CHAPTER 15: HALIK

3.7K 155 19
                                    

CHAPTER 15
HALIK


Inabot sa akin ni Adam ang bag ko at hinila ako papalapit sa kanya sabay yakap. Hinalikan niya ako sa noo, sunod sa ilong at sa labi.

"Bye Ma'am." paalam niya sa akin. "I love you."

"I love you too." sagot ko naman.

Inayos niya ang bangs ko at matapos nun ay pinapapasok na niya ako sa loob ng bahay namin. Hinintay niya muna akong makapasom bago siya umalis.

Medyo basa pa ako ng pawis dahil nagCAT kami ngayon. Tulad ng dati ay ako na naman ang naiiba. Walang PE uniform at ako lang ang naka-uniform.

Sinabihan din ako kanina na bumili na ng bagong PE uniform pero hindi ko alam kung kailan ako makakabili. Eh itong uniform ko nga ay dahil lang kay Dave.

Walang tao at tahimik sa buong bahay kaya naman dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Lalabas na sana ako nang marinig ko na nagtatalo sin Nanay at Tatay.

"Ang laki pa ng babayaran sa utang natin. Pa'no ito?" nahahagas ni Nanay na sabi.

Napakagat ako sa pangibaba kong labi dahil sa narinig. Kahit mahirap kami ay pilit ng mga magulang ko ibinibigay ang lahat ng pangangailangan ko pero hindi ko inasahan na ganito na pala namomroblema sina Nanay at Tatay.

"Hindi rin sasapat ang perang inipon natin. Hindi rin natin iyon pwedeng galawin dahil para sa pangkolehiyo iyon ni Pat." rinig 7kong sabi ni Tatay at nanubig na ang mga mata ko.

Natahimik sila sandali at doon ako nagtyempo na lumabas na sa kwarto ko. Nagakto ako na walang narinig at nagmano sa kanila.

Ang pamomroblema kanina nila ay kabaliktaran ng nakikita ko. Nakangiti sila ngayon sa harapan ko at alam kong ayaw ipaalam sa akin ang problema.

"Kumain ka na ba anak? May turon akong binili kanina para sa'yo." sabi ni Tatay.

"Salamat po." sabi ko at kinuha ang turon na inabot sa akin.

Habang kumakain ako ng turon ay kinakamusta ng Nanay ang pagaaral ko at ganun din naman si Tatay. Kung minsan naman ay nasasama sa usapan namin si Adam.

"Nanay, Saan ka po pupunta?" tanong ko nang kakita kong naggagayak si Nanay.

"Maglalaba ako sa mansyon ng mga Delos Reyes." aniya.

"Samahan na po kita, tutulungan kita Nay." sabi ko. Alam ko kasi na hindi rin kakayanin ni Nanay dahil medyo mahina na siya kumpara dati.

Hindi pumayag si Nanay sa pagboluntaryo ko pero nakailang pilit pa ako sa kanya para lang pumayag na tulungan ko. At sa huli ay wala siyang naggawa kundi ang pasamahin ako.

Pagpasok namin ni Nanay sa loob ng mansyon ng mga Delos Reyes ay wala pa ring pinagbago ito. Ang nabago lang ata ay ang mga pwesto ng mga sofa at mga vase.

Bata pa ako noong makapasok dito at madalas kaming pumupunta dito para maglaba si Nanay. Sa tuwing sinasama ako ni Nanay ay tumutulong ako sa ibang mga kasambahay pero isang araw ay pinatigil ako ni Mrs. Delos Reyes at pinalaro na lang kasama ng anak niya at ang anak niyang yun ay si Dave.

Speaking of Dave ay sinalubong niya kami ni Nanay. Agad siyang nagmano habang ako naman ay nakayuko lang at nahihiya sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko binubuksan yung envelope na binigay niya.

"Hi Pat." bati niya at umangat ako ng tingin at mataman na ngumiti.

Pagtingin ko sa kanya ay basa pa ang buhok niya at mukhang kakaligo lang. NAkapambahay lang din siya ngayon. Tumango ako sa kanya noong pupunta na kami ni Nanay salikod ng bahay nila para maglaba na.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon