CHAPTER 49
WEDDING
Niyakap ako ng mahigpit ni Tin at Yara. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ang emosyon na bumalot sa katawan ko pero isa lang ang masasabi ko, masaya ako. Sandali pa ay nagpaalam na sila habang ako naman ay pumasok na sa loob ng hotel room.Nagkatinginan kami ni Aliah at parehas kaming ngumiti. Lumipas pa ang oras ay kailangan na naming umalis at pumuntang simbahan dahil paniguradong hinihintay na kami.
May mga pagkakataon sa buhay natin na mararamdaman natin na para bang iniwan tayo ng lahat. Iyong parang sinaktan tayo pero hindi naman pala kasi ang nagkulang sa sarili natin ay iyong pagmamahal natin mismo sa mga sarili natin.
Nang huminto ang sasakyan na sinasakyan ko sa tapat ng simbahan ay hindi ko maiwasan mamangha sa kung paano inayos at pinaghandaan itong kasal.
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natinBumintong hininga ako at nagsimulang maglakad. Sinong magaakala na hahantong ang lahat sa ganito. Sa dinami dami ng pagsubok na nangyari sa buhay ko ay ngayon ay maluwag sa loob kong tinanggap ang lahat. Ang desisyon ng tadhana.
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok koPagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa'tinInibot ko ang paningin sa kabuuan ng simbahan at napakaraming tao kaya nakadama ako ng hiya lalo na't nasa akin ang atensyon ngayon ng lahat ng tao a imbitado. Napahigpit ang hawak ko sa bulaklak na hawak dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko ohSandali pa ay narinig ako ang mas malakas na tugtog na nagmula sa violin. Ang tono nito ay ang paborito naming kanta ni Adam na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Nakatingin sa akin ang lahat at ako naman ay nakangiti lang kahit sa kabila nun ay pilit nitong tinatakpan ang nanunubig kong mga mata.
Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi
Kahit maputi
Kahit maputi na ang buhok koNaalala ko tuloy kung paano nagsimula ang istorya.
Dalawang magkaibigan na nagtaguan ng feelings. Lahat nagsimula sa salitang friendly. I love you as a friend, friendly kiss, friendly hug hanggang sa tuluyang umamin ako sa kanya pero siya naman pala itong patay na patay sa akin. Kung hindi pa niya ako ipinakilala sa mama niya ayhidi ko pa malalaman na may gusto siya sa akin.
Nabalik ako sa reyalidad nang matanaw ko sina Mr. and Mrs. San Diego. Nasa gitna sila na naghihintay. At sa unahan naman ay nakita ko si Alden na kaway nang kaway sa akin. Tumatalon pa ito sabay palakpak sa akin.
Nakuha naman ng atensyon ko sina Yara at Tin na magkatabi. Kumindat sa akin si Yara habang si Tin naman ay ngumiti lang. Ngumiti lang din naman ako sa kanila at matapos nun at itinuon ko ang tingin sa lalaking mahal na mahal ko, si Adam.
Nagtama ang mata namin ni Adam at kita ko ang panunubig ng mga mata niya. Sa tabi niya ay naroon si Fred at pilit na pinapakalma siya. Kitang-kita ng mga mata ko at nabasa ko ang mga mata niya, ang pagkasabik at saya para sa kasal.
Ito yung pinangarap kong kasal pero kumpara sa naisip ko at na-imagine ay medyo magarbo ito. Syempre hindi nawala ang mga photographer dahil isang celebrity si Adam. Mga malalaki at kilala din ang mga taong imbitado sa kasal na ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at ngumiti naman ako at nagbeso sa mag asawang San Diego nang matapatan ko sila. Ilang sandali pa ay nilagpasan ko na sila. Sa natitirang hakbang ko ay nanatiling nakatingin lang ako kay Adam. Nang makarating sa unahan ay lumiko at naglakad na sa pwesto ko kung saan katabi ko sina Yara at Tin.
Ilang sandali pa ay lahat napatingin sa pintuan ng simbahan nang bumukas ito at bumungad sa amin lahat si Aliah. Suot niya ang pinakamahal at pinakamagarbo na wedding gown sa buong mundo.
Kanya kanynag pwesto naman ang mga photographer para makunan ng maganda shots si Aliah. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko sa labas ang ilang tao na alam kong sumusuporta at tagahanga nila Aliah at Adam.
Ang kaninang tugtog lamang ngayon ay may boses nang kasama.
Hindi ako ang bride.
Hindi ako ang ikakasal.
Dahil bride's maid lang ako.
Maaaring martir at katangahan ang isispin ng ilan sa nang dahil hindi ko sinagot o pinabalik sa buhay ko si Adam pero naniniwala ako at nararamdaman ko na hindi ako ang babae at ang taong nakatadhana kay Adam.
Walang ginawang mali si Adam. Hindi siya nagkulang pero hind lang talaga kami ang para sa isa't isa.
May dalawang uri ng pag-ibig. Ang una ay yung pagmamahal na hindi ka lang mahal kundi dapat pipiliin ka rin. Ang pangalawa naman ay yung pagmamahal na minsan kahit mahal natin may mga pagkakataon na kailangan nating palayain at pakawalan.
Sa dalawang uri ng pag-ibig na yun ay yung una ang tumutukoy sa pag-ibig namin ni Adam. Ang pagmamahal na hindi sapat kasi hindi ka pinili.
Mahal ko si Adam, mahal na mahal higit pa sa alam niya at ng kung sino man. Pero hindi nga lang ako handa na magpakasal. Ayokong maghintay sa akon si Adam nang sobrang tagal tapos sa dulo ay wala pa rin.
Natagpuan ko ang tunay na pagmamahal at kasiyahan sa ibang paraan at alam kong pang habang buhay at buong oras ay ibibigay ko doon. Natagpuan ko ang tunay na pagmamahal at kasiyahan sa pagtulong.
Maaaring para sa iba ay isa iyong kahibangan pero ang tunay na pagmamahal at kasiyahan ay hindi mo lang matatagpuan sa ibang tao kundi mismo sa sarili mo. Maaring iba ang iisipin ng ibang tao sa sitwasyon pero ito siguro yung isang klase na dapat malaman, ipaalam at ituro sa kahit sino, na ang tunay na pagmamahal ay matatagpuan sa ating sarili mo.
Napatingin naman ako kay Adam nang sunduin niya si Aliah mula sa mag-asawang San Diego. Isinukbit ni Aliah ang kanyang kamay sa brasong nakalahad ni Adam sa kanya.
Istorya namin ito ni Adam pero hindi namin kasal.
Ganun pa man ay maluwag sa loob kong tinanggap ang tadhana at nangyari. Wala akong dinamdam at itinanim na galit sa kahit sino man dahil ako mismo ang pumili ng sitwasyon.
Nguimiti ako nang maglakad ang dalawa papunta sa harap ng pari. Alam ko na mamamahalin nila ang isa't isa.
Naalala ko tuloy ang ibinulong sa akin ni Aliah na hindi ko natupad.
"Alagaan at mahalin mo si Adam. Piliin mo siya kagaya ng pagpili niya sa iyo. Mahalain mo siya para sa akin at wag na wag mong sasaktan."
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update?
Ang tanong, matutuloy kaya ang kasal o may pipigil? HAHAHA. Makakamit kaya nila Pat at Adam ang happy ending at endgame? May sisigaw kaya ng itigil ang kasal? Hihilahin ba ni Aliah si Pat para magpalitan sila?
Abangan ang huling kabanata na ipu-publish ko mamaya. Ang title po last chapter ay,
CHAPTER 50: THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER