CHAPTER 36
SAN DIEGO
Pagbalik ko ng club ay inayos ko ang sarili na para bang walang problema at hindi man lang umiyak kanina. Ngumiti ako sa mga nakasalubong ko na mga katrabaho na ngayon ay nakabihisan na at naka make-up.Dumiretso ako sa isang kwarto kung saan nagaayos kaming mga babae. Nagpalit ako ng damit at nagsimulang maglagayao ng make up. Saktong paglagay ko ng lipstick ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko dito ay tumatawag si Adam.
Dali dali naman akong lumabas ng club at pumunta sa lugar na walang ingay at tao. Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag.
"I miss you Ma'am." paos ang boses ni Adam at halatang pagod siya. Ang paalam niya kasi noong isang araw ay may Fashion Week siyang dapat puntahan at mayroon pang photo shoot.
"I miss you too Adam." sambit ko.
"Sorry Pat kung hindi ako nakakauwi sa iyo pero promise ko pagkatapos nito ay babawasan ko na ang schedule ko sa pagmomodel." aniya at napangiti ako doon.
Alam kong hindi kakayanin ni Adam na malayo sa akin ng matagal lalo na't nasa isang linggo pa lang kami nagsasama.
"Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya at napakagat ako s apang ibabang labi.
"Ayos lang ako Adam wag mo akong alalahanin. Sa iyo ako nagaalala dahil mukhang pagod na pagod ka." sabi ko at narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Aw! Pwede bang kiligin? Concern sa akin si Ma'am." aniya at napailing ako. "Aalagaan ko yung sarili ko Ma'am at dapat alagaan mo yung sarili mo, magpapakasal pa tayo." aniya at mas lalong lunapad ang ngiti ko.
"Oo, magpapakasal pa tayo." pag sang ayon ko.
"Para tuloy gusto ko nang umuwi." biro niya. "Sabi mo yan Ma'am ha! Magpapakasal pa tayo." sambit niya at napatingin ako sa singsing ko na ibinigay niya sa akin noon.
"Magpapakasal tayo kung tayo hanggang sa huli." wala sa sarili kong sabi at hindi iyon pinarinig kay Adam.
"I love you Pat."
"I love you too Adam."
Nagusap pa kami ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan namin na patayin na ang tawag dahil babalik na siya sa trabaho.
Pagpasok sa club ay nakapila na ang mga babaeng magpeperform kaya itinabi ko na ang cellphone ko at pumila na sa pinakadulo na siyang pwesto ko.
May unang batch na sumasayaw at ako naman ay sa pangalawang batch. Ako ang solo na sumasayaw sa akin kaya ako ang pinakahuling nagpeperform.
Nang oras ko na ay tulad nang ginagawa ko noon ay sumayaw ako sa harapan ng maraming customer. Naglakad ako papalapit sa ilan at may mga nagbigay ng malalaking tip.
Matapos magperform ay pinatawag ako ng manager ko. Nagpakit ako ng damit at tsaka dumiretso na agad sa office ng manager ko.
Pagpasok ko sa office ay may kausap siyang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40's or 50's. Sinenyasan ako na lumapit sa kanila at naupo ako katapat nung matandang lalaki.
"Binili ka ni Mr. San Diego." sabi ng manager ko at mataman akong ngumiti.
Iyon lang ang sinabi sa akin ng manager at pagkatapos nun ay pinasama na ako kay Mr. San Diego. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay tsaka siya nagsalita at kinausap ako.
"Nakapagtapos ka na ba ng kolehiyo?" tanong niya at nanlaki ang mata ko. Ngayon lang sa akin may nagtanong na customer na ganun.
"Hindi pa po, nagiipon pa po ako." sabi ko.