CHAPTER 46: PABULONG

3.2K 126 127
                                    

CHAPTER 46
PABULONG


Nang makauwi sa bahay ng mga San Diego ay grabe ang pagaasikaso sa akin. Nagkaroon din kami ng simpleng handaan at matapos nun ay tinanong nila ako kung anong plano ko sa ngayon.

Napatingin naman kay Adam nang hawakan niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya iyon at lumapit sabakin sabay halik sa aking sentido.

"Susuportaha kita kung anong gusto mong gawin." aniya at tumango ako. Nagulat naman kami pareho nang biglang naupo si Alden sa gitna namin. Napakamot sa ulo si Adam dahil kailangan naming paghiwalayin ang kamay namin.

"I want to hold you hand Ate Pat." paalam ni Alden sa akin at kinuha ng walang ano-ano ang kamay ko at pinagsiklop ang aming kamay. "I like your ring, its beautiful." sabi pa nito.

"Of course I'm the one who gave that to your Ate Pat." mayabang at pagmamalaki ni Adam kay Alden.

"Bibilhan din kita ng ring." sabi ni Alden.

"Bakit naman?" tanong ni Adam dito.

"Crush ko si Ate Pat. I like her ooppss... I love her." aniya pa na ikinagulat namin pareho ni Adam.

Nagpatuloy ang kwentuhan at naming tatlo habang nakakandong si Alden sa akin. Hindi rin nito inalis ang pagkakasiklop ng kamay namin at panay halik nito sa kamay ko.

Ang tingin ko kay Alden ay paraang ank ko pero hindi kk inasahan na crush niya ako. Napailing na lamang ako sa tuwing naalala ko ang sinabi niya dahil napakabata pa niya para magka crush.

Mukhang paglaki ni Alden ay magiging babaero siya ng walang sa oras. Ang bata bata pa ay marunong ng bumanat at magpakilig.

Ilang oras na nakadikit sa akin si Alden hanggang sa napagod ito at nakatulog sa may binti ko na siyang ginawa niyang unan.

"Nagseselos na ako kay Alden ah. Parang lagi na lang niya ninanakaw ang atensyon mo sa akin tapos crush ka pa." nagtatampong sabi ni Adam at niyakap ako mula sa gilid at isinandal ang ulo sa aking balikat.

Simula nang lumabas akong psychiatric ward ay hindi pa kailanman tinatanong ni Adam ang tungkol sa aming dalawa. Ang palagi niyang sinasabi sa akin ay maghihintay siya.

Habang sinusuklay ko ang buhok ni Alden na ngayon ay natutulog at si Adam sa gilid ko ay nakayakap, nakadama naman ako na parang may naakatingin sa akin at hindi ako nagkamali dahil pagtingin ko sa paligid nakatingin sa akin si Aliah.

Nagtama ang mga mata namin at mataman itong ngumiti kaya ngumiti na lang din siya. Pero sa likod nun ay nabasa ko sa kanyang mata na malungkot siya at base na rin sa paraan nang pagtingin niya sa aming tatlo nila Adam.

Mabait si Aliah at sa mga ipinakita niya sa akin ay alam kong tinitiis niya ang sakit sa tuwing nakikita niya kami ni Adam. Wala naman akong maggawa dahil mahal ko si Adam.

Ilang sandali pa ay binuhat na ni Adam si Alden at ipinunta ito sa kwarto.

"Siguro ganun kasing laki na ni Peter si Alden kung buhay pa sana ito." wala sa sarili kong sambit nang ihiga ni Adam si Alden sa kama.

"Oo nga." pag sang ayon naman ni Adam. "Pero pwede pa naman tayo gumawa ng isa pang Peter." seryosong sabi ni Adam at hinampas ko siya sa braso.

...

Lumipas ang isang buwan ay tsaka ko na sinabi kina Mr. and Mrs. San Diego ang tungkol sa plano ko. Ang sabi ko ay babalik ako sa pag-aaral. Tinanong naman nila ako kung anong kurso ang kukunin ko at sinabi kong ang kursong kukunin ko ay may kinalaman sa business.

Natuwa naman sila sa naging pasya ko. Sunabi ko rin sa kanila na kasabay ng pag-aaral ko ay magtatrabaho ako sa kanila. Noong una ay hindi sana sila papayag pero sa huli ay napiliti ko rin sila.

"Mag-aaral ka na ulit?" paniniguro ni Adam nang maikwento ko sa kanya ang plano ko. Agad naman niya akong hinalikan sa noo dahil dun.

"Galingan mo Ma'am" sabi pa niya.

"Paano ikaw? Paano tayo?" tanong ko at ngayon lang ako nagkaroon na tanungin ang tungkol sa amin kahit hindi pa talaga ako handa sa aming dalawa.

"Andito lang ako Pat, maghihintay ako sa iyo ng paulit ulit hanggang sa kaya mo nang bumalik sa akin. Hindi kita pipilitin pero isa lang ang maipapangako ko, maghihintay ako kahit gaano katagal." sabi niya.

Tumango ako at napahawak sa singsing na nasa aking daliri. Ilang taon na ito sa akin at medyo kinakalawang na ang ilang bahagi nito pero hindi ko inaalis.

Ito iyong simbolo ng pangako sa akin ni Adam.

Kinagabihan habang nakahiga ako sa kama ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa akin si Aliah na yakap yakap ang kanyang unan. Sa hitsura pa lang niya ay alam kong tatabi siya sa akin pagtulog.

Palundag siyang nahiga sa kama ko at nabalot kami ng tahimik hanggang sa una siyang nagsalita. "Mahal na mahal ka talaga ni Adam." malungkot niyang wika.

Napatingin ako sa kanya at walang halong bahid ng galit ang kanyang ekspresyon. "Sana ako rin." patawang sabi niya at bigla niyang binawi. "Joke lang." sabi nito.

"Mahal na mahal ko din si Adam tulad mo Pat. Noong mga panahon na wala ka at hinahanap ka niya ay nasanay na ako sa kakarampot na atensyon na ibinibigay niya sa akin. Kahit nga iyong pagmamahal na bilang kaibigam na lang ay tinanggap ko rin mula sa kanya dahil mahal ko siya." pagkwekwento ni Aliah at nakinig lang ako.

"Noong nagpropose siya sa akin alam kong hindi niya ako mahal at napilitan lang siya dahil sa tumatanda na nga kami at wala pa rin siyang napapangasawa dahil hinihintay ka niya."

"Sumagot ako ng oo dahil tanggap ko sa sarili ko na hinid man niya ako mahalin basta mahalin ko lang siya ayos na ako."

"Hindi ba nga nagpalagay pa siya ng tattoo sa kaliwang dibdib niya ng pangalan mo."

"Hindi ko maggawang magalit sa iyo Pat kasi itinuturing kitang kapatid. Mahal ka ni Adam at irerespeto ko iyon. Pero may isang hiling lang sana ako sa iyo tungkol kay Adam at sana ay maggawa mo at pumayag ka."

"Ano yun?"tanong ko at lumapit siya sa akin at ibinulong ang tinutukoy niya. Matapos ang sinabi niya ay napatingin ako sa kanya at hinihintay ang sagot ko.

"Sige." sambit ko at dahan dahan na tumango kahit hindi ako sigurado sa isinagot ko sa kanya.

Umayos ng pwesto si Aliah at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat." aniya pa at napapikit na lang ako ng mariin.






MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Baka po bukas ay magdalawano tatlong update ako at sa Feb. 20 ay ang mga natitirang chapters.

Ano kaya ang ibinulong ni Aliah kay Pat?🤔

Ilang araw na lang ay matatapos na itong story ni Pat at Adam. Anong hula niyo sa magiging ending? 😈😂

Check my latest video on tiktok, kay Pat at Adam yun.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon