CHAPTER 32: PATRICIA'S BEHAVIOR (607)

6.5K 207 139
                                    

CHAPTER 32
PATRICIA'S BEHAVIOR (607)


"Pagod na pagod na ako Dave. Ayoko na." sambit at ginantihan din niya ako ng yakap habang pinapatahan ako.

"Alam ko, kaya nandito ako. Uuwi na tayo." sabi niya pa.

Sumama ako kay Dave kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay nabawasan ang sakit na dinadamdam ko kanina.

Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan niya habang nararamdaman ko ang panaka-naka niyang pagtingin sa akin. Tila ba ay pinakikiramdaman niya kung may sasabihin ba ako wala.

Huminto kami sa isang building at sa tungin ko ay sa condo unit niya kami pupunta. Dito ata siya tumutuloy sa ngayon.

Pagpasok sa condo unit niya ay agad niya akong inabutan ng towel dahil basang basa ako. Ilang sandali pa ay bumalik si Dave na may dalang mga damit at ibinigay niya iyon sa akin.

"Maligo ka na ng diretso dahil magkakasakit ka niyan." sabi niya at tumango. Hinatid niya ako sa CR at umalis na rin.

Pagpasok ko sa loob ng CR ay napatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ko. Sa halip na makita ang tunay na hitsura ko ay ang nakikita kong hitsura sa salamin ay isang ako na nagmamakaawa.

"Peter ko." sigaw ko mula sa isang alaala sa aking isipan.

"Maawa po kayo sa akin." sambit ko habang umiiyak sa isang matandang nakapaibabaw sa akin.

"Isa kang puta." sabi ni Adam. Ang nagiisang taong mahal na mahal ko.

Nagsimula akong maligo at kinuskos mabuti ang sariling katawan. Nandidiri na naman ako sa sarili ko dahil naalala ko noong ginahasa ako.

Buong oras ng pagligo ko ay umiiyak lang ako. Iyon lang ang alam kong gawin. Paglabas ko ng CR ay hinanap ko si Dave at naabutan ko siyang may kausap siya sa cellphone. Sa sobrang seryoso nito sa kausap ay hindi niya ako napansin.

"Nahanap ko na si Pat. Uuwi na kami." rinig kong sabi ni Dave at nabalik sa reyalidad. Kinabahan ako at natakot kaya isa lang ang pumasok sa utak, iyon ay ang tumakas at tumakbo palayo sa kanya.

Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa. Ayoko.

Nagulat naman si Dave nang pagtalikod niya ay nakita ako. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo hanggang sa napagdesisyunan ko na tumakbo palayo.

Tumakbo ako palabas at paglingon ko sa likod ay hinahabol rin ako ni Dave.

"Ayoko pa." Umiiyak kong sambit at mas binilisan ang pagtakbo palayo.

Nang makalabas ng building ay agad ako naghanap ng matataguan. Ayokong sumama kay Dave. Hindi ako uuwi.

May nakita ako isang sasakyan na naka park sa gilid ng building at tumago ako doon. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang sarili na makaggawa ng tunog na maaring marinig ni Dave.

Napatingin ako sa unahan ko at nakita ko si Dave na nagpapakinga linga sa paligid at mumhang hinahanap ako.

Nanatili lang ako sa pinagtataguan ko ng ilang minuto at nang masiguro kong wala na si Dave ay tsaka ako nagpara ng taxi at umuwi sa apartment ko.

Mabuti na lang nang bumaba ako nang taxi ay nasa labas si Gia at sa kanya muna ako himingi nang pambayad. Akmang kakausapin ako ni Gia ay nilagpasan ko siya at dire diretso lang sa paglakad pero natigilan ako nang makita ko si Adam sa mismong pinto nang apartment ko.

Gulat kami pareho nang makatinginan pero hindi ko na naggawang makapasok sa apartment ko dahil mula sa kinatatayuan ko ay nakaramdam ako ng hilo at tuluyan nang nagdilim ang paligid.

...

"Nay! Tay!" sigaw ko nang malakas.

"Nawawala si Peter. Kailangan ko siyang hanapin." sambit ko sa sarili.

"Pat!" rinig kong tawag sa akin at naggising ako mula sa panaginip ko. Ramdam ko ang pamamawis ng noo ko at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa panaginip.

"Binabangungot ka." sabi ni Adam na hindi ko alam na siya pala ang taong gumising sa akin.

Umiyak ako pero kasabay nun ay ang pagyakap sa akin ni Adam. "Miss na miss na kita Adam." sambit ko at niyakap rin siya.

"Miss na miss din kita Ma'am. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa iyo na masasakit na salita. Nasasaktan lang ako dahil hanggang ngayon ay pinagtutulakan mo ako.

"Sorry Adam." sabi ko sa kanya. "Mahal na mahal kita Adam."

"Miss na miss din kita Ma'am at mahal na mahal din kita." sabi niya.

Humiwalay kami sa pagkakayakap at nakita kong umiiyak din si Adam. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

Matapos nun ay hinalikan niya ako sa noo, sa ilong at sunod sa labi katulad nang ginagawa niya sa akin noon.

Nakaramdam ako nang kaginhawaan ngayong nandito si Adam sa harap ko. Para akong bumalik sa dati, noong maayos pa ang lahat ng sa akin at sa amin ni Adam.

Saglit na umalis si Adam at pagbalik niya ay may dala siyang bimpo, isang basong tubig at gamot.

"Nagkalagnat ka kanina kaya ka nahimatay." sabi ni Adam habang iniinom ko ang gamot.

Nakatingin naman ako sa kanya habang pinupunasan niya ang pawis sa katawan ko. Ilang sandali pa ay pumunta siya sa likuran ko at inilagay ang bimpo sa likod ko. Hindi lang doon nagtapos dahil nilagyan niya rin ng pulbo ang leeg ko at likuran katulad nang ginagawa niya sa akin noon.

"Ma'am I'm sorry sa mga nasabi ko at naggawa ko sa iyo." sabi ni Adam at ngumiti ako.

"Sorry din Adam." iyon lang ang sinabi ko.

Natigilan naman ako sa pagtingin kay Adam nang makita ko sa sulok ng aking mata ang poster ng anak ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at agad iyon na tinago.

"Ano yun?" tanong niya at umiling ako.

"Wala iyon." sagot ko kay Adam.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila palapit sa kanya. Nang dahil sa bigat ko ay napahiga siya sa kama at ako naman ay nasa ibabaw niya.

"Give me a second chance Ma'am. Papatunayan ko lahat. Ipaglalaban ko lahat. Lahat ng atin." sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Napatingin ako sa mga mata niya at lahit hindi ko pagisipan ay bibigyan ko ng second chance si Adam. Kung tutuusin ay ako dapat ang humingi sa kanya ng second chance pero siya mismo ang gumawa.

"Oo, Adam." sabi ko bilang pagsang ayon sa hinihingi niyang second chance.

"Salamat, Mahal." namula naman ako nang marinig ko iyong salitang mahal. Ang tagal na rin simula nang marinig ko iyon. Palagi kong naiisip na korni iyon pero pagdating kay Adam ay hindi na iyon korni dahil kinikikig ako.

"Siya nga pala Adam. Ano bang ibig sabihin nung 607. Hindi ba't iyon ang palagi mong sinambit noong una tayong magkita." sabi ko.

"607 means I miss you." aniya at nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin ay noong unang pagkikita pa lang namin ay namiss niya na talaga ako.



MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po aa pagbasa at paghintay ng update. This chapter is another clue. 😈😂

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon