CHAPTER 16
KASAL
Sumapit ang recess ay hindi ako pinansin ni Adam. Hindi niya ako nilapitan o kinuha ang bag ko. Ang nakakainis lang ay hindi man lang niya ako hinayaan na magpaliwanag kung bakit hindi ko suot ko ang singsing na bigay niya.Magsolo akong pumunta sa tambayan namin, doon sa puno na malapit sa field. Pagdating ko doon ay ibinaba ko ang bag at ginawa iyong unan.
Nahiga ako habang nakatingin sa mga dahin at kalangitan. Sandali pa ay inangat ko ang kamay ko at tiningnan ang singsing na bigay sa akin ni Adam.
Kapag hindi sumunod dito si Adam sa akin ay wala talagang forever pero pagdumating siya ay maniniwala ako. Ilang segundo ang lumipas ay bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Adam sa harapan ko.
Napabangon kaagad ako at naupo. "Sorry na Adam." sabi ko sa kanya pero kasabay nin ay ang pagngiti ko. Dumating si Adam at ibig sabihin ay may forever.
"Mukhang hindi naman sincere yung paghingi ng sorry mo eh. Pangitngiti ka pa dyan." nagtatampo niyang sabi.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Sorry na Adam." paguulit ko.
"Sa pisngi lang?" tanong niya.
"Yung seryoso talaga Adam, naiwan ko yung singsing sa mansyon dahil hinubad ko iyon para hindi masira. Ayokong masira itong singsing na bigay ko sa akin." paliwanag ko.
Nakita ko ang pagngiwi niya at halatang pinipigilan ang ngiti. Namumula rin ang tainga niya at halatang kinikilig. Mga galawan ng shunga! Kunwari nagtatampo pero marupok naman.
"Sa pisngi mo lang ba ako hahalikan?" tanong niya.
Napakamot ako sa ulo at hinalikan siya sa noo at ilong.
"Sa noo at ilong lang?" wika pa niya.
Konti na lang talaga ay hahampasin ko na ang shungang ito. Alam ko naman ang pinapahiwatig niya. Gusto niya lang makahalik na naman sa labi.
"May sikreto ako sasabihin." sabi niya at tumingin ako sa kanya. Inilapit ko ang tainga sa labi niya at tsaka siya bumulong.
"MAHAL KITA MA'AM" aniya.
Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako sa labi. "Ikaw lang." bulong niya pa.
Napailing na lang ako sa kalandian niya. Basta halik ay nagiging marupok siya. Halik lang pala sa labi ang katapat para magkabati kami.
...
Lumipas pa ang mga araw ay hindi nasundan ang pagtampo namin na yun si Adam. Habang patagal ng patagal ay hindi ko na lang basta mahal si Adam kundi parte na siya ng buhay at pagkatao.
Papunta ako ngayon sa bahay nina Adam at nakasuot ng puting dress na galing sa ukay. Regalo ito sa akin ni Nanay at Tatay noong makakiha ako ng award sa school na top 5 sa klase namin.
Fifth monthsary namin ngayon ni Adam at napagpasyahan namin na magsimba ngayong araw na magkasama pero bago iyon ay pinapunta rin ako ng mama niya.
"Tao po."sabi ko sabay pindot sa doorbell. Ilang segundo pa ay bumukas na ang gate at sinalubong ako ni Adam.
Hinalikan niya ako sa noo, sunod sa ilong at sa labi. "Happy 5th Monthsary Mahal." bati niya sa akin. Limang buwan na kaming magkarelasyon at hanggang ngayon ay Mahal pa rin ang paborito niyang itawag sa akin.
Pumasok kami sa loob ng bahay at kaagad akong nagmano sa Mama niya. Nagulat naman ako ng makita ko ang Papa niya dahil ang alam ko ay nagtatrabaho siya sa ibang bansa.
"Umuwi si Papa kahapon. Namiss daw niya si Mama." kwento ni Adam.
"Papa girlfriend ko nga pala si Patricia."
Agad na lumapit sa amin ang Papa niya at ako naman ay nagmano. "Nice too meet you po... Tito–"
Tinanggap niya ang kamay ko. "Tito Leo pero Papa na lang ang itawag mo." sabi niya at tumango ako.
...
Kumain muna kami ni Adam at kasama ang magulang niya. Naghanda pala sila ngayong araw dahil nga dumating ang papa niya.
Hindi nawala ang kwentuhan sa pagitan namin habang kumakain. Tawa lang din ako ng tawa dahil inaasar ng papa niya si Adam na supot.
Natawa na lamang ako at pinipigilan na magsalita dahil baka madulas ako at masabi kong may nangyari na sa amin si Adam.
Hindi supot si Adam, ang laki nga nung kanya na siyang dahilan kung bakit nagkasakit ako noong unang beses naming magtalik.
Matapos kumain ay dumiretso na kami ni Adam sa simbahan. Nang matapos ang misa ay hindi muna kami umalis sa simbahan.
"May gagawin tayo." sabi ni Adam.
"Shunga! Nasa simbahan tayo, wala ka bang pinipiling lugar. Noong una ay sa hagdanan tapos ngayon sa simbahan. Lagot tayo kay God nito." sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Tutal nandito na tayo sa simbahan ay hihingi na tayo ng holy water para sa madumi mong utak. Ano bang akala mo na gagawin natin? Milgaro?" sabi niya at napasapok na lamang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan.
Hindi ko naman akalain na iba pala ang tinutukoy niya. Napakadumi talaga ng utak ko.
Nagpalingon lingon si Adam sa simbahan at ngayon ay wala na masyadong tao. Tanging mga sakristan na lang at ilang mga nagboboluntary na maglinis dito sa simbahan.
Tumayo si Adam at hinawakan ako sa kamay. Lumabas kami at pinatayo niya ako sa mismong gitna sa labas ng pintuan ng simbahan. Umalis siya saglit at may pagbalik ay may dalang Gumamela.
"Kunwari ikakasal tayo ngayon. Maglakad ka papuntang altar at hihintayin kita doon. Sa ngayon ay ito munang Gumamela ang bulaklak mo. Sa sunod ay magarbo na ito." paliwanag niya.
Hindi ako tumutol sa sinabi niya dahil gusto ko din. Parang practice na rin ito kapag kinasal kami sa future.
Nagsimula akong maglakad at ang bilis ay tama lang. Sa bawat hakbang ko ay kay Adam lang ako nakatingin. Parehas kaming nakangiti sa isa't isa at feel na feel na totoong kasal talaga namin ito.
Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagsulyap ng ilang tao sa amin ni Adam pero hindi kami tumigil. Nang makarating ako sa tapat niya ay nagulat ako nang nanunubig na ang mata niya.
"Naiiyak ako sa kilig Ma'am." sabi niya at tuluyang tumulo ang luha niya.
Naglakad kami papuntang gitna. Wala man kaming parehas na singsing na ibibigay ay hinawakan na niya ang kamay ko.
"Noon at simula ngayon, palagi mong tandaan na ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko Patricia Cereno. Ikaw ang 'pinaka' para sa akin. Ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko. Ako ay sa iyo at nangangako na ikaw lang ang mamahalin at pagaalayan ng pag-ibig ko." sabi ni Adam at naiiyak na rin ako.
Ano ba ito?! Kunwaring kasal lang ito pero bakit parang totoo.
Hinawakan ko ang isang kamay ni Adam at pinipigilan ko ang maluha.
"Simula ngayon ay asahan mong ikaw lang mamahalin ko. Araw man o gabi ikaw lang. Hindi ko babaliin ang pangako ko na pagmamahal sa iyo dahil matagal ko nang ibinulong iyon sa mga bituin. Asahan mo na hindi ako magkukulang at mamahalin kita ng higit pa sa sapat. Adam Tolentino, mahal na mahal kita." tuluyang pumatak ang luha at ganun din si Adam.
Niyakap namin ang isa't isa at matapos nun ay mabilis niya akong hinalikan sa labi.
Natapos ang araw ay halos hindi ko maipinta ang ngiti sa labi ko. Ang gumamela na inabot sa akin ni Adam ay itinabi ko.
May forever. banggit ko sa aking isipan.
MISTERCAPTAIN
ProfessorSalamat sa pagbasa at paghintay ng update. Bukas ulit!
Kilig now, iyak later.
THIS IS NOT A TYPICAL STORY