CHAPTER 44: RESULTA

3.7K 163 89
                                    

CHAPTER 44
RESULTA

          
Tatlong araw nang makalabas ako ng hospital at dito ako sa mga San Diego na tumutulog. Ang sabi ko sa kanila ay ayos naman ako at pwedeng sa apartment na lang ako tumuloy pero hindi sila pumayag kaya wala akong maggawa.

"Ate Pat." tawag sa akon ni Alden at patakbong lumapit sa akon. Minsan naiisip ko na sana si Alden ang anak ko pero imposible iyon dahil kapatid talaga siya ni Aliah.

Nang makalabas nga ako ng hospital ay nagrequest ako na magpa DNA kami ni Alden at mahing kay Aliah para magkaalan na. Maaaring iisipin ng iba na nahihibang ako pero nagbabakasakalo lang naman ako.

"I have something to tell you." bulong niya.

"Ano yun?"

Pumunta siya sa harap ko at itinaas ang damit na suot sabay turo sa kanyang tiyan na ipinagtaka ko. "Wala man akong abs pero ikaw ang aking labs." banat niya at natawa ako.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Ikaw ang akong labs." sambit pa niya at napailing ako doon.

"Sino ang nagtuto niyan sa iyo?" tanong ko at tinuro niya ang taong pasimuno ng kalokohan niyang iyon. Sinundan ko ng tingin ang lanyang daliri at ang tinuturo niya ay si Dave na kausap ngayon ang magasawang San Diego.

Malaki ang pasasalamat ko kay Dave kasi alam kong gusto lang niya akong tulungan at gumaling pero parang hindi siya naaagrabyado.

Nagulat naman ako nang higlang may humalik sa pisngi ko kaya napalingon ako. Akala ko ay si Alden pero si Adam pala.

"Hi." bati niya habang kalong kalong si Alden sa kanya.

Ngumiti ako at hindi ko alam ang sasabihin kay Adam. Sa ngayon kasi ay ito muna ang huling pagkikita namin ni Adam dahil papasok na ako mamaya sa loob ng psychiatric hospital.

Wala rin naman kaming maggagawang dalawa dahil doctor na mismo ang nagsabi sa amin na kailangan ko munang alisin ng panandalian si Adam sa isip ko dahil siya ang nakakapagpatrigger ng emosyon ko.

Mahirap man pero kailangan kong magpaggaling. Seven to twelve weeks lang naman kaming magkakahiwalay, katumbas lang ng tatlong buwan.

Inabot ni Adam ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay namin. "Maghihintay Ma'am ako. Tatlong buwan lang naman ang hihintayin ko kumpara sa walang hanggan na kasama kita." aniya at nakita ko ang panunibig ng mata niya.

Nagulat naman ako nang magsimula siyang magkanta ng paborito naming kanta.

       
Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko

          
Sandali pa ay sumabay na rin ako sa pagkanta at kusang tumulo ang luha ko habang kunakanta kami pareho.

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin

Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Nang matapos ang kanta ay bumaba si Alden sa pagkakakandong kay Adam at doon namin niyakap ang isa't isa. Napangiti naman kami pareho nang may maliit na kamay ang yumakap sa amin ni Adam.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon