CHAPTER 25
TIN & VIN ⚠️
Sobra ang higpit sa akin ni Nanay at Tatay dahil napagpasyahan ko na lumuwas ng Manila. Ang sabi sabi ni Nanay ay taga Manila saw ang taong inuutangan namin.Sinubukan kong humingin ng tulong sa mga pulis pero isang linggo na ang nakalipas ay wala akong natatanggap na balita. Nagpaskil na rin ako ng larawan ng anak ko kung saan saan pero wala pa rin.
Hindi ko maggawang kumain o matulog sa isnag ataw nang hindi naiisip ang kalagayn ng anak ko. Kung maayos ba siya? Nakakainom ba siya ng gatas? May naglalaro ba sa akanya? Pinapalotan ba siya ng dipare?
Hindi ko alam. Para akong masisraan ng ulo kapag naghihintay lang ako ng tawag o impormasyon na magsasabi kung nasaan ang anak ko.
Buo na ang pasya ko. Makikipagsapalaran ako sa Manila kahit hindi ko alam ang lugar na iyon. Hahanapin ko ang anak ko saang lupalok man siya dinala.
"Magpapadala pa rin po ako sa inyo Nay, Tay ng pera. Kailangan ko lang talaga hanapin ang anak ko. Mamatay ako kung wala." sabi ko habang umiiyak.
Napatingin ako sa poster na hawak ko. Natuluan ng luha larawan ni Peter dahil s apagiyak ko. Miss na miss ko na ang anak ko.
"Aalis na po ako. Magingat kayo dito Nay, Tay." sabi ko.
"Magingat ka rin Patricia, anak." sabi ni Tatay at ngumiti ako.
Binigyan ko ng huling yakap sila Nanay at Tatay bago tuluyang umalis. Umiiyak ako sa loob ng bus habang iniisip ang lahat ng problema.
Yung anak ko nawawala. Sina Nanay at Tatay ay iniwan ko.
Pagdating ko sa Manila ay hindi ko alam ang gagawin at kung saan tutuloy. Bitbit ang malaking bag ko ay nagtanong tanong ako sa mga tao kung nakita nila ang anak ko.
Binibigyan ko sila ng kpya ng larawan ng anak ko. Ang iba ay tinatanggap ito at ang iba naman ay tinatapon rin pagkatapos. Sinubukan ko rin na pumunta sa mga presinto para humingi sa kanila ng tulong at tutulong naman daw sila.
Peter ko, nasaan ka na?
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng umambon kaya dali dali akong naghanap ng masisilungan. Agad akong tumakbo sa isang pilahan ng mga pasahero sa tricycle at doon muna nagpatila ng ulan.
Pagsilong ko ay napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko at mukhang nakikisilong rin. Hindi ko maiwasan ang mapalunok sa tuwing ngumunguya siya ng pagkain.
Nagulat naman ako ng tingnan niya ako kaya agad kong ibinaling ang tingin sa iba. Ilang sandali pa ay may kumalabit sa akin at paglingon ko ay iyong babae na katabi ko na kumakain.
"Oh." sabi nung babae sabay abot sa akin ng pagkain na kinakain niya kanina.
Kinuha ko ang malaking puto at hindi ko maiwasan na maalala si Adam nang dahil doon. "Salamat." sabi ko.
"Ako si Tin Imperial." pagpapakilala niya at ngumiti ako. Inabot niya sa akin ang isang inumin at tinanggap ko iyon.
"Ako si Patricia, Pat nanlang ang itawag mo." sabi ko at tumango tango siya habang pinapanood akong kumain.
"Bago ka dito sa Manila?" tanong niya at tumango ako. Hindi ako makapagsalita dahil kumakain ako.
"Naalala ko sa iyo yung kapatid kong si Christina. Miss na miss ko na yung Nanay at kapatid ko." kwento niya at nakinig lang ako.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang siya naman ay nagkwekwento at nagtatanong sa akin. "Anong ginagawa ko dito sa Manila?"
"Hinahanap ko yung anak ko." sambit ko at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. "May alam ka bang pwedeng pagtrabahuhan at pwedeng matirahan?" tanong ko sa kanya.