CHAPTER 27
ADAM 🔞
Madilim ang buong paligid at nakatutok lamang sa akin ang ilaw habang sumasayaw ako sa harap. Hindi ko man naaninag ang mga mukha ng mga nanonood pero wala dung bago dahil halos lalaki lang naman ang pumapasok dito sa club.Dalawang taon na ang nakalipas simula nang pumasok ako sa club na ito. Noong una ay nahirapan ako dahil ang taong humawak lang sa akin noon ay ang Tatay ko at si Adam pero ngayon ay iba na.
Isa sa mga dahilan kung bakit ako pumasok sa trabahong ito ay dahil sa anak ko na nawawala. At ang isa pang dahilan ay ang pagtingin ko sa sarili na isa nang maduming babae nang gahasain ako.
Inalis ko ang bra na suot at itinapon iyon sa harapan. Kaya naman nagsipulan at nagpalakpakan ang mga kalalakihan.
Noong unang beses kong ginawa iyon dito sa club ay umiyak ako ng umiyak matapos ang trabaho pero wala akong maggawa kundi tiisin na lang din ang lahat.
Bente minuto akong nagsasayaw sa stage at ni-entertain ang mga manonood. Matapos nun ay umalis na ako sa stage. Konting minuto lang kasi talaga ang itinatalaga sa isang tulad ko na tinuturing na clubstar.
Clubstar na kung saan mabenta sa mga customer.
Nakadamit na ako ngayon at hinihintay na lamang ang sweldo ko ngayong araw. Habang nakaupo ay napatingin ako sa singsing ko.
Ilang taon na ang nakalipas ay suot ko pa rin itong Iton singsing na binigay sa akin ni Adam noon. Wala eh, habggang ngayon ay mahal ko pa rin si Adam. Kahit ata ilang taon pa ang lumipas ay siya pa rin.
Naalala ko tuloy noong tinanong niya akong 'Will You Marry Me?'
"Bakit ka umiiyak?" biglang sulpot ni Gia at agad ko naman pinahid ang luha ko.
"Wala lang, trip ko. Iyak ka rin." sabi ko at sinapuyong niya ako.
Si Gia ang babaeng nakausap ko noon sa labas ng apartment at hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa ein siya dito sa club.
"Hatid na kita pagkakuha mo ng sweldo mo." sabi niya.
"Wag na! May dadaanan pa ako." sabi ko.
"Tss! Hanggang ngayon ba ay iniiwasan mo pa rin ako?" may pagtatampo niyang sabi.
Wala naman akong problema kay Gia pero noong umamin kasi siya sa akin na may gusto siya sa akin ay nabigla ako at hindi ko iyon inasahan. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niyang pagamin kaya naman iniwasan ko siya noon.
Ang sabi ni Gia ay bisexual siya at may naging girlfriend na noon. Pero hindi naman iyon naging hadlang sa pagkakaibigan namin. Ang sinasabi niyang pagiwas ko ngayon ay hindi naman talaga. Totoo kasi iyong sinabi ko na may dadaanan ako pagkakuha ko ng sweldo.
Ibinigay ni Madam Hareta ang sweldo ko at umalis na agad ako dahil panigurado na kapag nagpaalam pa ako kay Gia sa pagalis ko ay nanawakan lang ako nun ng halik.
Mabait si Gia pero minsan nga lang ay makulit. Minsan ay sumusulpot iyon sa loob ng apartment ko at kung minsan naman ay ninanakawan ako ng halik.
Pagkalabas ko ng Club ay naglakad lang ako papuntang Jollibee. Bumili ako ng pagkain na halagang isang libo at matapos nun ay pumunta. Nang may makita akong mga bata na namamalimos ay tinawag ko sila para ibigay ang pagkain na binili ko.
Ilang taon nang nawawala ang anak ko. Kung susumahin ay nasa tatlo o apat na taon na siguro siya kung kasama at kapiling ko siya ngayon. Ganun pa man ay naniniwala ako na buhay pa rin siya at hinihiling na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan at sa mga nakalipas na taon ay kasama at katulong ko sina Dan at Tin sa paghahanap sa anak ko.
Gabi-gabi ay ganito ang ginagawa ko. Bumibili ako ng pagkain sa halagang isang libo para lang pakainin ang mga batang namamalimos dito sa kalsada.
Masama at salot man sa lipunan ang tingin sa ami ng mga tao pero mabuting tao kami. Ang pinagkaiba nga lang ay kailagan naming pasukin ang ganitong buhay dahl sa kagupitan sa buhay.
Napatingin ako sa cellphone ko nang makita kong tumatawag sa akin si Tin. Pagkasagot ko ay narinig ko ang boses niya na kinikilig na ngayon ko lang narininig. Napangiti na lamang ako dahil paniguradong may maganda itong ikwekwento sa akin.
Nagsimula siyang magkwento at bakas sa kanya ang saya at kilig. Ang kwento niya ay may isang artista daw sa kanyang nakipagusap at inaya siya ng date pero tinanggihan niya dahil natatakot daw siya. At nang sabihin niya sa akin ang pangalan ng artistang kwinekwento niya ay halos hindi ako makapaniwala dahil iyon ay Frederick Montesano, iyong crush niya.
Napailing ako sa kwento niya dahil mukhang hindi siya magkakatulog mamaya. Crush na crush kasi talaga ni Tin si Frederick at kung magiging subject ito ay baka perfect si Tin sa lahat ng exam.
...
Abala ako ngayon sa pagmamake up dahil may pupuntahan kaming tatlong dancers na tinaguriang clubstar. Ang sabi sa amin ay sa isang Bachelor's Party. Suot ng dalawa kong kasamahan ang kulay black na costume namin habang ang akin naman ay naiiba, kulay pula.
Ako palagi ang naiiba dahil kadalasan ay ako ang napipili at nagugustuhan ng mga customer namin. Ilang sandali pa ay kinausap kami ng manager namin.
"Ayusin ninyong tatlo dahil mayayaman at sa malalaking tao kayo haharap." sabi sa amin at tumango kami. Wala naman akong naging problema sa trabaho ko dahil palagi naman ako sumusunod sa kung ano ang binibigay na instructions sa amin.
Pagkatapos kaming kausapin ay pinasakay na kami sa van. Ang sabi sa amin ay sa isang condo unit daw gaganapin ang Bachelor's Party.
Bumuntong hininga ako nang tuluyan kaming makarating kami sa condo unit. Sobrang dilim ng paligid at ang tanging ilaw lang ay iyong flashlight ng manager namin. Sinundan namin siya at huminto kami sa harap ng isang malaking box na kung saan au may disenyong parang sa regalo.
Binigay sa amin ang mask at pinapasok na sa loob ng box. Pumwesto kaming tatlo at ako ay nasa gitna. Ilang sandali pa ay naaninag ko an ilaw sa labas. NArinig ko na rin ang sigawan at hiyawan sa labas na mukhang excited na makita kami.
Nang marinig ang tugtog ay nagsimula na kaming sumayaw. Isa, dalawa, tatlo at tuluyang bumukas ang box. Nakatingin ako sa kamay ko habang sumasayaw, iyon palagi ang ginagawa ko kapag nasa trabaho dahil ayaw kong makita ang mukha ng taong sinasayawan ko.
Nagpatuloy kami sa pagsasayaw habang naglalakad sa taong nasa harapan ko. Tutok na tutok ang ilaw sa amin kay hindi ko maaninag ang taong sasayawan ko.
Nakita kong may hawak ang lalaking sasayawan ko ng baso na may lamang alak. Tumalikod ako sa kanya at kumandong. Nagsimula akong sumayaw sa ibabaw niya. Nagulat naman ako ng hawakan niya ako sa leeg at hinalikan ako doon.
Sa hindi inaasahn ay napa-angat ako ng tingin na dahilan para makita ko ang mukha ng lalaki kong sinasayawan.
"ADAM!" pagbanggit ko sa pangalan niya.
Nanlaki ang mata niya at agad naman na inalis ang suot kong mask.
"MA'AM" maamo niyang sambit at nagsimulang manubig ang mga mata ko pero umiwas ako ng tingin sa kanya nang biglang makita ko sa mga mata niya ang galit.
Ilang taon na nang huli kaming magkita at matawag niya akong Ma'am pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa pagmamahal ko kay Adam.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Dapat kanina pa ito kaso nadelete hehehe pasensya na.
FB PAGE: MisterCaptain
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad