CHAPTER 39
ESPESYAL NA BISITA
Noong nakaraan ay isang linggo kaming magkasama ni Adam. Sa apartment ako umuuwi tulad ng alam niya. Ipinagpaalam ko iyon sa mag asawang San Diego na sa apartment muna ako uuwi at pinayagan naman nila ako.Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Adam simula noong nakaraang linggo. Ang plano namin ay magdate ngayon. Nagtext kasi siya kanina na wala siyang trabaho kaya pumayag naman ako.
Kasalukuyan ako ngayong nandito sa apartment ko at nakahiga. May pasok ako kanina at dito na ako dumiretso dahil nga mag dedate kami ni Adam.
Agad naman akong napatingin sa cellphone ko nang tumatawag si Aliah sa akin. Sinagot ko iyon at mula sa kabilang linya ay narinig ko ang boses ni Alden na mukhang kinukilit siya.
"Hello!" aniya at nahihirapan siya sa pagsasalita dahil mukhang pilit na inaagaw sa kanya ni Alsen ang cellphone. "Kakausapin ka daw ni Alden."
Natawa naman ako at napailing na lang. Mukhang inaway at pinilit na anamn ni Alden si Aliah na tawagan ako. Sa tuwing dito kasi ako sa apartment tumutuloy ay halos oras oras tumatawag sa akin dahil hinahanap ako ni Alden.
Naintindihan ko naman si Alden, iyong pagiging close niya sa akin. Magkapatid sila ni Aliah at kadalasan na umaalis ang kapatid niya dahil sa trabaho pero noong sa kanila ako tumira ay palagi na siyang may nakakalaro at nakakasama.
Hindi ko rin naman masisi si Aliah dahil alam kong pati siya ay walang maggawa sa trabaho niya. Hindi naman daw kasi sa kanya nakasalalay ang schedula ng trabaho niya bilang pagmomodelo.
Nagusap kami ng ilang minuto ni Alden hanggang sa si Aliah na ang nakausap ko.
"Pat baka naman pwedeng dito kang maggabihan dito sa bahay. Espesyal ang okasyon ngayon at napakahalaga nito sa akin kaya gusto ko nandito ka." wika niya ay bakas ko ang lungkot sa kanyang boses.
Itinuring ka rin talaga ako ni Aliah na parang kapatid niya. Isa din kasi sa gusto niya ay magkaroon ng kapatid na babae. Nasabi niya iyon sa akin nang minsan kaming nagusap.
Napakagat ako sa pang ibabang labi at hindi maiwasan ang makonsensya. Kailangan kong mamili kay Adam at Aliah.
Napabuntong hininga ako at tsaka nagsalita. "Sige, uuwi ako mamaya." sabi niya at narinig ko ang pagsigaw niya sa kabilang linya at mukhang natuwa talaga siya sa naging sagot ko.
Nang matapos ang tawag ay tinext ko si Adam na wag munang kaming magdate at magkita ngayon dahil may mahalaga akng aasimasuhin. Ang sabi naman niya ay pwede niya akong samahan kung ano man iyon pero tumanggi na ako.
Akalak ko ay mahihirapan pa ako sa pagpapaliwanag kay Adam pero buti na lang ay sumuko rin siya sa huli. Bumangon na ako sa pagkakahiga at inayos na ang sarili para makauwi na.
Ilang minuto lang ay nakauwi na ako sa bahay ng mga San Diego. Sinalubong naman agad ako ni Alden at nagpabuhat pa sa akin.
Nang tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay naabutan kong nagsisilinis at nagsisiayos ang mga katulong. Tinanong ko naman kay Alden kung nasaan ang Ate Aliah niya at ang sabi niya ay nasa kusina daw ito kasama ang Mom niya.
Mukhang espesyal talaga ang okasyon ngayon dahil naabutan kong nagluluto si Aliah kasama si Mrs. San Diego, ang mama niya. Nang makita nila ako ay agad na sinaway ni Mrs. San Diego ang anak niyang si Alden na bumaba sa pagkakarga sa akin.
"Ang tanda tanda mo na para magpabuhat pa." saway nito kay Alden pero agad na umamo ang mukha ni Mrs. San Diego nang yunakap ito sa kanyang binti.
"I love you Mom." rinig kong sabi nito at napailing si Aliah. "Alam mo talaga kung paano paamuhin si Mom"
Ako naman ay naghugas ng kamay at tumulong na rin sa pagluluto ng ihahanda mamaya. Base sa obserbasyon ko ay mukhang mahalaga talaga ang okasyon ngayon.
Nalilito tuloy ako kung anong okasyon ba ang ipagdiriwang namin mamaya. Hindi ko alam kung may birthday ba ang isa sa mga San Diego o kung ano. Basta ang alam ko lang ay mahalaga dahil todo ang pagaasikaso ni Mrs. San Diego at Aliah.
Nang matapos magluto ay sinabihan na kami ni Mrs. San Diego na magayos na dahil isang pras na lang ay dadating na daw ang napakahalagang bisita namin.
Si Alden ay nagpaligo na naman sa akin at ako rin ang pinapili ng damit niya. Matapos nun ay tsaka lang ako nakaligo at nakapagayos ng sarili.
Ang sinuot ko na lamang ay kulay asul na dress na bigay sa akin ni Aliah at ang suot ko naman ay sandals na bigay sa akin ng mag asawang San Diego.
Nang maayos ang sarili ay pumunta ako sa kwarto ni Aliah at naabutan ko siyang naglalagay ng make up. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya.
"Lagyan kita ng make up." sabi niya.
Napangiti ako at hindi na naggawang tumanggi nang pinaupo niya ako sa kinauupuan niya kanina. Nagsimulang siyang lagyan ako ng make up at ako naman ay sumusunod lang sa mga sinasabi niya kapag kailangan pumikit o ngumiti o tumingin sa taas.
"Perfect." aniya nang matapos akong make up-an.
Idinikit niya ang mukha sa akin at mula sa repleksyon ng salamin ay makikita kong magkahawig kami ng konti. "Ang ganda natin." sabi niya at napangiti ako doon.
Lumipas pa ang ilang minuto ay nanatili lang ako sa loob ng kwarto habang si Aliah at Alden ay nasa baba na. Ang sabi ko ay susunod na lang ako mamaya dahil nakikipagtext pa ako kay Adam.
Magkatext kami ni Adam sa tuwing hindi kami magkasama kaya naman kahit papaano ay hindi ko siya gaanong namimiss dahil magkatext at katawagan naman kami.
Nagulat naman ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumukas iyon at pagtingin ko ay isang katulong. "Pinapatawag na daw po kayo." imporma nito sa akin at tumango ako.
Pinatay ko ang cellphone ko at itinabi na. Hinihintay ko pa ang reply ni Adam sa akin pero mukhang busy na ata ito.
Naglakad na ako pababa at nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang boses ni Alden na mukhang kausap ang espesyal na bisita namin.
Natigilan naman ako nang makita ko si Adam na buhat buhat si Alden at kinakausap ito. Sa tabi naman niya ay si Aliah.
"Patricia." tawag sa akin ni Mr. San Diego at napaharap sa akin sina Aliah, Adam at Alden.
Nagtama ang mga mata namin ni Adam at parehas kaming hindi alam ang magiging reaksyon ngayon. Hindi ko maggawang ihakbanv ang paa ko dahil sa nangyayari.
Nabalik na lamang ako sa reyalidad nang lumapit sa akin si Aliah at isinukbit ang braso sa akin.
"Siya ang espesyal na bisita natin." sabi ni Aliah at ang tinutukoy niya ay si Adam.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
Kalmahan lo nating lahat 😂Maraming salamat din po pala sa mga nagbabasa at sumusuporta sa unang story ko dito sa wattpad, iyong EVERYONE IS LYING.