CHAPTER 42
THROWBACK
THROWBACK: (THIS IS THE REAL SITUATION THAT WAS HAPPENED BEFORE)Hindi pa kalakihan ang tiyan ko kaya nagpatuloy pa rin ako sa pag-aaral. Ang paalala nga lang sa akin palagi nila Nanay at Tatay ay magingat ako at alagaan ang sarili sa loob ng school.
Ilang araw na lang din naman ay gagraduate na ako kaya makakatulong na ako sa loob ng bahay.
Nasa malayo pa man lang ay natigilan ako ng makita kong nakaluhod si Nanay at Tatay sa harap ng dalawang armadong lalaki.
"Maawa kayo, bigyan niyo pa kami ng palugit ng asawa ko." pagmamakaawa ni Tatay at niyakap niya si Nanay habang umiiyak silang dalawa.
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa para lapitan at tulungan sila. Natatakot din ako sa sariling kaligtasan ko. Nagsimulang tumulo ang luha ko nang makita kong mas itinutok ng dalawang lalaki ang baril kay Nanay at Tatay.
Ang pagmamakaawa nila ay naging sigaw at nagulat na lamang ako nang walng takot nilang binaril ang magulang ko. Kilala ko sila, malaki ang mga utang namin sa kanila pero hindi ko akalain na aabot sa ganito.
Matapos barilin ang magulang ko ay pumasok sila sa loob ng sasakyan at umalis na parang walang nangyari. Agad naman akong napatakbo kila Nanay at Tatay na ngayon ay duguan at maghigpit ang yakap sa isa't isa.
Duguan man sila pareho ay niyakap ko sila habang umiiyak. "Nanay! Tatay!" malakas na sigaw ko.
Kahit mahirap kami ay ginawa nila lahat para lang matustusan ako. Kaliwa't kanan ang utang nila para maibigay lang ang pangangailangan ko.
"Kasalanan ko ito." umiiyak kong sabi at pilit na ginigising sila Nanay at Tatay.
Kasalanan ko ito. Kung hindi lang sana ako nabuntis edi sana makakatulong pa ako sa kanila. Kung hindi lang ako nabuntis nang maaga ay hindi pa sana lumaki ang utang namin sa kanila.
Patuloy ang pagiyak ko kahit alam kong pinalilibutan na ako ng mga tao. Naaninag naman ako ng may sasakyan na dumating, sasakyan ng mga pulis at mayroon ding sa ambulansya.
"Patricia." tawag sa akin ni Dave at pilit akong pinapatayo para maasikaso ng mga pulis ang bangkay nila Nanay at Tatay.
"Pinatay nila sa mismong harap ko si Nanay at Tatay." iyak ko at hinayaan niya akong hampasin siya para ikabas lahat ng sakit at galit ko.
Ilang sandali pa ay niyakap ako ng mahigpit ni Dave pero hindi nun naalis ang sakit na nararamdaman ko. "Patricia, dinudugo ka." sambit niya at napatingin ako sa pagitan ng hita ko kung saan may umaagos na dugo.
"Anak ko." sambit ko at agad akong binuhat ni Dave at ipinunta sa ambulansya. Ang sunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil tuluyan akong nawalan ng malay.
Naggising na lamang ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Kinusot ko ang mata ko at napagtanto kong nasa hospital ako. Nakatingin naman ako sa gilid ko at inalalayan ako ni Dave na makaupo.
"Yung anak ko?" tanong ko. Hindi siya sumagot kaya inulit ko ang tanong. "Yung anak ko? Nasaan siya?" tanong ko pa at nahirapan siyang umiling.
"Nakunan ka Pat, hindi raw malakas ang kapit ng baby mo." aniya at umiling ako.
"Sinungaling ka. Buhay ang anak ko." sambit ko habang umiiyak. "Buhay ang anak ko. Buhay siya." sigaw ko at walang naggawa si Dave kundi hayaan aking magwala para mailabas ko ang galit.
May 05, 2007 iniwan ako ng lahat.
Iniwan ako ni Nanay, ni Tatay at ng anak ko.
Anak ko na sa tingin ko ay lalaki kaya pinangalanan ko siyang Peter.