PROLOGO
PATRICIA CERENO (PAT)
Tumayo si Adam at may kinuha sa bulsa ng short. Nakahiga ako habang nababalot ng makapal na makapal na kunot ang hubad kong katawan.Sinundan ko ng tingin si Adam at ilang sandali pa ay itinapon niya sa mukha ko ang bayad na puro tigi-isang libo.
Hinawi ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at pinulot ang bayad ni Adam sa akin. Sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon, na ipamumukha talaga sa iyo ng mga customer mo ang pera.
Ang masakit lang sa parte ko ay si Adam ang bestfriend ko at naging boyfriend ko noon pero ganito na siya ngayon.
Sa bagay kasalanan ko nga pala kung bakit siya nagkaganyan.
Habang pinupulot ko ang mga pera ay nakatingin siya sa akin na may halong pandidiri. Wala akong pakialam kung anong tingin niya sa akin, hayop man o kung ano, basta ang mahalaga ay itong pera niya, itong bayad niya sa akin.
Kung hindi ko lang kailangan ng pera para sa paghahanap ng anak ko ay hindi ko pupulutin ang pera niyang tinapon pero hindi eh. Kailangan na kailangan ko ng pera.
Gustong gusto ko nang makita at makasama ko ang anak ko. Ilang taon na siyang nawawala at nagaalala ako kung kamusta ang kalagayan niya.
Maraming nagsasabi na maaaring patay na siya pero imposible iyon. Nararamdaman kong buhay pa siya at mahahanap ko siya.
Nakasunod ang tingin ni Adam sa akin nang ilagay ko sa sira at butas butas kong bag ang pera. Isa-isa kong pinulot ang mga damit at isinuot iyon habang nakatingin pa rin siya sa akin.
"Salamat Sir." sabi ko at kinuha na ang gamit.
"Isa kang puta." sigaw niya sa akin nang nasa may pintuan na ako. Humarap ako sa kanya at pinigilan ang maluha sa harap niya.
Masakit marinig ang salitang sinabi niya, na mismong nanggaling sa taong mahal na mahal ko noon hanggang ngayon.
"Alam ko Sir." sabi ko at binuksan na ang pintuan palabas ng hotel room.
Simula nang magkita kami ay siya palagi ang customer ko. At tulad nang ginawa niya kanina sa akin ay parati niyang sinasampal at tinatapon ang bayad sa mukha ko.
Hindi siya ang unang taong gumawa noon pero pagdating sa kanya ay nasasaktan ako. Hindi siya ang Adam na nakilala ko at minahal.
Mabait, maalaga at may respeto yung Adam na kilala ko, yung minahal ko.
Nang makalabas sa hotel ay pumwesto ako sa gilid ng building. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa doon at tsaka sinindihan ito.
Kailangan kong kumalma.
Ang paninigarilyo ko ngayon ay hindi nakatulong para pakalmahin ang sarili. Kasabay nang pagbuga ko ng usok mula sa bibig ay siyang pagtulo ng luha ko.
"Mahal na mahal ko si Adam."
MISTERCAPTAIN
ProfessorAnong theory niyo sa mangyayari? Palaging may connection ang quotes sa mga mangyayari sa buong istorya. Nasa next chapter yung quotes na tinutukoy ko.
Ma-update ako bukas.