CHAPTER 22: PAKIUSAP

4K 165 106
                                    

CHAPTER 22
PAKIUSAP


Kasalukuyan akong nagtitinda ng sampaguita para tulungan si Nanay sa pagtinda. Naalala ko noon na minsan ay tumutulong sa amin si Adam para lang lang mabilis naming maubos ang tinitinda at makauwi na ng maaga.

Hindi ngayon uuwi si Adam dahil nagpaalam siya noong nakaraan na may aasikasuhin daw siya at pumayag naman ako dahil mukhang mahalaga iyon. Tsaka hindi ko siya pipigilan dahil iyon naman ang gusto ko, ang asikasuhin niyarin ang sarili, hindi yung puro ako na lang.

Matapos magtinda ng sampaguita ay si Tatay naman ang tinulungan ko para magtinda ng balot. Kailangan naming kumita ng malaki dahil palagi kong naabutan at naririnig sina Nanay at Tatay tungkol sa utang na hindi nila mabayaran..

Ilang beses ko na silang kinausap na ibayad muna ang perang naipon para sa pag-aaral ko sa college at nitong nakaraan ng ay nabayran nila pero hindi pa rin ito sapat.

Lumipas ang ilang oras at hatinggabi na y hindi man lang namin naubos ang panindang balot at chicharon. Pagkauwi namin sa bahay ay matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone.

Pagtingin ko sa caller ay hindi si Adam iyon. Hindi man sigurado kung sino ang tumatawag ay sinagot ko pa rin ito.

"Hello po!" pagsasalita ko at pinakinggan ko ang kabilang linya. Tahimik s akabila hanngang sa nakaring ako ng tikhim na kalaunan ay isang ubi nanapakalakas. Papatayin ko na sana ang twag dahil mukhang prank call lang pero nagulat ako sa nagsalita.

"Patricia, hija. Mama ito ni Adam." nagulat ako nang mapagtanto na ang Mama ni Adam ang tumatawag sa kin. Sa kabila nun ay hindi ko naiwasan ang magalala dahil bakas ng boses niya na halatang hirap at pagod.

"Kamusta po kayo?" tanong ko at narinig kong muli anv poagubo niya.

"Ayos naman ako. Salamat sa pagtanong." aniya.

"Tumawag ako kasi gusto kitang kausaopin. May gusto sana akong ipakiusap sa iyon tungkol kay Adam." sa sinabi niya ay medyo ako kinabahan. Ganun pa man ay nanatili akong tahimik at hinitay ang suno na sasabihin niya.

"Alam kong mahal na mahal ka ng anak ko. Mundo ka niya kung ituring. At alam ko rin kung gaano mo kamahal si Adam pero gusto ko sana na sa pagkakataong ito ay pakawalan at papalyain mo siya mula sa pagmamahalan niyong dalawa."

"Ayokong maging hadlang sa inyong dalawa pero Nanay ako Pat at ayaw kong nakikitang napapagod at nahihirapan siya."

"Ano po bang ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Bumagsak si Adam sa ilang subjects niya at nalamn kong hindi na siya pumapasok. Araw-araw pala siyang pumupunta sa iyo at hindi ka niya maggwang iwan. Hindi namin mapigilan siya dahil mas pipiliin niyang iwan ang lahat, pag-aaral man o maging kami para lang sa iyo."

Unti-unting bumuhos ang luha ko at hindi ko akalain na ganun na kalala ang nangyayari.

"Gusto kong hiwalayan mo muna siya sa ngayon para sa ikabubuti niya. Nakikiusap ako sa iyo Pat." narinig ko ang paghikbi ng Mama ni Adam sa kabilang linya.

"Pagiisipan ko po." sabi ko.

"Gawin mo Patricia, nakikiusap ako."

Wala akong naisagot sa sinabi ng MAma ni Adam kundi ang poagiyak laang habang umiiling. Hindi ko kayang iwan at pakawalan si Adam ng ganun ganun lang.

Lumipas ang tatlong araw ay tsaka ko napagpasyahan ang dapat gawin. Hindi madaling pakawalan at palayain si Adam pero ang sabi ng Mama niya ay para din sa kanya ang gagawin ko.

Umiiyak akong kinuha ang cellphone ko at tinext si Adam.

ME:
Ayoko na, pagod na ako. Maghiwalay na tayo.


Sa pamamagitan ng dalawang pangungusap na iyon ay halos kulangin ako sa hangin dahil sa pag-iyak.

I'm sorry Adam.

Ilang segundo matapos kong itext iyon kay Adam ay tawag siya ng tawag sa akin kaya pinatay ko ang cellphone ko. Ngayon pa nga lang ay nahihirapan na ako paano pa kaya kapag nakita ko pa siya o narinig ang boses niya.

...

Kinabukasan ay bibili sana ako ng almusalan pero ko paglabas ng bahay ay nabutan kong natutulog sa may pintuan si Adam. Masakit at maga pa ang mga mata ko sa pagiyak kagabi pero ito na naman at umiiyak ako.

Nagulat ako nang biglang magising si Adam at agad na tumayo mula sa kinahihigaan at agad akong niyakap.

"Ma'am hindi ko kaya. Wag mo akong iwan." umiiyak niyang sabi at mas hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"Pagod na ako Adam, ayoko na." pagsisinungaling ko.

"Hindi na ako aalis. Mananatili na ako dito sa tabi mo Pat. Wag mo lang akong iwan." pagmamakaawa pa niya.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinulak siya palayo.

"Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Sobra sobra yung pagmamahal na binigay ko sa iyo Pat pero wag mo naman akong saktan ng ganito." aniya.

" Ang sakit sakit dito." sabi pa niya sabay turo sa tapat ng puso niya.

Kahit malayo ang pagitan naming dalawa ay lumuhod siya sa harap ko. "Gagawin ko lahat, nagmamakaawa ako sa iyo. Please Pat."

Kahit nasasaktan ay pinanindigan ko ang dapat gawin. "Pagod na ako Adam. Ayoko na." may diin kong sabi.

"Pagod na pagod na din ako Pat pero mas pinili kong manatili, mas pinili ko ikaw kahit gusto ko nang sumuko kasi sabi mo bukas ang mga kamay mo para yakapin ako para lang mapawi yung sakit na nararamdaman ko. Napapagod na ako pero mas pinili ko ang manatili kasi mahal na mahal kita."

"Ang sakit mo naman mahalin Pat, sobrang sakit."

"Umuwi ka na Adam mas kailangan ka ng Mama mo, sigurado akong hinahanap at hinihintay ka niya." sabi ko.

Mapait na ngumiti si Adam habang umiiyak.

"Hindi na niya ako hinahanap at hindi na rin niya ako hinihintay kasi namatay na siya kaninang madaling araw."

"Alam mo yung masakit, ikaw ang taong masasandalan at makakapawi ng lungkot na nadarama ko pero mas dinoble mo yung sakit."

"Hindi ba ako naging sapat?"

Natigilan ako sa sinabi ni Adam. Hindi ko alam.

Lumapit ako kay Adam para sana yakapin siya pero tinulak niya ako. "Maghiwalay na tayo. Hindi mo deserve ang mahalin at hindi mo deserve ang pagmamahal ko." galit niyang sabi.

Umiyak na lang ako kasi totoo yung sinabi niya. Sa dinami dami ng sakripisyo, pagtulong at pagmamahal niya sa akin ay sinaktan ko lang siya.

Nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari pero hindi ko naggawa.




  

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon