CHAPTER 45: LOVE YOURSELF

3.6K 149 95
                                    

CHAPTER 45
LOVE YOURSELF


Kakatapos lang ng Talk Therapy sa akin at pinainom ako ng gamot. Masaya ako dahil maayos na ang kalagayan ko, malaki din daw ang nag-improve ko sa sarili.

Nakikihalubilo ako sa mga kapwa pasyente ko nang biglang lumapit sa akin ang isang nurse at sinabing pinababalik. ako sa office ni Doc. Nagpaalam ako sa kausap ko at naglakad na.

Nang makarating ako sa harap ng office ay bumuntong hininga ako at kumatok ng tatlong beses. Sandali pa ay bumukas ito at bumungad sa akin si Doc. na kung saan kausap sina Mr. and Mrs. San Diego.

Napayuko ako at nagmano sa kanila. Ngumiti naman sila at nagulat ako nang niyakap ako ng mahigpit. "Miss ka na namin at ng mga tao sa bahay." sambit nila at hindi ko maiwasana ng mapaluha.

Tatlong buwan ako dit upo sa loob ng psychiatric ward. Kuntento na ako na dinadalaw ni Aliah at Dave pero hindi ako makapaniwala na may taong nakakamiss sa akin, na may ibang tao na nagaalala na hindi ko naman kadugo.

Mag-isa na lang ako sa buhay pero ang nararamdaman ko ngayon ay para bang nagkaroon ako ng bagong pamilya. Bagong makakasama ko sa buhay.

Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Nang minsan kong kwestyunin ang Diyos sa mga binigay niyang pagsubok. Lahat pala talaga ng binibigay sa atin na pagsubok ay malalagpasan natin at kakayanin natin kung magtitiwala tayo sa kanya.

Noong panahon na akala ko ay nagiisa ako pero hindi naman pala kasi may Diyos na handa akong tulungan at gabayan.

"Maupo ka Patricia." sabi ni Doc at itinura ang isang upuan kung saan katapat ng kinauupuan ng mag asawang San Diego.

"May good news ako sa iyo Patricia at dapat kanina ko pa ito sinabi pero gusto ko ay sabihin sa iyo kasa sina Mr. and Mrs. San Diego."

"Pwede ka nang lumabas." sambit pa niya at nagulat ako doon.

"Talaga po?" halos hindi ko makapaniwalang tanong at tumango siya habang nakangiti.

"Salamat po." sabi ko na lamang habang umiiyak. Lumapit naman sa akin si Mrs. San Diego at niyakap ako.

"Maraming salamat po." paguulit ko pa.

Nagtagal pa ako ng ilang sandali sa loob ng office dahil nagkwento si Doc tungkol sa mga naggawa ko sa nakalipas na tatlong buwan.

Nabanggit niya sa mag asawang San Diego na natuto akong manahi at magpainting. Isa kasi iyon sa mga pinagkaabalahan at itinuro sa akin ng mga kasamahan ko habang nagpapaggaling ako.

Nang matapos ang kwentuhan ay nauna na akong lumabas dahil kakausapin pa daw ni Doc sina Mr. and Mrs. San Diego.

Masaya akong dumiretso sa kwarto ko at iginayak ang mga gamit. Pagkatapos nun ay lumabas ako at kinausap ko ang mga kasamahan ko at ibinalita ko na makakalabas na ako.

Halo-halo naman ang naging emosyon nila sa sinabi ko dahil mamimiss daw nila ako. Ang sabi pa ng iba ay dalawin ko daw sila kapag nagkaroon ako ng time at ipinangako ko iyon sa kanila.

Sa huli ay naggroup hug kami at paglingon ko naman ay nakiya ko ang mag asawang San Diego na naghihintay na sa akin. Tumango ako at kumaway sa mga kasamahan ko. Kinuha ko ang gamit sa kwarto.

Naglakad kami palabas ng psychiatric ward habang nakahawak sa akin si Mrs. San Diego. Sinabi niya sa akin na pwede ko na daw ulit ipagpatuloy ang pag-aaral ko kung gugustuhin ko daw.

"Hindi ko po alam kung paano po sa inyo makakapagsalamat sa sobrang dami nang naitulong niyo sa akin." nahihiya kong sambit.

"Wala iyon Patricia. May kakayahan kaming tumulong sa mga nangangailangan kaya tutulong kami." sabi nila at tumango ako.

Malaki ang respeto ko sa mga San Diego at kahanga-hanga talaga sila dahil naalala ko noong tinulungan nila ako. Hindi lang ako ang taong tinulungan nila kundi napakarami na.

Nang bumukas ang pintuan ay agad akong tumingin sa kalangitan at sa paligid na namiss ko. Namiss ko ang labas.

"Congratulations!" sigawan ng mga taong nasa harapn ko at pagtingin ko ay may hawak na banner si Alden na may pangalan ko at katulong niya sa paghawak dito ay si Aliah.

Sa ka ilang dako naman ay si Dave at sumaludo lang sa akin sabay ngiti.At huli kong tiningnan si Adam na ngayon ay malapad ang ngiti pero nagpupunas ng mata niya, may hawak itong bouquet.

"Ate Patricia." sigaw ni Alden at patakbo akong linapit sa kanya at sinalubong sin siya ng yakap. Sinubukan ko siyang buhatin pero mabigat na siyang kumpara noon.

"Wag mo na po akong buhatin, big boy na ako." aniya. Napatingin naman ako kay Aliah nang magsalita ito. "Gusto na nga daw niya magka-abs."

"Bakit mo naman gustong magka-abs?" tanong ko kay Alden at napakamot siya sa ulo.

"Para mang-chicks." walang pakundangan nitong sabi at napasinghap kaming lahat.

"Dad mukhang nagmano sa iyo si Alden." sabi ni Aliah at tumawa kaming lahat.

"Wala eh habulin ata ako ng chicks." pagpatol pa ni Mr. San Diego at kinurot siya ni Mrs. San Diego sa tagiliran.

Tumayo ako at nagyakapan kami ni Aliah. "Namiss kita Pat." aniya.

"Ako din namiss kita." sabi ko.

"Oh tama na ang dramahan." singit ni Dave at umiling na lang ako.

"Payakap naman diyan. Wala ba sa aking nakamiss?" parinig ni Adam at lumapit ako sa kanya. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo at halata sa mga mata niya na umiiyak talaga siya kanina.

Nauna niya akong niyakap at gumanti din naman ako. "Sobrang namiss kita Ma'am." sabi niya at halos ayaw na niya akong bitawan sa pagkakayakap.

Nagulat naman ako ng biglang may sumipa kay Adam sa binti. "Hindi na nakakahinga si Ate Pat." masungit na sabi nito at niluwagan na ni Adam ang pagkakayakap sa akin.

"I love you Pat." aniya at ngumiti lang ako.

Kung may isa man akong natutunan sa loob ng psychiatric hospital ay iyon ay pagmamahal sa sarili.

Minsan kasi ay hindi pala talaga tama na sobrang mahal mo ang isang tao. Dapat kung mahal mo ang isang tao ay dapat mas mahal mo ang sarili mo.

Kahit kailan ay hindi makakabuti ang mahal mo ang isang tao tapos yung sarili mo ay hindi.

Isa sa mga dadalhin ko pang habang buhay na natutunan ko sa mga panahon na nagpapaggaling ako ay mahalin mo muna ang sarili mo.

Love yourself.



MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Ey shout out sa isa sa mga favorite kong reader, nagbalik siya ngayon. Shout out to itsReenBee 👋🏼🥺😊

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon