Chapter 6 - Porque
' May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero natatakot kang wakasan, yun bang ayaw mo ng umasa pa pero gusto mo pa din magjintay' <HugotNiAuthor>
***
Patricia Point of View
Sabado ngayon kaya naman nasa galaan ako. Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil mag-iingay lamang ang mga ito at guguluhin ang tahimik kong pagiisip. Nasa Laguna ako ngayon dahil ito ang mas magandang lugar para sa akin. Dito kase ang kinalakihan ko kaya para sa akin ay matiwasay itong lugar.
Nasa Nuvali ako ngayon dahil isa itong kariniwan pinupuntahan ng mga tao dito. Maraming puno, may mga store din dito, at napalaking pond na pwedeng mag boating. Marami ring couples na pumupunta at yun ang kinaiinisan ko.
Nakaupo lang ako sa damuhan na medyo malapit sa malaking puno at maraming sanga. Siguro isa ito sa napakatanda ng puno. Sumandal ako sa stem nito at muling pumikit. Gusto ko ang fresh air at makapag isa dahil ang dami kong iniisip. Gusto kong maging malaya at kahit sa isang araw lang gusto kong mawala ang lahat ng nasa isip nya. Kaya kumanta ako ng Porque by Maldita
Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang naman 'king hiling
Na madama mo rin ang
pait at pighati...
Sana'y mag milagro, mabalik ko, mali ay maideretso...
Pinagdarasal ko sa 'king puso na mabura na sa isip ko ohh.
Minulat ko ang aking mata at tumingin sa mga ulap. Hapon na pala. Kanina pa kase ako paikot-ikot sa nuvali ngayon lang ako nagpahinga.
"Tss, pwedeng magpatulog ka?"
Nagulat ako sa nagsalita. Palingon lingon ako sa paligid kung sino ang nagsalita. Pero wala naman akong nakitang tao sa paligid bukod sa akin.
"Tch, look up."
Tumingin ako sa itaas ang at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon. Kilala ko kung sino ang nasa sanga na nakahiga.
'Sht. Sya na naman? The man who haven't a heart which is Zylan.' sa isip ko
"I'm sorry kung naistorbo ko ang tulog mo." mahina kong sagot sa kanya. Napalunok ako dahil ang kanyang tingin ay parang gusto akong patayin dahil sa pag-gising ko sa kanya. Hindi ko naman alam na may tao doon.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Aksi"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
