CHAPTER 35: POSTER

3.6K 142 132
                                    

CHAPTER 35
POSTER


Halos araw-araw kaming magkasama ni Adam. May pagkakataon na dito siya sa apartment ko natutulog pero minsan naman ay wala siya dahil sa trabaho.

Sa tuwing dito siya sa apartment ko natutulog ay hindi ako nagtatrabaho pero kapag wala si Adam ay nagtatrabaho ako. Itinago ko muna sa kanya iyon dahil alam kong hindi siya papayag na ipagpatuloy ko ang trabaho sa club.

Papunta ngayon dito si Tin sa apartment ko, nagtext siya kanina at pumayag naman ako. Wala rin naman akong gagawin dito maghapon at mamaya pang gabi ang trabaho ko.

Nang marinig ko ang katok sa pintuan nv apartment ko ay sumilip muna ako at pagtingin ko ay si Tin na nga. Pagpasok niya pa lang ay agad niya akong niyakap at niyakap ko rin siya dahil baka magtampo siya.

Naupo si Tin sa kama ko habang ako naman ay sinusunog ang poster. "Bakit mo sinusunog ang poster ng anak mo?" tanong niya sa akin at natigilan ako bigla. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya o kung paano ako magpapaliwanag.

"Aah wala hindi ko na ito kailangan." wala sa sarili kong sabi.

"Hindi mo na ba siya hahanapin? Sumuko ka na ba sa paghahanap sa kanya?" nagaalalang tanong sa akin ni Tin at umiling ako.

Hindi ako sumuko sadyang hindi ko lang talaga matanggap ang totoo.

"Hindi ko na siya hahanapin." sabi ko at agad akong nilapitan ni Tin at hinawakan sa magkabilang balikat. Hinintay niya ako na tumingin sa kanya bago nagsalita.

"Ayos ka lang ba Pat? Minsan gusto mong hanapin ang anak mo, minsan naman ay hindi." sabi ni Tin at umiyak lang ako.

Niyakap niya ako at pinatahan.

Gusto kong kalimutan ang nakaraan. Gusto kong takasan ang lahat. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makasama si Adam kaya kahit ang katotohanan ay hindi ko sinasabi sa kanya dahil natatakot ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Tin at itinigil ang pagsusunog ng poster. Ang natitirang poster ay itinabi ko at itinago.

Sandali pa ay nagtatakang nakatingin sa akin si Tin at tila naninibago sa kinikilos ko pero isinantabi ko iyon. Halos isang buwan na rin kasi kaming hindi nagkikita kasi parehas kaming busy sa kanya kanyang buhay kaya siguro naninibago siya sa akin.

Nilinis ko ang mga kalat na ginawa ko dahil sa pagsunog ng poster at matapos nun ay nanood na lang kami ng mga kanta ni Vincent Lopez. Isa rin iyon sa mga hinahangaan ni Tin na celebrity at nahawa lang din niya ako hanggang sa naging fan na rin ako.

Dumating pa nga sa pagkakataon na minsan kaming naka attend ng concert ni Vin last year dahil nilibre kami ni Dam. Kaya naman tuwang tuwa kami.

Habang nanonod ng music video ng kanta ni Vin ay sinasabayan namin iyon ni Tin. Nang maumay kami sa kakapanood ay napagpasyahan namin na lumabas muna at pumuntang mall.

"Pat okay ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Tin at tumango ako. "Ayaw mo bang hanapin natin ang anak mo?" tanong niya pa.

"Wala na nga siya di ba." wala sa sarili kong sabi at naglakad. Agad naman na sumunod sa akin si Tin at binago na niya ang topic na pinagusapan namin.

...

Nang sumapit ang hapon ay umalis na si Tin dahil ay trabaho daw siya habang ako naman ay naggayak na dahil maaga akong pupunta sa club. Medyo galit na daw kasi sa akin ang manager namin sabi ni Gia, iyong katrabaho ko na dito rin naka apartment.

Pagdating ko sa club ay nagsisiayos na ang mga waiter nang mga upuan at lamesa. Maliwanag pa kaya wala pang customer na dumadating.

Naupo naman ako sa isang tabi nang makita ko ang manager namin na may kausap. Inilabas ko naman ang laha ng sigarilyo ko mula sa bag at kumuha doon ng sigarilyo. May dala rin akong lighter at kinuha ko iyon para sindihan ang sigarilyong nasa pagitan na ng labi ko.

"Wala ka kagabi?" sulpot ng isang lalaki at pagtingin ko ay isa iyon sa mga customer na bumibili rin ng oras ko. Malaki din ang bayad niya sa akin, ni Jan Ric.

Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang sigarilyo sa bibig ko at inilagay niya iyon sa bibig niya. "Pwede ka ba?" tanong ni Jan Ric sa akin at nagkibit balikat lang ako.

Tumayo siya at nilapitan ang manager pagbalik niya sa akin ay sinabihan niya akong binili niya ang oras ko. Hinawakan niya ako sa kamay at sumunod ako sa kanya.

Pumunta kami sa isang room na matatagpuan lang din dito sa loob ng club. Hinubad niya ang polo niya at pabaliktad na nahiga sa kama. Ako naman ay lumapit sa kanya at nagsimulang imasahe ang likod niya.

Mabait naman itong si Jan Ric, ang totoo niyan ay isang beses pa lang ang may nangyari sa amin at iyon ang pinakamalaking naibayad niya sa akin noon. Binibili man ako nito paminsan minsan dahil gusto lang niya ng kausap.

Hindi naman kasi lahat ng pumupunta dito sa club ay sex at babae ang hanap. Minsan kapag nasa harap na nila kami ay inaabot sila ng konsensya at imbes na may mangyari ay nauuwi ito sa usapan at kwentuhan tulad na lang nitong si Jan Ric.

"Nahanap mo na ba ang anak mo?" tanong niya habang minamasahe ko ang kanyang likod.

"Hindi pa." wala sa loob kong sagot dahil gusto kong umiwas na pagusapan ang tungkol sa anak ko.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa tuluyan siyang nakatulog sa pagmassage ko. Paglabas ko naman ng kwarto ay nakatanggap ako ng text kay Fred. Sinabi niya ay magkita kami sa isang coffee shop at maguusap kami tungkol sa anak ko.

Kinakabahan man at natatakot pero bahala na.

Nagpaalam ako sa manager ko na babalik mamayang gabi sa club. Noong una ay ayaw akong payagan dahil ilang araw na daw akong absent at baka hindi daw ako bumalik pero napilit ko naman siya na payagan ako.

Pagdating sa coffee shop na tinext sa akin ni Fred at nakita ko na kaagad siya. Pagkaupo ko ay may order na rin siya para sa aming dalawa.

"Familiar sa akin ang picture na nasa poster. Nakita ko na ito sa kung saan o sa kakilala ko pero hindi ko matandaan." panimula niya at nagsimulang mangatog ang tuhod ko. "Anak mo ba talaga ito?" kalmado niyang tanong sa akin.

Napayuko at inilagay ang kanay sa ibabaw ng aking binti. "Hindi." sagot ko at kasabay nun ay ang pagpatak ng luha ko.

"Ano?!" gulat na sabi sa akin ni Fred at halos hindi makapaniwala sa sinagot ko.

"Niloloko mo lang ba kami Pat tungkol sa anak mo? Alam mo ba kung nasaan siya?"

Hindi ko sinagot ang unang tanong ni Fred pero itinuro ko ang poster. "Nakita ko na siya. Natagpuan ko na siya." sabi ko at kumunot ang noo niya at tila naguguluhan sa sinabi ko.

"Wag mo na akong tulungan. At pakiusap wag mo sanang sabihin kay Tin iyong tungkol sa anak ko." sabi ko pa sa kanya nang hindi man kang siya tinitingnan. Matapos nun ay umalis na ako nang hindi sa kanya nagpapaalam.

Hawak hawak ko ang poster ng anak ko at ginumos iyon. Naghanap ako ng basurahan at itinapon iyon. Pagkatpos nun ay bumalik na ako sa club.





MISTERCAPTAIN
Professor


Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. At muli, sabay sabay tayong masiraan ng utak sa kakaisip hehehe joke lang 😈😂

May update pa akong isa mamayang 10PM

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon