari sa amin ni Adam. Sa mga panahong wala siya ay si Nanay at Tatay lang ang meron ako. Minsan naiisip ko tama kaya ang ginawa ko na hiwalayan si Adam. Kamusta na kaya siya? Ano na ang ginagawa niya? May girlfriend na ba siya?

Napailing na lang ako sa naiisip. Halatang hindi pa rin talaga ako nakakamove on.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay rinig ko kaagad ang iyak ng anak ko. Nagmano ako kay Tatay na abalang naglukuto ng ulan namin habang si Nanay naman ay linapatigil ang anak ko sa pagiyak.

Lumapit ako kay Nanay para akuin na ang pagpapatahan sa anak ko. Kinarga ko si Peter at mahinang pinapalo sa pwet.

Sa tuwing nakikita ko si Peter at palagi kong naaalala si Adam. Kamikhang kamikha niya kasi ito at nakakapagtampo nga kasi parang wala man lang nakuha sa akin ang anak ko. Habang pinapatahan ko ang anak ko ay nagtitimpla si Nanay ng gatas niya na inuwi ko ngayong araw.

Masarap maging Nanay pero mas masarap maging bata. Sa sitwasyon ko kasi ay sana nagaaral pa ako at naeenjoy ang mga bagay bagay pero ang pagdating ng anak ko ay masaya at masarap naman din sa pakiramdam pero napakalaki ng responsibilidad ang naka atang sa akin.

Tulad ng sabi ko ay bihira ko lang makasama ang anak ko dahil sa trabaho ko na madami. Sa tuwing uuwi kasi ako ay tulog na siya o di kaya pagod. Guto ko man na makasama siya palagi pero hindi pwede dahil kailangan kong kumita. Kung hindi ako magtatrabaho ay magugutom siya.

Pagod man ako palagi sa trabaho ko pero sapat na yung makita ko yung anak ko. Napapawi niya ang hirap at sakit ko.

"Peter ko." sambit ko sa pangalan ng anak ko at hinalikan siya sa noo.

Sandali lang ang itinagal ko dahil may trabaho pa ako sa isang restaurant bilang waitress. Muli kong tiningnan ang anak ko at tsaka nagpaalam kina Nanay at Tatay na aalis na para pumuntang trabaho.

...

Dalawang araw na akong hindi nakakauwi dahil sa trabaho. Gusto ko man na umuwi ay sayang lang sa pamssahe. Sa sentro ako nagtatrabaho at malayo sa bahay. May kasamahan ako sa katrabaho at doon ako nakikiutuloy.

Napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ang larawan ni Peter. Ang ilang picture ay kasama ako at ang iba ay kasama sina Nanay at Tatay.

Ngayong araw ang day off ko kaya makakpahinga ako mamaya at makakauwi na rin. Nagbow kaming magkakatrabaho sa amo namin ng ibigay ang sweldo namin. Napatingin ako sa limang libo na sweldo ko. Kulang pa ito para sa pangangailangan namin pero magagawan ko naman ito ng paraan.

Dumiretso ako sa mall at bumili ng tatlong pares ng damit para sa anak ko. Matagal ko na din iyon gustong bilihin at ngayon ko lang nabili. NAglibot pa ako sa loob ng mall at napanguso na lang ako nang makita ko ang mga laruan na pambata. Gusto ko man bilhin iyon pero mahal. Sa sunod na lang sigryo.

Palabas na ako ng mall nang madaanan ko ang isang wedding gown shop. Napahinto ako at napatinhin sa wedding gown na nkadisplay. Naalala ko iyong pinangako sa akin ni Adam.

"Hayaan mo, magiipon ako para sa atin at ipinapangako ko na ganyang gown ang isusuot mo sa araw ng kasal natin." sabi ni Adam at tumingin ako sa kanya.

Naiyak ako dahil sa naalala. Mangyayari pa ka yun? Ngumiti na lang ako at pinunasan ang luha. Hindi na ata iyon mangyayari.

Paglabas ko ng mall ay dumiretso agad kao sa sakayan ng bus para umuwi na. Ilang minuto lang ang biyahe pauwi sa amin at excited na akong mayakap at mahalikan ang anak ko.

Naglalakad na ako pauwi sa bahay nang matanaw ko ang isang malaking sasakyan sa labas ng bahay namin. Iyon yung sasakyan na inuutangan nina Nanay at Tatay. Kumunot ang noo ko sa sunod na nangyari.

Nasa labas sina Nanay at Tatay at mukhang may hinihila sa isang lalaking kaharap nila. Agad kong nabitawan ang mga gamit at pinamili ko nang makita kong isinakay nila sa loob ng sasakyan ang anak kong si Peter.

Ang lakad ko kanina ay naging takbo at unti-unti na pumatak ang luha ko pero hindi pa man ako nakakarating sa harap ng bahay namin ay umalis na ang sasakyan bitbit ang anak ko. Sinubukan ko pang habulin ang sasakyan para bawiin ang anak ko pero huli na ang lahat.

Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko ang pag-iyak ng anak ko.

"PETER!' sigaw ko habang umiiyak.

Binilhan ko pa siya ng bagong damit at mga tsupon. Isusuot niya pa iyon. Sandali pa ay bumuhos ang ulan habang nakaluhod ako sa kalsada.

Ang daya ng Diyos! Hanggang kailan ba niya ako pahihirapan. Hanggang kaila ko ba mararanasan na iwanan.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Nanay. "Anak sorry, kinuha nila si Peter pambayad sa malaking utang natin sa kanila. Sinubukan naman namin na kunin sa kanila si Peter pero mas malakas sila."

Labing anim na taong gulang ako ng mabuntis at manganak.

Labing walong taong gulang ako nang kinuha sa akin ang anak ko.

Hindi ko man lang narinig na banggitin niya ang salitang 'mama'. Hindi ko man lang siya nakitang lumakad. HIndi ko man lang siya nakasama ng matagal.

Ang daya ng Diyos!


 

MISTERCAPTAIN
Professor

🟡 Isa po sa mga problema ng ating bansa ay ang teenage pregnancy. Kaya sa mga kabataan dyan, iwasan ang dapat iwasan. Wag gawin ang hindi dapat ginagawa sa murang edad.

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Happy 15k followers. Btw, ang gaganda ng mga theory ninyo.

Any suggestions po na pwede kong itawag sa readers ko? HEHEHE.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon