CHAPTER 20: HALIK LANG

4K 167 150
                                    

CHAPTER 20
HALIK LANG


Lumipas pa ang ilang araw ay hindi ko maggawang maamin kay Adam tungkol sa halik. Ganun pa rin ang turing sa akin ng mga kaklase ko at kapwa estudyante sa school. Binubully ako kapag wala si Adam.

Hanggang ngayon ay kinokonsensya ako pero hindi naman ako makahanap ng tiyempo para umamin kay Adam.

Papunta ako ngayon sa palengke para bumili ng ulam namin pero bigla akong kinabahan nang alam kong makakasalubong ko si Dave at agad naman akong lumiko.

"Patricia!" tawag niya sa akin at mas binilisan ko ang paglayo pero nahabol niya ako.

"Lumayo ka na Dave, please lang. Mahal ko si Adam at ayaw kong masira kami." sambit ko at agad kong pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry, gusto lang sana kita kausapin para makapagsorry ako sa ginawa ko. Last na ito, lalayian na kita. I'm sorry Pat." aniya at inabot niya sa akin ang panyo. Matapos nun ay umalis na rin siya.

Hindi ko ginamit ang panyo na bigay ni Dave sa akin sa halip ay agad ko iyon tinapon sa malapit na basurahan.

Bumili na ako ng ulam at mabilis na umuwi.

Aamin na talaga ako kay Adam kahit anong mangyari. Hindi na kaya ng konsensya ko.

"Anak ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Tatay at tumango ako.

Hindi ako okay pero ayokong sabihin sa kanila. Ayokong magalala sila ng dahil lang sa problema ko.

"Halika dito Patricia." sabi ni Nanay at lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinalapit pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Alam kong hindi ka okay Patricia, anak. Kung ano mang problema mo ay sabihin mo sa amin. Nagaalala kami para sa'yo. Para saan pa ang pagiging magulang namin kung hindi ka namin tutulungan at gagabayan." paliwanag ni Nanay at niyakap ko na din siya ng mahigpit at naiyak.

Kilalang kilala at mahal na mahal talaga ako ng magulang ko. Ramdam nila kung may problema ba ako o wala.

Matapos kumain ng tanghalian ay nagpaalam ako kila Nanay at Tatay na aalis ako at kakausapin lang si Adam at pumayag naman sila.

Nagtext ako kay Adam na magkita kami mamayang alas-quatro.

Ang natitirang oras ko ay pinagisipan ko kung paano ko ipapaliwanag ang lahat kay Adam. Nakakasiguro akong magagalit siya sa akin pero hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman na niya.

Hindi ko rin naman ginusto ito.

Sumapit ang alas-quatro ay sinundo ako ni Adam. Dumiretso kami sa park na kung tuwing gabi ay nagtitinda kami ng balot ni Tatay.

"I miss you Ma'am" aniya at niyakap ako.

"I miss you too Adam." sagot ko naman at ginantihan ang yakap niya.

Bumuntong hininga ako at nilakasan ang loob. "Adam may sasabihin ako sa'yo." panimula ko at hinintay niya ang sunod kong sasabihin.

"Last week kasi Adam nagkita kami ni Dave nang hindi inaasahan at hinalikan niya ako sa labi." halos kulangin ang hininga ko sa pagbanggit nun at unti-unti nanubig ang mata ko.

Naglaho ang ngiti sa mukha ni Adam at nakita ko kanyang kamao ngayon na nakasarado at kitang kita ko na galit siya.

Tumingin sa akin si Adam. "Tinulak mo ba siya matapos ka niyang halikan?" tanong niya at umiling ako. Sandali pa ay naglandas na ang mga luha ko sa aking pisngi.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon