CHAPTER 21: PANAGINIP

3.9K 164 112
                                    

CHAPTER 21
PANAGINIP

      
Nagising ako ng umiiyak dahil hindi ko kinaya ang napanaginipan ko. Para kasi siyang totoo yung ginawang pag ganti sa akin ni Adam.

Napatingin naman ako sa taong yumakap sa akin at napagtanto ko na si Adam iyon. Umiiyak pa rin ako dahil hindi mawala sa isip ko ang panaginip.

"Ssshh!" pagaalo sa akin ni Adam. "I'm sorry Adam, hindi ko naman talaga ginusto yung nangyari." umiiyak kong sabi at pinatahan niya ako.

"I'm sorry Pat, nasabihan kita ng masama kanina. Mali din iyong ginawa ko dahil nagpadala ako sa galit."

Hinalikan ako ni Adam sa noo, sa ilong at sa labi. Ngumiti siya sa akin at siniguro na magkabati at maayos na kaming dalawa.

Kwinento ko kay Adam iyong panaginip ko at sinabi niyang hindi daw niya iyon gagawin. Nangako daw siya sa akin na hindi niya ako sasaktan at hindi daw niya yun babaliin.

"Hindi masasaktan kita ng konti pero hindi kitang maggagawang iwan. Noong nangako ako sa iyo ay kasabay na nun na hindi magbabago yung pagmamahal ko sa'yo Ma'am."

"Ikaw lang Ma'am sapat na."

Kaninang dumating siya ay nagkausap na kami pero dahil pagod ako sa kakaiiyak ay nakatulog ako at ngayon na lang nagising.

Pagtingin ko sa orasan ay mag-a-alas dose na ng madaling araw at tinanong ko si Adam kung bakit nandito pa siya sa bahay.

"Baka pagalitan tayong dalawa Adam." kinakabahan kong sabi at tumawa lang siya.

Imbes na makinig sa akin ay pinadasig niya ako sa kama at nahiga din siya sa tabi ko. "Adam!" saway ko sa kanya.

"Nagpaalam ako kina Nanay at Tatay na matutulog ako dito sa inyo." nakangiti niyang sabi at isiniksik ang kanyang ulo sa leeg ko. Sandali pa ay naramdaman ko na nabasa ang leeg ko hindi dahil sa halik kundi sa luha ni Adam.

"Adam may problema ba?" nagaalala kong tanong.

"Nandito ako kasi aalis na kami bukas." natigilan ako sa sinabi niya. "Paguwi ko kanina ay sinugod si mama sa hospital at kailangan siyang ilipat ng hospital sa Manila dahil nandun mas kompleto doon yung mag equipments."

"Ayokong umalis Pat. Ayaw kong iwan ka dito. Natatakot ako." sabi niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Adam at pinahid ang luha niya. "Mas kailangan ka ng mama mo Adam. Hindi mo siya pwedeng iwanan nang dahil lang sa akin."

"Baka pwedeng ihinto ang oras tapos dito na lang ako sa tabi mo." pagpupumilit pa niya.

"Adam alam kong mahal mo ako at mahal kita. Kahit magkalayo tayo wala doong magbabago kung magtitiwala ka. Sa ngayon ay mas kailangan ka ng mama mo."

"Nandito lang ako tuwing ayaw mo na. Bukas ang mga kamay ko para yakapin ka para lang pawiin yung sakit na nararamdaman mo." sabi ko pa.

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako. Hindi ko man alam kung anong sunod na mangyayari o kung anong nakaabang sa amin sa paglipas ng araw pero isa lang ang nasisiguro.

Hindi ko bibitawan at papakawalan si Adam. Panghahawakan ko yung pangako namin na kami lang ang par sa sa isa't isa. Akin siya at sa kanya lang ako kahit anong mangyari.

...

Pagising namin pareho ni Adam ay parehas maga ang mga mata namin dahil sa pagiyak. Sa kabila nun ay naaawa ako kay Adam dahil mukhang ayaw niya talagang umalis pero mas kailangan siya ng mama niya.

"Good Morning." bati sa akin ni Adam at hinalikan ako. Medyo nagiya pa ako dahil parehas pa kami hindi nagtotoothbrush.

Niyakap niya ako at pinupog ng halik sa balikat. "Hindi ito ang huling yakap at halik ko sa iyo Ma'am. Babalik at babalik ako dito." sabi ni Adam at tumango ako.

Alam ko. Alam ko na babalik at babalik sa akin si Adam. Ganun niya ako kamahal yung tipong hindi niya ako bibitawan at papakawalan ng basta basta lang.

Bumangon na kami pareho at tulog pa rin sina Nanay at Tatay. Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa habang si Adam naman ay lumabas lang at bumili ng pandesal.

"Kailan ang alis ninyo?" tanong ko kay Adam.

"Mamayang hapon." sagot niya.

"Sinong nagbantay sa Mama mo kahapon?" usisa ko pa.

"Si Papa, ang sabi din sa akin ay lilipat na ako ng school at naasikaso na ni Tito lahat ng mga papeles." kwento pa niya.

Hindi ko tuloy maisip kung paano na ako kung lilipat na ng school si Adam. Siya lang din ang kaibigan ko at tagapagtanggol dito sa school tapos mawawala pa.

"I love you Pat." aniya at kinuha ang kamay ko. Hinawakan niya ang daliri ko kung saan suot ko yung singsing na bigay niya.

"Wag mong aalisin ito ha." sabi pa niya at tumango ako.

"I love you too Adam." sabi ko pa.

Saktong pagkatapos namin magalmusal ay nagising sina Nanay at Tatay. Naikwento na pala ni Adam sa kanila ang nangyari sa Mama niya.

Kinahapunan ay sumama ako kay Adam sa hospital. Pagpasok namin sa room ng mama niya ay halatang puyat ang Papa niya at umiyak din ito.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng ng hospital room at nandun na lahat ng mga bagahe nila. Nang makita iyon ay parang gusto ko tuloy pigilan si Adam na umalis pero pinigilan ko ang sarili.

Hindi ko alam na mas masakit yung mararamdaman ko ngayon. Akala ko ay ayos lang sa akin pero hindi pala.

Inilipat na ng higaan ang Mama ni Adam na ang sitwasyon pala nito ay na comatus. Unti-unting inilagay ang ilang gamit nina Adam sa Ambulance at ang iba ay sa isang sasakyan na pagmamay ari ata ng Tito nila.

Nasa labas na kami ng hospital at may hinihintay na lang. "Kantahan mo ako Pat." sabi ni Adam habang nakayakap sa akin.

Nagsimula akong mag-hum hanggang sa kinanta ko ang paborito naming kanta ni Adam.

"Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko"

Nakita ko ang paglapit sa amin ng Papa ni Adam at sinasabing aalis na. Ang sabi naman ni Adam ay susunod daw siya at pinapatapos niya sa akin ang kanta.

"Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko"

Narinig ko ang pagiyak ni Adam at mas humigpit ang yakap sa akin. Sandali pa ay sumabay na rin siya sa pagkanta ko.

"Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin"

"Adam aalis na tayo." sigaw pa ng Papa niya pero hindi kumalas sa pagkakayakap si Adam sa akin at pinagpatuloy niya ang pagkanta.

"Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko"

"Sige na Adam. Aalis na kayo, kailangan ka ng Mama mo." sabi ko at unti unting inalis ang pagkakayakap sa akin.

"I love you Adam." sabi ko at pinigilan ko ang maiyak.

"Babalik ako Ma'am. I love you Pat." sabi pa niya bago tuluyang sumakay sa sasakyan.

Pinilit ko pang ngumiti habang umaandar na ang sasakyan palayo. Nang hindi ko na makita ang sasakyan ay tuluyan akong naiyak.







MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Wala pong cheating kung makikita niyo at hindi po magkakaroon ng cheating skl!

Kalmahan natin dahil dito magsisimula ang istorya na Adam at Pat.

Anong theory niyo? Kinakabahan ako 😈🤣

Try kong magupdate bukas ng tatlong chapter kung kakayanin.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon