CHAPTER 33: KATOTOHANAN

6K 188 196
                                    

CHAPTER 33
KATOTOHANAN

   
Ang sarap sa pakiramdam na gumising na nakayakap sa akin si Adam. Na sa pagmulat nang mata ko ay yung taong mahal mo agad ang makikita mo. Gusto kong manatili lang kaming ganito. Iyong walang problema at kami lang ni Adam.

"Good Morning Ma'am." bati sa akin ni Adam. Hindi ko namalayan na gising sa pala siya, marahil ay abala ako na titigan yung mukha niya na ilang taon ko ding hindi nakita at nahawalan ng malapitan

"Good morning." nakangiti kong bati sa kanya at nanatili lang ang tingin ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Adam at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Matapos nun ay hinalikan niya ako sa labi, sandali pa ay nagsimula siyang magkanta.

KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO
Cover by: Joseph Vincent


Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko


Nakatingin lang ako kay Adam habang nagkakanta siya ng paborito namin kanta. Bumalik tuloy ang mga alaala namin noong highschool. Sa kung paano kami nagsimula.


Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko


Naalala ko pa nun na nagsimula ang lahat sa isang 'iloveyou as a friend'. Nadismaya pa nga ako noong araw na yun dahil feeling ko ay hanggang kaibigan lang talaga ang sa amin ni Adam pero ang ending siya pala itong patay na patay sa akin.


Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin


Hindi ko rin makakalimutan na sasabihan niya ako ng sikreto. Sikreto na ang ibinulong niya ay 'mahal kita Ma'am' at kung minsan naman ay 'anak ako ng mafia'.


Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko


Nagulat naman ako ng senyasan ako ni Adam na sabayan siyang kumanta kaya ginawa ko na lang. Namiss ko rin ito na kantahin namin sabay ang kantang 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko'


Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko


Pinanindigan nga ata talaga ni Adam na ako lang. Minsan kaya ay naisipan ni Adam na magkagusto sa iba? O ang mahulog sa iba? O may mahanap na iba? Ilang ba naman na nagkahiwalay kami.

Nang matapos ang kanta ay nanatili pa kami ng ilang minuto na magkayakap ni Adam hanggang sa napagpasyahan namin na bumnagon na.

Ang sabi niya sa akin ay may pupuntahan kaming dalawa. Hindi ko man alam pero sumang ayon na lang din ako.

Nagorder na lang kami ng pagkain ni Adam sa labas dahil wala naman akong stock ng pagkain dito sa apartment ko.

"Kamusta sina Nanay at Tatay?" tanong niya at ang tinutukoy niya ay ang magulang ko.

Natigilan ako sa pagkakain at bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ganun pa man ay ikinalma ko ang sarili at itinuon ang tingin sa iba.

Tumayo ako sa upuan at itinapon ang styro ng pinagkainan ko. "Maliligo na ako." pagiiba ko sa usapan at nagkibit balikat lang si Adam.

Matapos kong maligo ay naligo na rin si Adam. Akala ko ay mamomroblema kami sa damit niya pero meron naman pala siyang extra na damit sa sasakyan niya.

Habang naliligo si Adam ay naggayak ako ng gamit ko. 6-8 hours daw ang magiging biyahe namin kaya sinabi niyang magdala ako ng damit.

Ang paliwanag niya kanina ay pupunta daw kami sa Bagasbas Beach na matatagpuan sa Daet, Camarines Norte. Hindi ko alam ang lugar na iyon pero na-eexcite na akong makarating kami doon.

"Come here Mahal." tawag sa akin ni Adam. Hindi ko alam na tapos na palang makaligo siya at ngayon ay nakabihis na rin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Natatakot lang ako na baka panaginip lang ito, itong nasa harapan kita, na binigyan mo ako ng second chance." sabi niya at niyakap ako.

Nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap rin siya ng mahigpit. "Hindi ito panaginip." paniniguro ko.

Bumalik ako sa pagaayos ng gamit ko at natigilan din ako nang makita ko si Adam na may dadamputin sanang papel ay agad kong kinuha iyon. Poster ni Peter iyon.

"Ano yan?" tanong niya sa akin.

"Aah wala, mga papel ko lang ito noon." pagsisinungaling ko at itinago ko iyon. Nakalimutan kong nakakalat pala sa apartment ko ang ilang poster ni Peter at buti na lang ay hindi ito nakikita ni Adam dahil nakasingit singit iyon sa kung saan saan.

Matapos kong maggayak ay si Adam na mismo ang nagbuhat ng gamit ko pasakay sa sasakyan niya. Nang magsimula ang biyahe namin ay magkahawak ang kamay namin habang nagpapatugtog siya ng paborito naming kanta.

Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasan ang makonsensya sa amin ni Adam. Alam kong ito ang simula muli para sa aming dalawa pero may parte sa akin na natatakot ako na sabihin sa kanya ang totoo.

Natatakot ako dahil baka hindi niya maintindihan. Na baka sarado pa rin ang isip ni Adam sa mga bagay bagay kaya mas minabuti kong itago muna ang lahat sa kanya.

Hindi ko rin maiwasan na isipin na alam kaya ni Adam na may anak kami. Nagtext ako sa kanya noon at wala akong natanggap na reply. Hindi ko naman alam kung nabasa niya ba iyon o hindi pero siguro naman ay kung alam niya iyon ay una niya iyon tatanungin sa akin noong magkita kami.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakatanggap ako ng text mula kay Fred. Iyong artista na may gusto sa kaibigan ko na si Tin.


FRED:
Ang sabi ng private investigator ko ay kung sigurado ka ba na anak mo iyong nasa larawan?


Kinabahan ako nang mabasa koa ng text ni Fred pero nakaramdam ako ng galit. Imbes na replyan ang text niya ay pinatay ko na lang ang cellphone ko.

"Sino yun?" tanong sa akin ni Adam at umiling ako.

"Kaibigan ko lang, hinahanap ako." palusot ko at tumango siya.

Tumingin ako sa kalsadang tinatahak namin at napapikit ng mariin.

Hangga't maaari ay ayaw kong malaman ng lahat ang katotohanan at maging ako.


MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming Salamat sa pagbasa at pahintay ng update ko.

Malapit nang mahulaan nung iba yung mangyayari pero medyo malayo pa rin sa katotohanan HAHAHA.

Btw, Happy 50k reads!

WARNING: THIS IS NOT A TYPICAL STORY

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon