CHAPTER 5
CRUSH
Buong araw ay inasar ako ni Adam na crush ko siya. Ang yabang ng shunga, gwapong gwapo sa sarili niya. Pagdating ko sa classroom kanina ay tinanong niya pa ako kung totoo iyon at sinabi kong oo.Sa sobrang gwapong gwapo sa sarili niya at kadadikit niya sa akin ay binubulungan niya ako ng katagang 'crush mo pala ako ha'. Tulad na lang ngayon.
"Crush mo pala ako ha." bulong niya sa akin at tinulak ko ang pagmumukha niya palayo sa akin. Kanina pa ako naalibadbaran kay Adam.
"Subukan mo pa akong asarin magbabago na ako ng crush." sabi ko at bigla siya tumahimik sabay seryoso.
Hindi naman sa assumera pero mukhang ayaw niyang palitang ang crush ko hehehe.
Natigil ang pangaasar niya sa akin at napalitan iyon ng pagiging sweet niya. "Ang cute cute mo talaga Ma'am." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
Pinipisil niya ito at mayamaya ang pahlaik dito. Pipisilin muli at hahalikan ulit. Ganun ang ginagawa niya sa akin na hindi ko naman pinigilan dahil natutuwa ako at kinikilig.
"May sasabihin akong sikreto sa iyo Ma'am." seryosong sabi ni Adam.
Pinagdikit ko ang mga labi at napapaisip na baka ito na iyon. Baka aamin na rin si Adam na crush niya ako.
"Ano iyon?" seryoso kong tanong.
Lumapit siya sa akin at tsaka ibinulong ang sikreto niya. "Wag mo iting ipagkakalat ha. Anak ako ng Mafia." sabi niya na ikinainis ko.
Itinulak ko siya at napatingin ako sa kanya habang tumatawa ng sobrang lakas, nakahawak pa ito sa tiyan niya habang kumakanta.
"Hindi na kita crush." inis kong sabi at nagmamadaling umalis sa tambayan para bumalik na sa classroom.
Habang naglalakad palayo ay tumigil siya sa pagtawa at sumigaw na hindi daw iyon pwede. Dapat siya lang daw ang crush ko.
Ulol! Ano siya gold?
"Ito naman hindi mabiro." rinig kong sabi ni Adam habang nakasunod sa likuran ko.
"Ang hirap mo namang suyuin, paano pa kaya pag naging tayo?"
Imbes na pakinggan ang mga drama at kalokohan ni Adam ay mas binilisan ko ang paglalakad papuntang classroom.
Pagkarating doon ay naabutan ko si Dave na nasa pintuan ng classroom at mukhang may hinihintay. Nagdirediretso ako sa paglalakad pero noong nasa tapat na niya ako ay nagulat ako nang tawagin niya ako.
"Patricia" tawag niya sa akin at agad kong tinuronang sarili para siguraduhin kung ako na talaga ang tinatawag niya.
"Ako?"
"Oo, ikaw nga." pagsisiguro niya.
Tumagos ang tingin ko sa likuran ni Dave at nakita ko si Adam na naglalakad habang masamang nakatingin kay Dave at sa akin.
"Napadaan ka?" tanong ko sa kanya at napayuko siya na tila ba nahihiya akong kausapin.
"Gusto sana kitang imbitahin na manood ng laro ko bukas." aniya.
Sasagot na sana ako pero nabigla ako nang biglang nabunggo ni Adam si Dave pero sa tingin kok ay sinadya talaga niya na tabigin ang balikat ni Dave. Dumaan siya sa pagitan namin at hindi ma lang nagsorry.
Inayos ko ang headband na suot ko at bumuntong hininga. Sasagot na sana ako sa tanong kanina ni Dave sa akin pero bigoang sumulpot si Adam sa tabi ko.
"Nandyan na si Ma'am." masungit niyang sabi at tuningnan namg masama si Dave.
"Sorry hindi ako pwede bukas sa sunod na lang." sabi ko at pumasok na sa loob ng classroom.
Pagtingin ko sa unahan ay wala pa naman si Ma'am. Bwisit na Adam talaga!
"Crush mo yung pangit na yun?" tanong ni Adam nang makaupo ako. Inirapan ko siya at pinitik sa noo. "Shunga hindi ko yun crush." sagot ko.
"Ang taray ni Ma'am loyal talaga sa akin." mayabang niyang sabi.
Matapos nun ay tumahimik na siya dahil dumating na si Ma'am.
...
Kasalukuyan kaming nandito sa tabi ng kalsada at bumibili ng street foods, katulad ng nakasanayan ay si Adam na naman ang nagbayad sa kinain namin.
Nagsimula kaming maglakad at hindi ko maiwasan na kiligin habang tinititgan si Adam. "Nagagwapuhan ka na naman sa akin." biglang sabi niya at hindi ko alam na nakikita niya pa lang nakatitig ako sa kanya.
"Oo na gwapo ka na." sagot ko sabay nguso.
Napatigil naman ako sa paglalakad ng bigla siyang humarang sa harap ko sabay pisil sa aking pisngi. "Ang cute mo." aniya at inirapan ko lang siya at inalis ko ang pagkakakurot ng kamay niya sa pisngi ko.
Lalagpasan ko na sana siya at magtutuloy na sa paglalakad pero nagulat ako sa sunod na sinabi niya na siyang ikinapula ng pisngi ko.
"Ang cute mong ipakilala kay mama."
Sa sinabi niyang iyon ay halos tumigil ang sistema ko at hindi ko alam ang isasagot basta ang sunod na lang na nangyari ay hinawakan ako ni Adam sa palapulsuhan at tumakbo kami.
Hingal na hingal ako ng huminto kami at pagtingin ko sa harap na hinintuan namin ay bahay pala iyon ni Adam.
"Uuwi na ako." sabi ko at pinupunasan ang pawis sa noo.
Agad naman na may kinuha siya sa bag at isa iyong bimpo. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga pawis ko sa noo.
"Uuwi ka pero mamaya pa. Ipapakilala kita kay Mama." seryoso niyang sabi at hinampas ko siya sa dibdib.
"Ang shunga mo Adam, nakakahiya sa Mama mo. Uuwi na lang ako. Tsaka ang pangit ko oh." palusot ko.
"Anong pangit? Sabi mo lang kanina ay nagpapaganda ka sa crush mo at ang ibig sabihin nun ay nagpapaganda ka sa akin. Nagsuot suot ka pa ng headband tapos mahihiya ka lang sa Mama ko. Wag ganun Ma'am." aniya at wala na akong naggawa nang hilahin niya ako papasok sa loob ng bahay nila.
"Crush moanko at ipapakilala kita kay Mama. Dapat malakas ka doon para siguradong tayo ang ikakasal sa huli." dugtong niya pa nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng bahay nila.
Nagpalinga linga pa ako sa paligid at tsaka ako sinabihan ni Adam na maupo na ako.
"Ma!" rinig kong tawag ni Adam sa mama niya.
"Mama, ipapakilala ko sa iyo yung crush ko. Nandito siya ngayon." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Adam. Nilinis ko pa ang tainga ko gamit ang daliri para masiguring hindi ako nagkamali ng rinig.
Ang sabi niya kasi ay ipapakilala niya yung crush niya.
Crush ako ni Adam?
MISTERCAPTAIN
ProfessorSalamat sa pagbasa!