CHAPTER 26: TRABAHO

5.1K 177 103
                                    

CHAPTER 26
TRABAHO


Tumakas ako sa hospital at dumiretso sa aprtment ko. Pagdating ko ay nakigo agad ako. Kinuskus kong mabuti ang balat ko pero kahit anong gawin ko ay hindi nun maalis yung pandidiri noong ginahasa ako.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa itinulog ko na lang ang lahat at nagbabakasakaling panaginip lang ang ito. Sana paggising ko ay nasa tabi ko na yung anak ko.

Kinabukasan ay nakaramdam ako ng may mabigat sa ulo ko. Agad akong napabangon at tinanggal ang kung ano man ang nakapatong sa ulo. Pagtingin ko ay basang lampin lang pala.

Nakaamoy ako ng ulam kaya dumiretso ako sa kusina. Pagsilip ko ay naabutan kong nagluluto si Tin na ikinagulat ko.

"Ooh gising ka na pala. Pasensya ka na kung pumasok ako dito ng walang paalam. Nanghiram ako ng susi sa landlady. At tsaka naabutan kita na umiiyak kanina habang tulog tapos nilalagnat ka pa." pagkwekwento niya.

Naupo ako sa upuan at pinanood lang ang bawat kilos ni Tin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at tumango lang ako.

Ilang sandali pa ay inilagay na niya ang nilutong ulam sa lamesa. "Kain tayo." sabi niya sa akin. Hindi ako kumibo at para bang wala akong gana sa buhay pero sinandukan niya ako.

"Magtiwala ka sa Diyos." sabi ni Tin at nakita ko ang pagtingin niya sa palapulsuhan ko na may bandage pa.

"Madaya ang Diyos." sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Akala mo lang yun. Hindi talaga maiiwaasan na sabihin natin yan at kwestyunin ang nangyayari sa buhay natin pero ang lahat ay may dahilan." sabi niya pa.

Naihampas ko ang isa kong kamay sa lamesa at nagulat siya sa ginawa ko. "Sabihin mo nga kung anong dahilan para kunin sa akin ang anak ko? Kung bakit ako nagahasa kagabi? Kung bakit lahat na lang ng kamalasan sa buhay ay nangyari sa akin?" panghihinutok ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Bakit na lang lahat sa akin kinukuha?"

Tumigil si Tin sa pagkakain at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at pinatahan sa pagiyak. Hindi siya nagsalita ng kahit ano pero sapat na yung presensya niya at yakap niya na hindi ako nagiisa sa buhay.

Maghapon ay nasa loob lang ako ng apartment at natakot ako na lumabas dahil sa nangyari kahapon. Si Tin naman ay sinamahan lang ako at hindi umalis. Sinubukan niya akong kimbinsihin na magsumbong sa pulis sa ginawa sa akin pero wala akong lakas, natatakot ako. Para bang ang hirap magtiwala sa mga tao.

"Kilala mo ba si Vincent Lopez?" tanong niya sa akin at parang familiar sa akin ang pangalan na yun. Napatingin naman ako sa kanya ng may inilabas siyang maliit na card at may larawan iyon ng isang lalaki na may hawak ng gitara.

Tiningnan ko iyon at laking gulat ko na iyin yung lalaki na tumulong sa akin kagabi. Hindi ko ipinahalata kay Tin na kilala ko iyong lalaking nasa picture at sa halip ay binalik na rin iyon sa kanya.

Napatingin naman kami sa pintuan nang may kumatok. "Nandito na ata siya." sabi ni Tin at pumintang pintuan para buksan iyon.

Pagbukas ng pinto ay mas pinapasok si Tin na ipinagtaka ko. Hindi ko man alam kung anong meron pero medyo kinabahan ako.

"Salamat sa pagkain." sabi ni Tin dun sa isang lalaki. "Siya nga pala, kaibigan ko si Patricia."

Tumingin sa akin yung lalaki at akmang lalapit siya sa akin ay agad akong tumayo sa kinauupuan at lumayo sa kanya.

Nagsimula akong umiyak dahil naalala ko ang nangyari sa akin kagabi. "Madumi na ako." sambit ko at nagmamadali akong niyakap ni Tin.

"Ssshh... sorry. Kaibigan ko siya Pat at makakatrabaho." sabi ni Tin. Muli akong tumingin sa lalaki at mukhang siya na ang natakot sa akin. "Siya si Daniel."

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon