CHAPTER 30
ALAALA
"Wala eh iniwan ako ng lahat."Matapos kong sabihin iyon ay nagpaalam muna ako kay Adam na pupunta kang ng CR. Pagpasok pasok ko palang sa loob ng CR ay doon ko inilabas ang lahat ng iyak ko. Ayokong magmukhang mahina sa harap niya dahil baka sabihin pa niya ay nagpapaawa ako.
Napahawak ako sa harapan ko at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Minsan natatanong ko ang sarili ko kung bakit buhay pa ako.
Bumuntong hininga ako at ngumiti. Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos. Inayos ko ang sarili ko at inihanda ang sarili para kay Adam.
Pagbalik ko ay naabutan kong may katawagan si Adam sa cellphone pero agad din itong nagpaalam sa kausap niya nang makita ako.
"Tara na." aniya at nauna siyang lumabas habang ako naman ay sumunod lang.
Huminto kami sa isang sasakyan at pumasok kaagad ito sa driver seat. Ilang sandali pa ay bumaba ang bintana sa harapan ko.
"Pumasok ka na." sabi niya at binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sumakay na.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nanatili lang akong nakatingin sa mga kamay ko tulad ng nakasanayan ko. Ganito palagi ako kapag may bumibili ng oras ko.
Huminto kami sa parking lot ng mall. Hindi muna kami bumaba ng sasakyan dahil may kinuha si Adam sa likod ng sasakyan niya na paper bag at ibinigay iyon sa akin.
"Magpalit ka." aniya nang abutin ko ang paper bag.
Binuksan ko iyon at tiningnan ang loob. Isang kulay blue na dress at sandals. Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil color blue ang favorite kong color. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ito o naaalala pa din ni Adam ang paborito kong kulay.
"Hihintayin kita sa labas." sabi niya at lumabas na ng sasakyan habang nakasuot ito ng face mask.
Napatingin ako sa suot ko at naka pang club pa ako na damit. Buti na lang at may ibinigay sa akin na ganito si Adam dahil hindi naman talaga ako nito makakapasok sa loob ng mall. Baka kung ano pang sabihin ng mga tao.
"Aray!" sambit ko nang maintog ang ulo sa bintana ng sasakyan. Ang hirap naman kasi magpalit ng damit dito sa loob ng sasakyan niya. Baluktot na baluktot na ang katawan ko maisupt lang ang dress.
"Hay Salamat!" wika ko pa nang tuluyang makapalit ng damit. Isinilid ko ang mga suot ko kanina sa paper bag. Inayos ko ang sarili ko at matapos nun ay lumabas na ng sasakyan.
Agad na napatingin sa akin si Adam nang bumaba ako ng sasakyan. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa. Nagtaka naman ako nang bigyan niya ako ng mask pero hindi na ako nagtanong at nagsuot na lang rin.
Nakamask din si Adam tulad ko at hindi ko alam kung para saan pa ang pagsuot namin nito. Ganun pa man ay hinayaan ko na lang, baka ayaw lang ni Adam na may makakilala o may makakita sa kanya na may kasamang isang tulad ko.
"Let's go." sabi niya at tumango.
Lumapit ako sa kanya at ngayon ay magkatabi kami. Hindi ko alam kung akong gagawin namin dito sa mall kasi dapat na condo kami o isang hotel para paligayahin siya pero wala dahil nandito kami sa mall.
Pagpasok namin sa mall ay medyo nilalakihan ko anv hakbang ko dahil ang haba ng legs ni Adam kaya bawat hakbang niya ay malaki rin.
"What are you doing?" may pagkairita niyang tanong sa akin at napaangat ako ng tingin sa kanya.
Sa paa niya kasi ako nakatingin dahil sinasabayan ko iyon sa paglakad. Nahuhuli kasi ako sa paglakad niya eh.
"Ang bilis mo kasi maglakad, hindi kita masabayan." sabi ko. Wala siyang sinagot sa sinabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad pero sa pagkakataong ito ay mabagal na at maliit na ang bawat hakbang niya kaya hindi na ako nahirapan na sabayan siya sa paglalakad.