CHAPTER 6: WELCOME

5K 195 120
                                    

CHAPTER 6
WELCOME

          
"Ma!" rinig kong tawag ni Adam sa mama niya.

"Mama, ipapakilala ko sa iyo yung crush ko. Nandito siya ngayon."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Adam. Nilinis ko pa ang tainga ko gamit ang daliri para masigurong hindi ako nagkamali ng rinig.

Ang sabi niya kasi ay ipapakilala niya yung crush niya.

Crush ako ni Adam?

Napatigil na lang ako sa pagiisip nang may yumakap sa akin. Nakanganga ako at halos hindi maigalaw ang katawan dahil yung mama ni Adam ang yumakap sa akin.

"Welcome to our family hija." sabi niya habang si Adam naman ay biglang natawa.

Ako naman ay nahihiyang nakatingin sa mama ni Adam at nagmano kaagad. "Ang lakas mo agad kay Mama, welcome to our family ang salubong sa iyo imbes welcome to our humble home."

"So paano ba yan? Akin ka na Pat?" dugtong ni Adam.

"Aray naman Mama." bigla niyang sabi at piningot pala siya ng kanyang Mama.

"Wag mo agad angkinin, matuto kang manligaw."

"Siya nga po pala, Ako si Patricia Cereno, Pat na lang po ang itawag niyo sa akin." pagpapakilala ko.

"Matagal ka nang nakwekwento sa akin ni Adam, matagal ko na rin siyang sinabihan na ipakilala ka pero ewan ko ba dito sa anak ko kung bakit ngayon ka lang sa akin pinakilala."

Nagpakilala ang mama ni Adam at ang sabi pa sa akin ay wag siyang tawagin na Tita Adelle. Mama daw ang itawag ko sa kanya at tumango na lamang ako kahit hindi ako sigurado na matatawag ko siyang mama.

Matapos ng konting paguusap ay inanyayahan niya ako na doon kami sa sala at magusap dahil kakatapos lang daw niyang magluto ng meryendalan.

Sumunod ako kay Tita Adelle ay este mama papuntang sala at pinaupo niya ako. Sa lamesa ay may maruta at turon na mainit pa dahil nakikita ko pa ng usok mula sa pagkain.

Si Adam naman ay nagpaalam sa amin dahil magpapalit lang daw siya ng damit.

"Napakaganda mong bata tulad sa kung paano ka naikwekwento ni Adam sa akin. Minsan man ay naguguluhan ako doon sa anak kong iyon pero totoong lalaki nga talaga siya." napahawak naman ako sa headband ko at inayos ito sa ulo ko.

Pangiti ngiti ako at mataman na nakikinig sa kwento niya dahil mukhang mas marami akong malalaman ngayon tungkol kay Adam.

Kumuha si mama ng platito at tinidor at inabot sa akin para sabayan ko siyang kumain.

"Napakaraming beses kasi na nagpapabili siya ng ipit at nagpapaturo sa akin. Kung minsan naman ay nagtatanong sa mga pambabae na nga gamit at kapag tinatanong ko siya sa mga ginagawa niya ay ang tanging sagot niya ay hindi daw siya bakla, lahat daw ng ginagawa niya ay para kay Pat." kwento niya pa.

Ang shunangang Adam na iyin ay ang kapal na asar asarin ako na may crush ako sa kanya eh base sa kwento ng mama niya ay mukhang mas patay na patay siya sa akin.

And speaking of Adam, kakaba lang niya ngayon galing sa kwarto. Nakasuot na siya ngayon ng sando at simpleng short kung kaya nakita ko ang medyo makapal na balahibo sa paa niya.

"Mama mukhang inagaw mo na sa akin si Pat. Ako naman ang kakausap sa kanya at ililibot lang din siya dito sa bahay natin."

"Ohh sige anak."

"Kung papasok kayo ng kwarto ay iwanang bukas ang pinto. Wag gagawa ng milagro." paalala ni Mama at sabay kaming tumango ni Adam.

Kumain muna ng meryenda si Adam habang ako naman ay tinapos ang pagkakain. Tahimik kami pareho at mukhang walang balak ni isa sa amin magsalita.

Dapat talaga tumatalon ako sa tuwa ngayon pero inabot ako ng hiya dahil sa biglaang pagpapakilala ni Adam sa akin sa magulang niya. At isa pa, siya pala ang patay na patay sa akin.

"Crush mo pala ako ha." pangaasar ko kay Adam habang nakataas ang isang kilay. Napakamot siya sa ulo at nahihiyang tumingin sa akin.

"Sa sobrang ganda ko ay ikaw pala itong patay na patay sa akin." dugtong ko pa at sa loob ko ay tawang tawa ako dahil sa reaksyon ni Adam.

Halos hindi kasi ito makasalita o makagalaw dahil sa pangaasar ko sa kanya. Baka nga hinihiling niya na lamunin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan.

Natigil ako sa mga naiisip ko ng bigla akong hinalikan ni Adam sa labi. "Ang ingay mo, tara ililibot kita dito sa bahay."aniya at kinuha ang kamay ko para tumayo na.

Sakto lang ang laki ng bahay nina Adam. Maayos at malinis rin dahil mukhang araw-araw nalilinisan ang kabuuang bahay. May tatlong kwarto na kung saan guest room, masters bedroom at kwarto niya.

Tumigil kami sa kwarto niya at bumungad sa akin ang simpleng kwarto niya ka kulay asul. Pinauna niya aking papasukin sa loob ng kwarto at inilibot ko ang tingin sa kabuuan.

Nakita kong may kinuha siyang pabango at agad ni-spray sa hangin. Napatingin ako sa bedside table niya na kung saan ay may tissue at lotion.

Nakakapagtaka man kung bakit may tissue at lotion doon pero nagkibit balikat na lamang ako.

Naupo ako sa kama at tumingin kay Adam habang tinatago ang tissue at lotion.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Gagawa ng baby." biro niya at agad ko siyang sinipa.

"Shunga, isusumbong kita sa mama mo." banta ko at agad niyang itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis.

"Joke lang. Hindi ka naman mabiro Ma'am."

Sinundan ko si Adam ng tingin nang pumunta siya sa kabinet. Binuksan niya iyon ay may kinuha na parang isang album. Nang nakalapit sa akin ay tuluyan kong nakita kung ano ang kinuha niya - isang photo album.

Naupo si Adam sa tabi ko at inilagay sa pagitan namin ang photo album na may nakasulat sa ibabaw na 'My Love'.

Siyang unang bumuklat ng photo album at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mga larawan ko. Ang iba ay stolen at picture ko at ang iba naman ay mga selfie namin ni Adam.

Napatingin ako kay Adam. "Gusto kita Pat." aniya sabay hawak sa batok at parang hindi alam ang sunod na sasabihin. "Gustong gusto kita Pat matagal na." pagaamin niya. "Pwede bang ligawan kita?" tanong niya sa akin.

"Pwede ba kita ligawan Ma'am?" paguulit niya.




    

MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat po sa pagbasa!

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon