CHAPTER 3: TAMPO

6.7K 237 58
                                    

CHAPTER 3
TAMPO

        
Masaya ako ngayong araw dahil makalipas ang isang linggo na pamomroblema kung paano ako makakabili ng bagong uniform ngayon ay suot ko na.

Malaki ang pasasalamat ko kay Dave dahil sila ang dahilan kung bakit may bago akong uniform.

Noong Sabado kasi ay napadaan si Dave sa bahay at naabutan akong nagbibilang ng pera sa gilid ng bahay na mula sa kinkita ko sa pagtitinda.

Nagkausap kami at nakwento ko sa kanya ang tungkol sa uniform ko. Ang sabi naman niya sa akin ay ililibre niya ako sa pagbili ng uniform basta samahan ko lang siya.

Sinamahan ko siya noong araw na iyon dahil desperado na talaga ako makabili ng panibagong uniform. Wala naman kaming ginawa nung araw na iyon kundi ang naglibot sa buong bayan at kumain lang sa kung saan saan na sagot din niya.

Wala namang kaso sa akin ang samahan si Dave dahil magkakilala na kami noon pa man.

"Salamat Dave." sabi ko sa kanya nang inihatid niya ako sa room.

Napatingin naman sa aking ang mga kaklase at hindi ko alam kung saan sila nabigla kung dito ba sa suot kong uniform o dahil kasama ko si Dave.

Pumasok na ako sa loob at naupo sa pwesto ko. Nasa unahan ko si Adam at mukhang hindi man lang napansin na dumating na ako dahil abala siya sa pakikipagusap kay Mica na nasa unahan lang din niya.

Patago akong ngumisi dahil naiinis ako, nagseselos ako. Tiningnan ko ang likuran ni Adam at bumilang ng tatlo, matapos 'nun ay kinalabit ko siya pero hindi siya lumingon.

Nakailang kalabit pa ako pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay mas lalong lumakas ang tawa ni Adam na ikinakainis ko kaya tumigil na lang ako.

Dumating ang teacher namin at tahimik akong nakinig. Nang sumapit ang recess ay lalapitan ko na sana si Adam para kausapin siya pero bigla niyang kinausap si Mica, si Mica na naman.

Sa sobrang inis ay nasipa ko ng malakas ang upuan kung kaya napatingin sa akin ang iba pero si Adam ay nanatili lang na kausap si Mica.

Naglakad na ako palabas at hinayaan siya. Hindi ko alam kung may naggawa ba akong mali para kumilos siya ng ganun.

Naiiyak na ako dahil sa ginagawa niyang pagiwas pero pinigilan ko. Sumabay pa ang pananakit ng paa ko dahil sa ginawa kong pagsipa sa upuan.

Dumiretso ako sa tambayan namin at naupo doon. Tahimik kong pinagmasdan ang mga naglalaro sa field at mga dumadaan.

Ilang sandali pa ay nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagdating ni Adam. Tumalikod ako sa kanya at hindi siya pinansin.

Kinalabit niya ako pero ginalaw ko ang balikat para alisin ang kamay niya doon. "Pat!" tawag niya at naiyak na talaga ako.

"Hindi kita bati Adam." para bata kong sabi sa kanya habang umiiyak. Naiinis ako sa kanya kung bakit nilalayuan niya ako kanina. Para akong tanga na nagiisip kung may mali ba akong naggawa.

"Sorry na." sabi niya at pumunta sa harap ko at pilit na inaalis ang kamay ko sa mukha pero hinawi ko ang kamay niya.

"Sorry na Pat." maamo niyang sabi at kusang nanlambot ako kung kaya naalis niya ang kamay ko sa mukha.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Matapos niyang gawin ay hinampas hampas ko siya sa balikat at hindi naman niya iyon hinarang at hinayaan lang ako.

Hinampas hampas ko siya sa braso hanggang sa napagod ako at doon lang ako naglakas loob na tanungin siya kung bakit niya ako iniiwasan.

Ang sabi niya ay nakita niya ako noong Sabado na kasama si Dave. Iyon din ang dahilan niya kung bakit hindi niya ako dinaanan sa bahay, kaya naman ay hindi kami sabay na pumasok kanina.

Tapos nalaman niya kanina na libre ni Dave itong bago kong uniform.

"Bakit ka galit? Ni-libre naman ito sa akin ni Dave?" naiinis kong tanong sa kanya at napahawak siya sa batok niya. "Shunga mo." sabi ko pa.

"Pag si Dave pwede kang ilibre ng uniform pero noong nagsabi ako na ililibre kita tinanggihan mo. Ano yun?" sagot niya sa akin.

"Sorry na." sambit ko nang marealize ang sinabi niyang iyon.

Ang totoo naman kasi talaga niyan ay nahihiya na ako sa kanya. Ang dami na niyang naitulong sa akin pero ako wala man lang maitulong sa kanya.

Mula sa pagkakatayo ay umupo si Adam sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin at kinuha niya ang cellphone at earphones mula sa bag. Isinaksak ni Adam ang earphones sa cellphone at ilang sandali pa ay inilagay niya ang kabila sa tainga ko habang ang isa naman ay nasa kanya.

Lumapit pa lalo si Adam sa akin dahil medyo maiksi lang ang wire ng earphones. Matapos nun ay inakbayan niya ako at kasabay nun ang pagtugtog ng paborito naming kanta.


BUKO
By: Jireh Lim


Naalala ko pa no'ng nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang 'yong mga ngiti
At Ika'y sasabihan, bukas ng alas-7 sa dating tagpuan
Buo ang araw ko, marinig ko lang ang mga himig mo


Napatingin ako kay Adam at medyo hinahangin ang buhok niya pero sobrang gwapo pa rin niy. Nakatanaw siya sa field habang nakangiti at sinabayan ang kanta.


Hindi ko man alam kung nasa'n ka
Wala man tayong komunikasyon
Maghihintay sa 'yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko


Buko by Jireh Lim ang paborito naming kanta. Hindi ko alam kung kailan namin ito naging paborito basta hanggang sa palagi na lang namin ito kinakanta at inamin sa isa't isa na paborito namin itong kanta.


Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Kahit na 'di mo na abot ang sahig
Kahit na 'di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Naalala ko tuloy noong una kaming nagkausap at nagkakilala ni Adam. Pinagtanggol lang naman niya ako sa mga bully na estudyante noong Grade 1 ako. Bungi kasi ako noon kaya tampulan ako ng pangaasar.

Nang makita kong titingin sa akin si Adam ay inilipat ko ang tingin sa field at ngumiti, sandali pa ay sinabayan ko na rin ang kanta.

Sabay na kaming kumakanta pero sa gilid ng mata ko ay alam kong nakatitig sa akin si Adam. Pinigilan ko lang na wag lingunin siya dahil na-eenjoy ko ang ginagawa niyang pagtitig.

Feeling ko tuloy ako ang pinakamagandang babae sa mundo kahit mamantika at may pimples ang mukha ko.

"I love you..." sambit ni Adam sa akin matapos ang kanta.

"As a friend na naman?" may pagkairita kong sabi.

"Bakit? Ano bang gusto mo?" usisa niya at inirapan ko siya.

"Wala." sabi ko na lamang.

Hanggang friends nga lang ata ang level naming dalawa. Kainis!



MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa pagbasa!

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon