CHAPTER 41
KATOTOHANAN
Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong may humahalik sa noo ko. Ramdam ko rin na may nakahawak ng mahigpit sa aking kamay.Hindi ko maggawang imulat ang mata ko dahil natatakot ako. Bakit pa ba ako nabuhay ngayon?
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang marinig kong may kumakanta ng paborito kong kanta.
KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KOKung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap koMakuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko
Alam kong maga ang aking mata pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakikita ko. Na ang taong nakahawak sa kamay ko at humahalik sa aking noo ay si Adam.Muling tumulo ang luha ko at agad niya nilapitan para patahanin. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko at kita ko sa mga ma tasa niya na nagaalala siya sa akin.
Hinalikan niya ako muli sa noo ko at nakita ko ang pagtulo ng luha niya. "Nandito ako Pat kung napapagod ka na. Ako ang pwedeng maging pahinga at takbuhan mo sa tuwing ayaw mo na." sambit niya.
"Nasaan si Dave?" tanong ko. "Siya ang tinawagan ko kagabi." sabi ko pa pero mapait na ngumiti si Adam.
"Ako ang natawagan mo kagabi at ako rin ang nagdala sa iyo dito sa hospital." sabi niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ibig sabihin ay alam niya na ang tungkol kay Peter.
"May anak ka?" tanong ni Adam sa akin.
"May anak tayo." sambit ko at muli na namang naluha. Wala akong nakitang bakas na galit sa mukha ni Adam at sa halip ay nakita ko ang galak sa mata niya na para bang excited siyang makita ang anak namin.
"Nasaan siya? Gusto ko siyang makilala. Kamukha ko ba siya? Mabait ba siya? Sasabihin ko sa kanya na apo siya ng mafia at ang tatay niya ay anak ng mafia." sunod sunod na sabi ni Adam at mas lalong umiyak ito at ganun din ako.
Napatakip ako sa mukha at hindi ko alam ang sasabihin ko kay Adam. Natatakot ako na baka iwan niya ako at ayokong mangyari iyon.
"Wala na siya Adam, namatay siya umiiyak." umiiyak kong sabi at natigilan siya, na para bang ayaw tanggapin ang sinabi ko.
"Paano? Bakit? Anong nangyari?"
"Noong maghiwalay tayo ay tsaka ko lang nalaman na buntis ako." panimula ko. "Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ko ay ginawa lahat nila Nanay at Tatay para alagaan ako."
"Lumaki yung utang namin hanggang sa hindi na namin mabayaran hanggang sa isang araw ay pumunta yung taong pinagkakautangan namin sa bahay. Sa pilitan kaming pinagbayad pero wala kaming pera noong panahon na iyon kaya pinatay nila ang magulang ko."
"Binaril nila si Nanay at Tatay sa mismong harap ko na siyang dahilan para makunan ako. Hindi ko kinaya ang m lahat ng nangyari sa akin noon, para akong masisiraan ng utak. Namatay si Nanay at Tatay at iyong anak ko."
"Noong panahon na iyon ay iniwan ako ng lahat. Wala sa aking natira." umiiyak ko pa ring sabi.
"Wag mo akong iwan Adam, nagmamakaawa ako sa iyo. Ikaw na lang ang meron ako." sambit ko pa at tumango siya.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Noong panahon na iyon ay ang pamilya nila Dave ang tumulong sa akin pero tumakas ako para hanapin ka at hanapin ang anak natin." sabi ko at kumunot ang noo ni Adam.