CHAPTER 40
PETER ⚠️
Nabalik na lamang ako sa reyalidad nang lumapit sa akin si Aliah at isinukbit ang braso sa akin."Siya ang espesyal na bisita natin." sabi ni Aliah at ang tinutukoy niya ay si Adam. Hinila niya ako palapit sa kinatatayuan ni Adam na ngayon ay karga pa rin si Alden.
Gusto kong bumalik sa kwarto ko, bumalik patakbo pero hindi ko maggawa. "Adam she's Pat, my friend and parang kapatid ko na rin. Pat he's Adam, my boyfriend slash my fiancé." pagpapakilala ni Aliah sa aming dalawa ni Adam.
Yung boyfriend makakayanan ko pang marinig pero yung fiance, pwede bang mamatay na lang, ang sakit eh.
Ginantihan ba ako ni Adam? O karma ko ba ito sa pangiiwan ko sa kanya noon? O baka isang parusa na naman sa akin?
Ang sakit na isipin na akal ko ay ayos na ang lahat. Ang sa amin ni Adam pero hindi pala dahil meron palang Aliah. At sa dinami dami pa ng tao ay si Aliah pa talaga na imposibleng taniman mo ng galit dahil mabait ito.
Nakatitig sa akin si Adam at alam kong tinatantya niya kung anong magiging reaksyon. Mapait akong ngumiti at inilahad ang aking kamay.
"Nice to meet you Adam." sambit ko at napatingin siya sa aking kamay. Ilang segundo pa ang lumipas ay tsaka niya tuluyan tinanggap ang kamay ko at ngumiti rin.
Matapos nang tagpong iyon ay inanyayahan na kami ng mag asawang San Diego na maupo na para makakain na kami.
Katabi ko si Mrs. San Diego sa kaliwa at sa kanan ko naman ay si Alden. Sa kabila naman ay si Aliah at katabi ni si Adam kaya naman magkatapat kaming dalawa.
Nagdasal muna kami bago kumain. Nang magsimula nang kumain ay nagpapasubo sa akin si Alden, sinaway siya ni Mrs. San Diego pero sabi ko ay ayos lang.
Hindi ko maggawang tumingin sa harap ko dahil alam kong magtatama ang mga mata namin. Tanging sa plato ko lang at plato ni Alden ako nakatingin.
"So kailan ba kayo magpapakasal?" tanong ni Mr. San Diego kila Adam at Aliah.
Kinurot ko ang aking kamay para pigilan ang mga mata ko na lumuha. Alam kong konting konti na lang ay papatak na ang luha ko.
"Ngayong year po." sagot ni Aliah at nakita ko ang pagtanggo duto ni Adam. Ngayon ko lang din napansin na may suot na singsing si Aliah na hindi ko nakita man lang noon.
At ang tanga na isang katulad ko ay naniwalang imposibleng mahulog at magkagusto si Adam sa ibang babae pero heto at nasa harapan ko siya at ang babaeng pakakasalam niya.
Binilisan ko ang pagkain ko dahil mukhang hindi ko kakayanin ang tumagal pa dito. Parang papatayin ko ang sarili ko sa sakit at pighati.
"Excuse me po." sambit ko nang matapos kumain at napatingin silang lahat sa akin. "Mawalang galang na po pero kailangan ko nang umalis dahil may gagawin pa po ako."
"Pasensya na po, umuwi lang po talaga ako kasi ang sabi ni Aliah ay espesyal ang dinner na ito." paliwanag ko at tumango ang mag asawang San Diego.
"Mag ingat ka sa paguwi sa apartment mo." sabi nila at tumango ako.
"I'm sorry Pat and thank you sa paguwi ngayon para sa akin." sabi ni Aliah at ngumiti ako.
Tiningnan ko si Adam at sunod si Aliah. "Congrats sa inyong dalawa. Invite niyo ako sa kasal ha." sabi ko at tumalikod na dahil hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko.
Tangina Adam!
Mabilis akong naglakad palayo at narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Alden para siguro magpaalam sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.
"Ate Pat." rinig ko sigaw pa ni Alden pero tuloy tuloy lang ang lakad ko palabas ng bahay. Ayokong makita nila akong umiiyak.
Paglabas ko ng bahay ay sinalubong ako ng driver at sinabing ihahatid na daw ako. Umiiyak akong sumakay sa sasakyan at sinabi ang address ng apartment kong tinutuluyan.
Nang makarating sa apartment ay sinabihan ko ang driver na wag sabihin ang pagiyak ko, baka kasi ay mabanggit pa nito sa mag asawang San Diego ang tungkol sa akin at magalala pa sila sa akin.
Dumiretso agad ako papasok sa apartment ko. Ibinaon ko ang mukha sa unan at hinampas hampas ang kama dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Hanggang kailan ako pahihirapan ng Diyos?
Iyak at sigaw ang ginawa ko para mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Pero kahit mapaos ata ako ay hindi maalis yung sakit. Kahit siguro maubos yung luha ko ay wala pa eing magbabago.
Bumangon ako sa kama at may kinuha sa drawer. May mga kung ano-anong gamot doon at inalis ko ang mga balat at inipon ito. Kumuha ako ng baso at inilagay lahat sa bibig ko ang mga gamot na naipon. Matapos nun ay uminom ako ng tubig. Hindi pa ako nakuntento nang may makita akong cutter sa lamesa. Kinuha ko iyon at nilaslas ang palapulsuhan ko.
Mapait akong ngumiti.
"Ito ata ang gusto ng mundo at Diyos, ang mamatay ako." sambit ko at bumalik ako sa kama.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan na tawagan ang taong nakakaintindi sa akin. Ang taong alam ang katotohanan at handa akong tulungan.
Si Dave.
Sinubukan kong tawagan ang number ni Dave noon at ilang ring pa ay sumagot ito.
"Hello." rinig ko sa kabilang linya pero hindi ko sigurado kung kaninong boses ang narinig ko dahil iba na ang nararamdaman ng katawan ko.
"Pagod na ako Dave, ayoko na. Gusto ko nang umuwi." sambit ko.
"Gusto ko nang sumunod sa anak ko, gusto ko nang mamatay." sabi ko at tuluyang dumilim ang paligid ko.
PETER KO. ANAK KO. Huling sambit ko pa.
T H E E N D
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Itza prank! 🤣 Kalmahan natin. Hindi pa ito ang ending, pinapakaba ko lang kayo. Bilang na lang po ang araw nina Pat at Adam. Final na po, hanggang 50 chapters lang itong story nila.
Pasenya po king nalate na naman ang update.