CHAPTER 43: MAGPAPAGALING

3.9K 161 145
                                    

CHAPTER 43
MAGPAPAGALING

     
Nakahiga ako habang yakap ni Adam nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Aliah. Ngumiti ito nang makita ako naglakad papalapit sa akin.

"Iwan ko muna kayo." sabi ni Adam at hinalikan niya ako sa noo.

"Kamusta?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

Nakatingin ako sa kamay naming dalawa at hindi ko maggawang tumingin kay Aliah. Hindi ko alam kung anong sasabihin o paguusapan namin dahil parehas kami ng taong gusto at mahal kaya naman sino ang hindi mapapakali doon.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya. "Hindi kita huhusgahan sa ginawa mo." aniya at ang tinutukoy niya ay ang pagpapakamatay ko.

"Ang laging paalala sa akin ni Mom at Dad. Ang tao daw ay dumadating sa punto na napapagod o di kaya ayaw nang magpatuloy pero palagi daw nating alalahanin na may taong nagmamahal sa atin na masasaktan kapag nawala tayo. Malaki ang naghihintay sa atin sa kinabukasan kaya kailangan mong tatagan ang loob mo at maniwala na may pag-asa."

Mas lumapit sa akin si Aliah at hinawakan ang aking mukha. "Mahal na mahal ka ni Adam at napakaswerte mo doon. Kahit masakit na kinancel ang kasal namin ay wala akong maggagawa kasi may mga bagay na hindi natin pwede ipiliti." aniya pa at tiningnan ko ang kanyang reaksyon. Alam kong nasasaktan siya pero ang tanong, galit kaya siya sa akin?

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko at mahina siyang natawa sabay iling.

"Hindi ako magagalit sa iyo Pat. Mabait ka at mapagmahal. Ikaw yung kapatid na babae na hinihiling ko."

"Kung ako ang tatanungin mo sa nararamdaman ko para sa iyo ay iyon ay nagaalala ako bilang parang kapatid mo na rin. Magpaggaling ka Pat." aniya at nakita ko ang pagluha niya pero agad niya iyong pinunasan na para bang nahihiya sa akin.

"Salamat." ani ko at at sinenysan ko siya na yakapin ako.

"Sasamahan kita sa pagpapagaling mo." aniya at ngumiti ako doon.

Natapos ang paguusap namin ni Aliah ay pumasok na rin ang magulang niya kasama si Alden. Lahat sila ay nagaalala sa akin na hindi ko inasahan.

Mula sa pagkain at pagpalit ng damit ko ay si Aliah ang nagasikaso sa akin habang ang mag asawang San Diego ay naghahanp daw ng psychiatrist at mental institute na para sa akin. Si Alden naman ay kwinekwento at ine-entertain kami ni Aliah.

"I will sing for you ladies." maginoo at sweet na boses na sabi ni Alden at sabay kaming napailing ni Aliah sa kanya.

"Ako ay may bolo..." pagsisimula niya sa pagkanta at itinama naman siya ni Aliah dahil mali ang nasambit niyang salita.

"It's lobo not bolo."

"No, it's just the same." pagpupumilit pa ni Alden at nagumpisa ulit siya sa pagkanta.

"Ako ay may bolo...
lumipad sa langit...
di ko na nakita..
lumupok na pala."

"It's pumutok not lumupok." sambit ni Aliah pero hindi iyon pinansin ni Alden at nagpatuloy lang sa pagkakanta.

"Sayang ang money ko...
binili ng bolo...
kung pakain sana..
nabusog pa ako..."

Napangiti naman ako nang may pahimas pa siya sa tiyan nang matapos ang kanta. Kami naman ni Aliah ay nagpalakpak at tsaka siya nagbow.

"Ang tagal ni Kuya Dave, kanina pa tayo nagwe-wait. Hungry na ako." sabi ni Alden.

Agad naman akong napaisip kay Alden nang mabanggit ang pangalan nito. Tinanong ko si Aliah tungkol kay Dave at ngayon ko lang nalaman na ito pala ang bumibili ng mga pagkain namin at nagdadala ng mga gamit dito sa hospital.

Ilang minuto pa ay dumating na si Dave at ibinigay na ang pagkain kay Aliah. Lalabas na sana ito pero pinigilan ko siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko at umiling siya.

"Mamaya na lang." sambit niya.

Napatingin ako sa pagkain na binili niya at sobra iyon ng isa, baka sa kanya iyon. "Sumabay ka na kumain sa amin." sabi ko at nakita ko ang pagkagulat niya.

"Are you sure?" paniniguro pa niya sa akin at tumango ako.

Nagsimula kaming kumain at si Alden naman ay nagpalambing sa amin ni Aliah. Palitan namin itong sinusubuan kaya tuwang tuwa sa atensyon na nakukuha niya.

Nang matapos kaming kumain ay si Alden mismo ang nagpainom sa akin ng tubig. Maayos naman ang kanang kamay ko dahil ang kaliwa ang may bandage at sugat pero si Alden ay sadyang mapilit at gusto daw niya akong alagaan.

"Inom ka na po Ate Pat." aniya sa akin at itinapat ang baso sa aking bibig. Uminom naman ako habang siya ang may hawak sa baso na may lamang tubig.

Natigilan naman ako nang mahuli kong nanonood sa amin si Dave. Napakamot ito sa ulo at tumayo. "Lalabas na pala ako." paalam niya.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko at umiling siya.

"Hindi sa ganun pero baka kasi tumakas ka na naman kapag nakita mo ako." sagot naman niya at ngumiti ako.

"Hindi." sabi ko. "Ang sabi ni Adam sa akin ay tutulungan niya akong hanapin si Peter."

"Kailangan na niya talagang magpagamot dahil naghahallucinate na naman siya kay Peter." rinig kong sabi ni Aliah pero binalewala ko lang iyon.

Kinagabihan ay bumalik si Adam at siya naman ang nagasikaso sa akin. May maganda rin siyang balita sa akin dahil ang sabi niya ay nakahanap na daw ng psychiatrist.

Pero muli na naman akong inatake ang pagiisip ko tungkol sa anak ko. "Hahanapin na ba natin si Peter?" taning ko kay Adam habang binibihisan niya ako.

Hindi siya sumagot at mataman lang na ngumiti. "Magpapagaling tayo Ma'am." maamo niyang sabi sa akin at hinalikan ako sa noo, sunod sa ilong at sa labi.

"I love you Pat." bulong niya.

"I love you too Adam."

"Magpapagaling ako." sabi ko kay Adam at niyakap ko siya pero sandali pa ay unti-unti na namang bumigat ang talukap ng aking mata dahil nagwawala at nagpupumilit na naman ako na hanapin si Peter.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang dumilim ang paligid ko sa mga bisig ni Adam.

Magpapagaling ako para sa sarili ko at kay Adam. Sambit ko sa aking isipan.



     

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Anong theory niyo sa mangyayari?

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon