SPECIAL CHAPTER 1
PTD (MisterCaptain)
Nagsa-sign language ako ngayon dahil kausap ko ang mga pipi. Ang sabi pa nila sa akin sa pamamagitan ng sign language ay excited sila sa concert. Sinabihan ko naman sila na manatili lang sa upuan nila dahil magsisimula na mamaya.Inilibot ko ang tingin sa buong Aranete Colesin. Nasa harapan ko lang naman ang mga taong tinulungan ng team ko sa STAR CENTER.
Survivor Cancer, single parent, rape and abuse victim, mga taong may HIV, mga taong may sakit at nangangailangan ng pampagamot o pampaaral. Ano man ang pinagdadaanan nila sa buhay ay pamilya ang tawag ko sila.
Magkakaroon ngayon ng concert para sa 13th Anniversary ng STAR CENTER. Libre ang concert kaya ang ibang bakanteng upuan ay para sa ilang manonood galing sa labas.
Ang tunay na nakaisip nitong concert na ito ay si Victoria, iyong anak ni Yara na may kakambal na si Russel. Siya ang nagbigay ideya na magkaroon ng concert bilang pagcelebrate at pumayag ako dahil maganda naman ang naisip ni Victoria.
Napatingin naman ako sa gilid ko nang dumating si Dave at sinenyasan ako na mag-istart na. Nagpaalam ako sa mga kausap ko at inalalayan ni Dave papunta sa pwesto namin.
Bago maupo ay niyakap muna ako ni Yara, Tin at Aliah. Nakipagkamay naman ako kay Fred, Adrian at Adam. Matapos nin ay naupo na ako kung saan pinagihitnaan ako ni Dave at Alden.
Sa mga nakalipas na taon ay sila ang nakasama ko at katuwang ko sa pagtulong sa STAR CENTER. Nang mamatay sina Mr. and Mrs. San Diego ay ako na ang naging guardian ni Alden.
Pumatay ang ilaw sa kabuuang coliesum at bigla naman may umilaw sa gitna na kung saan nakatutok ito kay Victoria na ngayon ay hawak ang isang gitara at nakatapat ang labi sa microphone. Naalala ko tuloy sa kanya si Vin, talagang nagmana siya sa Tatay niya. Napangiti na lang din ako dahil isa lang naman ako sa naging fan ng tatay ni Victoria.
Nagsimulang magstrum si Victoria at sandali pa ay kumant sa na siya.
SALAMAT
by Yeng Constantino
Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin,
nilagyan mo ng kulay ang mundo
Habang kumakanta si Victoria ay nag appear sa screen ang mga pictures ni Vin. Bilang pagalala sa ama nito. Alam iyon ni Yara at Adrian dahil nagpaalam pa si Victoria sa kanila.Ilang sandali pa ay nag appear ang family picture nila na kung saan ay nakaakbay si Adrian kay Yara habang nakahalik si Yara sa pisngi ng asawa niyang si Adrian. Sa gilid nilang dalawa ay naroon si Russel at Victoria na anak nila at si Adeline naman ay nasa unahan ng kambal.
Kasama kitang lumuha
Dahil sa'yo ako'y may pag-asa
Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah
Naglakad si Victoria pababa ng stage at pinapunta sina Yara, Adrian at mga kapatid. Nang makarating sila sa stage ay nag appear naman sa screen anv family picture nina Tin at Fred kasama ang mga anak na sina Crisha, Freda at Kenneth. Nilapitan ni Victoria ang mga ito at pinapunta din sa stage.