CHAPTER 9: PINAKA

4.9K 187 57
                                    

CHAPTER 9
PINAKA

         
Nasabi ko na kay Adam na aattend ako ng prom dahil binilhan ako ni Nanay ng dress. Kaya naman eto siya ngayon at kinukulit ako kung anong kulay ng dress ko para yung damit na susuotin daw niya ay kapartner noong akin.

"Kulay red." sagot ko at natuwa ang agad ang shunga. Sa sobrang tuwa ay hinalikan niya ako sa pisngi.

Ayaw ko sana sabihin sa kanya kung anong kulay ang dress ko dahil gusto ko siyang masurprise pero mapilit at gusto talaga niyang magkapateho kami ng kulay ng damit na susuotin.

Pumunta si Adam sa likod ko at tinali ang aking buhok ng isahan. Siguro ay gulo gulo na naman ang buhok ko dahil kakapahinga pa lang namin ngayon galing sa sayaw. Nagpapractice kasi kami para sa cotillion.

Nang matapos niya akong ipitan ay inayos pa niya ang bangs ko ang akala ko ay tapos na siya sa pagaasikaso sa akin pero humirit pa. May inilabas siyang towel mula sa gamit niya at pinunasan ang mga pawis ko.

"Adam, pinagpapaiwasan din ako." sabi ng isang kaklase namin at sinegundahan pa ito ng isa pa naminv kaklase.

"Sana all inaalagaan. Sana all sweet."

Napailing na lamang ako sa mga sinabi nila habang si Adam naman ay mukhang proud pa sa sarili. Ilang minuto pa ay pinauwi na kami para makapaghanda na sa prom mamayang gabi.

"Sunduin kita mamaya sa inyo." sabi ni Adam habang naglalakad kami pauwi.

Hindi na ako nagsalita dahil puno ng kikiam ang bibig ko. Bigla naman akong nabilaukan at tsaka ko lang napagtanto na wala pala akong inumin. Sakto naman na may inumin si Adam at iyon ang pinainom niya sa akin habang hinihimas ang likod ko.

"Dahan dahan lang kasi sa pagkain." may pagaaalala sa boses niya.

"Hindi ko naman kasi alam na mabibilaukan ako." sagot ko.

Naubos ko ang palamig hanngang sa makarating kami ni Adam sa bahay. Sa bahay ay hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi at sa labi. Para tuloy akong baby na pinugpog ng halik ng magulang.

"I love you, bye." paalam pa niya pero mukhang ayaw pang umalis dahil hindi niya binitawan ang kamay ko. Muli niya akong hinila papalapit at hinalikan sa noo.

"Mamimiss kita." sabi niya at hinampas ko siya sa braso.

"Ilang oras lang tayong magkakahiwalay, wag ka ngang sira."

Matapos nun ay walang naggawa si Adam kundi ang unalis na at tuluyan nang umuwi.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad kong hinanap si nanay at tatay. Natagpuan ko sila sa likod ng aming bahay kung saan naglalambingan ang dalawa.

Narinig ko ang pagtawa ni nanay at hinalikan naman siya ni tatay. Sa halip nanputulin ang paglalambingan nila ay pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko ang dress na susuotin ko mamaya para sa prom.

Nagpalit ako ng damit at nagpahinga muna.

...

Nagising ako sa malakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko, kasinod nun ay ang boses ni nanay kung saan tinatawag ako. Marahil ay alam niyang nakauwi na ako dahil naiwan ko bag sa sala.

Bumangon kaagad ako ay binuksan ang pintuan.

"Anak, magasikaso ka na. Dalawang oras na lang ay prom niyo na. Hala, kumain ka muna at pagkatapos ay maligo ka para maayusan kita." sunod sunod na sabi ni Nanay.

Hindi na ako sumagot o nagsalita. Lumabas na ako at sinunod ang mga sinabi niya.

Kumain ako at naligo. Matapos nun ay sinuot na ang dress na binili sa akin ni Nanay. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakaabang sa akin ang magulang ko. Nakangiti sila pareho nang makita ako.

"Ang ganda ko anak." sabi pa ni Nanay at pinalapit ako sa kanilang dalawa ni Tatay.

May katangkaran ako kay Nanay kaya medyo nakatingala siya sa akin ng konti. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ko ay hinawakan ang kabuuan ng mukha ko.

Sa hindi inaasahan ay nagulat ako nang umiyak si Nanay. Agad akong nataranta at nagtaka pero naglaho iyo nang ngumiti siya.

"Ikaw yung biyaya at regalo na binigay sa amin." aniya.

Ayaw ko sana ng drama pero heto at umiiyak na rin ako at  niyakap ko sina Nanay at Tatay.

"Akala siguro ng Nanay mo ay ikakasal ka, kaya nagdrama na naman ng ganito." biro pa ni Tatay at sabay sabay kaming natawa.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Adam. Sakto lang ang dating niya dahil kakatapos lang ni Nanay na make-upan ako.

Nagsusuot ako ng sandals at tinutulungan ako ni Nanay habang sina Adam at Tatay naman ay nasa labas ng bahay at naguusap.

Nang pumasok na sina Tatay at Adam ay agad nanlaki ang mata ni Adam nang makita ako.

"Si Pat na po ba ito?" tanong ni Adam kay Tatay at inirapan ko siya. Tumango naman si Tatay biglang sagot sa tanong niya.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang lumapit sa akin si Adam. "Kamukha mo iyong mapapangasawa ko." walang hiya na sambit niya na para bang wala ang magulang ko sa tabi namin. "Patricia Cereno ang pangalan niya." dugtong niya at hinampas ko siya sa braso.

"Nakakahiya ka Adam kila Nanay at Tatay." sabi ko.

Nang okay na ang lahat ay nagpaalam na kami para pumuntang school dahil sa isang covered court gaganapin ang prom namin.

Tricycle ang sinakyan namin ni Adam papuntang school dahil baka kapag nilakad namin ay pawis pawisan na kami.

Pagdating namin ay nakita ko ang mga suot na gown ng mga kaklase at ng ibang estudyante. Sobrang elegante ng mga suot nila kumpara sa akin.

Hindi ko tuloy naiwasan na tingnan ang mga damit nila at sumunod na titingnan ay ang suot ko.

"Ikaw ang pikamaganda baby." biglang sabi ni Adam at hinalikan ako sa pisngi.

Biglang nawala ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Adam. Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi.

Sa tuwing nararamdaman ko na sobrang baba ko o minamaliit ko mismo ang sarili ay palaging nasa tabi ko si Adam. Ipinapakita at ipinapadama niya lagi na higit pa ako sa sapat. Kahit kailan ay hindi siya nagkamintis na purihin ako sa kahit anong bagay.

Palaging...

"Ikaw ang pianakmaganda."
"Ikaw ang pinakamamahal ko."
"Ikaw ang pinakacute."
"Ikaw ang pinakamabait."
"Ikaw ang pinakamgaling."

Ako palagi ang 'pinaka' para kay Adam.

Kaya sino ba ang hindi mahuhilog at mapapamahal sa kanya. Kung halos lahat ng magandang katangian at kagwapuhan ay nasa kanya na.





           

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa paghintay ng update at pagbasa.

Pasensya na po kung walang update nitong nakaraang araw. May inasikaso lang po na mahalaga. Hindi na rin ako nakapag-announce dahil hindi ko maisingit sa sched. Advance Merry Christmas and Happy New Year! Keep safe po!

Btw, PAPASKO daw 😅 joke lang.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon