Chapter 13 - Indirect Kiss
'Hindi Paghihinala ang pinakamsakit sa lahat, kundi ang matuklasang tama ang iyong hinala' - <TLQ>
**
Third Person POV
Nakatulala lang ang dalaga habang nagkaklase ang guro nila. Hindi ito nakikinig sa lesson ng guro dahil mukang daig nya pa ang may jetlag dahil sa antok na antok ito.
Hindi talaga sya nakikinig sa lesson pero kapag tinatawag sya ay naisasagot naman nya ito ng tama ngunit kapag math naman ay sinisipa nya ang upuan ni Angela kaya nakakasagot ito ng maayos.
Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nya. Marahil wala syang magawa at bored na ito. Hapon na rin kase at uwian na kaya yun na lang ang iniintay ng tatling bruha.
*riiiing* (sfx ng bell)
Uwian na, kaya naman nagpaalam na ang guro sa kanila at nag ligpitan naman ang mga classmate nito at maging ang mga bruha rin.
"Pat, anong gagawin natin? Ang boring kase wala tayong gagawin mamaya. Gusto ko ng bakbakan." wika naman ni Angela. Ang tatlong bruha na wala ay busy sa kanilang gagawin na group activity kaya medyo hindi din sila sabog.
"Then, hamunin mo yung mga gangster sa Eastern Superior." suggest ng dalaga na nangunguna sa paglalakad. May sinat pa rin ang dalaga dahil pinilit lang naman nyang pumasok kahit ang daming nagrereklamo sa kanya na dapat hindi na ito pumasok kaya ngayon ay pinagsisihan nya talaga ito.
"Ayaw ko nga, baka mamaya ang dami nila tapos isa lang ako."
"Bakit hindi natin subukan mag movie marathon sa amin?" suggest ni Casey na dahilan ng sunod sunod ng pagtango ni Angela.
"Great idea, tara gusto ko yung Lights out." wika ni Angela
"Tss, osige kahit napanood ko na. Ikaw, Pat? Sasama ka ba?"
"Depende." kibit nitong sagot. Liliko sana sila upang palabas na ng building subalit may biglang nagbuhos sa kanila ng malagkit na kulay berde.
"Yaaak." react ni Casey na mukang hindi makagalaw dahil sa lagkit nito sa katawan.
"What the hell is this?" wika naman ni Pat. Hindi naman sya masyadong nabuhusan pero may iilan na pumunta sa damit nya.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Боевик"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
