CHAPTER 47
STAR
"Nay, Tay." sambit ko habang nakatingin sa kanilang puntod. Ilang taon na ang nakalipas at ni minsan ay hindi ko nadalaw ang kanilang puntod noong inilibing sila. Wala rin naman akong lakas ng loob para puntahan sila noon dahil naaalala ko ang lahat sa kung paano sila pinatay.Ang pamilya nila Dave ang gumastos ng lahat sa pagpapalibing sa magulang ko.
"Nakagraduate na po ako." umiiyak kong sabi habang nakahawak sa diploma ko.
Dalawang taon na ang nakalipas ng makagraduate ako sa kolehiyo at ngayon lang talaga ako naglaroon ng lakas na loob na pumunta dito.
"Peter ko." sambit ko naman. "Masaya na si Nanay, natanggap ko na nasa heaven ka na. Alam kong masaya ka dyan." naiiyak ko pang sabi at may panyong nagbigay sa akin at kinuha ko iyon.
"Andito din si Tatay, pasensya ka na anak kung wala ako noong mga panahon na kailangan niyo ako ng Nanay mo. Hindi ko man maibabalik yung nakaraan pero babawi ako sa Nanay mo at sa mga magiging anak namin." sambit ni Adam sa tabi ko habang nakaakbay sa akin.
Inilagay ni Adam ang dala naming bulaklak sa puntod nila Nanay at ang isa naman ay sa puntod ng anak namin. Matapos nun ay niyakap ako ni Adam at hinalikan sa noo.
Ilang minuto pa ang itinagal namin sa sementeryo hanggang sa tuluyan na kaming umalis sa bumalik na ng Manila.
Nang makagraduate ako at makapasa ay nagtayonako ng sariling business. Isang restaurant at cafe shop na ang pinangalanan kong Peter. Malaki ang kinikita nito kahit nagsisimula pa lang.
Nagpatayo rin ako ng isang center na kung saan ang pangalan ay STAR. Layunin ng star na tumulong sa mga biktima ng pangaabuso, panggagahasa at pangmamaltrato. Walang kasarian ang pinipili ng center namin, ano mang kasarian, edad o kahit saan pa nanggaling basta ang layunin namin ay makapagbigay ng tulong.
Ang STAR Center na itinayo ko ay may malalim na kahulugan. Standing Together Against Tape. Nabuo iyon noong maalala ko noong ma-rape ako dito sa Manila. Wala ako noong napuntahan at mahingan ng tulong kaya naman ngayong nagkaroon ako ng pera at kakayahan ay itinayo ko itong center.
Na-inspire din ako sa pagtulong dahil sa mga San Diego. Sila ang nagbigay dahilan para mas tuparin ko ang pangarap ko.
Naalala ko noon, nung tinanong ako ni Adam kung anong pangarap ko. Ang sabi ko nun ay pangarap kong makaahon kami nila Nanay at Tatay sa kahirapan at ang isa naman ay makatulong sa iba.
Hindi ko man naggawa yung isa dahil wala na sila Nanay at Tatay pero proud ako at masaya ako na natupad ko yung isa kong pangarap, ang pangarap na makatulong sa iba.
Pagpasok ko sa STAR Center ay binati ako ng staff at dumiretso ako sa isang room na kung saan doon ni-interview ang mga nangangailangan ng tulong.
Hindi rin naman kasi agaran na maibibigay namin ang tulong sa tao dahil halimbawa may isang taong na-rape. Kailangan namin siyang tanungin o imbestigahan ang nangyari para mabigyan siya ng katarungan at makulong ang may sala.
Nitong taon lang din ay nahuli at nakulong ang taong gumahasa amsa akin noon. Most wanted pala siya sa Caloocan City at matagal nang pinaghahahanap ng awtoridad dahil sa kasong rape.
Hindi ako masaya noong makulong siya dahil mas nalungkot ako at naggalit na ang halos nabiktima niya ay mga bata, mas bata pa sa akin noon.
Pagpasok ko sa isang room ay naabutan kong pinapakain ni Dianne ang dalawang maliit na bata na mukhang gutom na gutom. Nang makita ako ni Diane ay lumapit siya sa akin at binaggit ang kalagayan ng mga bata.
Ang sabi niya ay palaboy laboy daw ang mga bata at nagnakaw din kaya pinunta niya dito para mabigyan ng tulong at makapagbagong buhay. Sinabi ko naman sa kanya ang mga dapat gawin at mataman siyang nakinig.
Tulad ni ko ay si Dianne ay isa ring biktima ng panggagahasa. Ilang taon din ang lumipas bago tuluyan siyang makawala sa kulungan ng nakaraan.
Paglabas ko mg room na iyon ay nakatanggap ako ng text kay Tin.
TIN:
Birthday ni Crisha. Sana makapunta ka.
Nagreply naman kaagad ako sa kanya na makakapunta ako. Kinagihiliwan ko ang anak ni Tin na si Crisha dahil jolly ito at matalino. Madali itong makausap at makalaro. ang sabi panga nito ng minsan kaming magusap ay pangarap din daw niya ang ginagawa ko, ang tumulong sa iba.
Ilang taon din kaming wlaang komunikasyon ni Tin dahil nagpakalayo layo sila ni Dan pero sinong magaakala na sa pagbalik nila ay may anak na si Tin at si Dan naman ay isa nang pari na hindi ko inasahan.
Noong magkita kami ay naikwento ko sa kanga ang naging kalagayn ko. Hindi naman siya naggalit o sinisi ako kahit nalaman niya ang totoo na si Peter ay isa lamang hallucinations.
Naglakad ako papuntang office at naabutan kong nakaupo si Adam sa sofa at mukhang hinintay ako. Naupo ako sa tabi niya at agad naman niya akong hinalikan sa pisngi.
"Pat, proud na proud ako sa iyo. Sa kabila ng mga nangyari sa iyo ay nakiha mong bumangon at matupad ang mga pangarap mo." sambit niya.
Mapait siyang ngumiti at humarap sa akin. "Ilang taon na rin Pat at gusto sana kitang tanungin ang tungkol sa atin." sabi ni Adam at ikinatigil ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Noong pumasok ako sa psychiatric ward ang sabi niya ay hihintayin niya ako at hinintay naman niya ako pero hindi doon nagtapos dahil humingi pa ulit ako sa kanya ng palugit.
Ang sabi ko ay pagnakapagtapos na ako ng pag-aaral ay tsaka na namin pagusapan ang tungkol sa amin. Ang sagot niya sa akin noong panahon na iyon ay maghihintay siya at ginawa naman niya. Siya pa nga ang naghahatid sundo sa akin noon.
Pero ngayon nakapagtapos na ako ng pag-aaral, may sarili nang business at nagkakapera ay nakalimutan ko ang tungkol sa amin at ngayon ko nanlang naalala.
"Pwede na ba Pat? Pagusapan natin yung tungkol sa atin. Gusto kong tuparin naman yung pangarap ko. Yung pangarap kong pakasalan ka at mahalin ka habang buhay? Pwede ba iyon?"
Tumango ako kay Adam bilang pag sang-ayon na paguusapan namin ngayon ang tungkol sa aming dalawa kahit kinakabahan ako at hindi ko alam kung saan mapupunta ang usapan namin.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Ito pong chapter ang nagpapaliwanag kung bakit ang title ng mga story sa Dating Series ay nagtatapos sa STAR. Maraming nagtanong sa akin kung bakit hindi na lang stripper, pole dancer or slave ang word na ginamit ko. Iyon po kasi ay may dahilan at ito pong chapter ang sumasagot doon.
STAR means Standing Together Against Rape
Layunin po ng Dating Series ang ipaliwanag at ipakita sa mga mambabasa na ang mga nangyaring pagtatalik sa mga story ay walang nangyaring sapilitin sa pagitan ng mga character.
Ipinapakita din po nito na ang halaga ng babae ay hindi nasusukat sa puri o sa pagiging virgin ng isang babae. Nawa'y mas lumawak ang ating pagunawa at mas maintindihan natin na ang halaga ng isang babae ay hindi nasusukat sa kanyang kapurihan o virginity