SPECIAL CHAPTER 2: PAT, ADAM AND ALIAH, DAVE

4.2K 119 179
                                    

SPECIAL CHAPTER 2
PAT, ADAM, ALIAH, DAVE


"Ate Pat may naghahanp sa iyo, si Ate Aliah." rinig kong sabi ni Alden sa akin at inalalayan niya akong makatayo para puntahan si Aliah.

Sixty years old na ako, matanda na pero hanggang ngayon ay buhay pa rin ang STAR CENTER na itinayo ko at patuloy pa rin ang pagtulong nito sa mga tao na nangangailangan.

Tulad ko ay kulubot na rin ang mga balat ni Aliah. Nakasalamin na ito pero maganda pa din katulad noong mga nasa 30's kami.

Nagyakapan kami ng makalapit sa isa't isa at matapos nun ay pinaupo ko siya para makapagusap na kami. Si Alden naman ay inutusan ko na magtimpla ng tsaa.

Hinawakan ako ni Aliah sa kamay. "Ang tanda na natin pero hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal ni Adam. Pinapunta niya ako dito dahil gusto ka daw niyang makausap. Nitong mga nakaraang araw din ay nagsasabi siya sa akin na nararamdaman niyang malapit na siyang mamatay at gusto lang niya magpaalam sa mga taong mahal niya at mahahalaga sa kanya." pagkwento ni Aliah at mapait akong napangiti.

Hinawakan ko mukha ni Aliah. "Sa ilang taon na mag-asawa kayo ay nakita ko na minahal ka ni Adam. Mahal ka ni Adam higit pa sa inakala mo." sabi ko at nanubig ang kanyang mga mata.

"Ako ang nagsasabi sa iyo dahil alam ko na may dahilan ang tadhana kung bakit mahal ko lang si Adam at hindi ko siya noong maggawang piliin. At alam mo kung ano yung dahilan, iyon ay kayo talaga ni Adam ang nakatadhana." sabi ko at tuluyang umiyak si Aliah at niyakap ako.

Nagusap kami habang umiinom ng tsaa na tinimpla ng kapatid niyang si Alden. May mga apo na nga si Aliah at ganun din ako, apo na galing kay Alden. Nakaasawa na kasi ito pero ganun pa man ay hindi ako nito iniwan.

Hindi ako iniwan ni Alden at Dave.

Naalala ko nang minsan kaming nagkausap ni Dave, tinanong ko siya kung magaasawa ba siya, ang sabi niya ay magaasawa lang siya kung ako yung babae. Handa dawa siyang maghintay kahit kailan at ngayong uuvod ugod na kami ay hindi pa rin nagasawa si Dave at pinanindigan niya ang paghintay sa akin.

Ipang minutong paguusap namin ni Aliah ay nagtungo na kami sa bahay nila para makausap na ako ni Adam. Pagdating sa kanila ay dumiretso kami sa kwarto nila at doon ay iniwan niya ako kasama si Adam na nakahiga sa kama.

Ang sabi ni Aliah ay mahina na si Adam kaya hindi na makabangon at makatayo.

Naupo ako sa upuan na nasa gilid at agad na ngumiti sa akin si Adam at tinawag ako. "Ma'am" Mapait akong ngumiti at hinawakan ang kanyang kulubot na mukha. Wala pa ring nagbago kay Adam, gwapo pa rin siya kahit matanda na.

Hinawakan ni Adam ang kamay ko at hinalikan iyon. "Patawarin mo ako Ma'am kung hindi ko natupad ang pangako ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko."

"Natutunan kong mahalin si Aliah ng hindi ko inaasahan. Patawarin mo ako Ma'am kung minahal ko siya ng higit sa pagmamahal mo." umiiyak niyang sabi at umiling ako.

"Masaya ako para inyo, para sa iyo. Alam ko na mamahalin mo rin si Aliah." sabi ko.

"Ma'am bawi tayo sa next life ha?" sabi niya at hinintay ako na sumagot.

"Oo, babawi tayo sa next life." sambit ko sabay tango.

Ilang sandali lang ang tinagal ko dahil pinatawag na ni Adam sa akin si Aliah. Nang lumabas ako ng kwarto ay nanatili lang ako sa gilid at pinanood ko si Adam at Aliah.

Inilapit ni Aliah ang mukha kay Adam at hinalikan siya nito. Matapos nun ay hinalikan ni Aliah si Adam sa noo. "I love you Aliah." sambit ni Adam.

"I love you too Adam."

Napangiti naman ako nang kumanta silang dalawa ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Kasabay ng pagkanta nila ay ang pagkanta ko din sa isipan habang naglalakad palabas ng bahay nila.


Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin

Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko


Pagdating sa gate ay naabutan ko si Dave na nakatungkod dahil hirap na rin ito sa paglalakad dahil sa katandaan. "Mahal pa din kita Pat." salubong nito at niyakap namin ang isa't isa.

Hinintay ako ni Dave hanggang pagtanda namin kahit wlaang kasiguraduhan na mamahalin ko siya. Ganun pa man ay sa hinaba haba ng taon ay hindi nagbago ang tinitinok ng puso ko dahil hanggang ngayon ay si Adam pa rin talaga ang mahal ko.

Naalala ko tuloy nang minsang sabihin sa akin ni Adam na kamukha ko daw yung mapapangasawa niya at nangyari iyon. Magkamukha kami ni Aliah at siya ang napangasawa nito.








T H E E N D

Pakibasa po ang FOREWORD AT FACTS AND EXPLANATION. Salamat.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon