Chapter 58 - Careful
"Biniro kita, ginago mo ko. Nasaktan kita, tinarantado mo ko. Sa lahat ng ginawa ko, mas matindi ang ganti mo. Kaya ngayon, tanong ko lang. Bakit di mo pinantayan ang ginawa ko nung mahalin kita ng todo-todo?"
**
Angela Point of View
Mabuti na lang at makakapag pahinga na kami ngayon mula sa byahe. Umabot kami ng palawan para lang mag evacuate at sa mga inosenteng madadamay. Hindi bale dahil maganda naman ang lugar na ito kaya sulit sa bakasyon. Mayroon kase silang ia dito na isa sa mga ari arian din nila Zylan dito sa palawan at ito lang na safe na lugar para sa amin.
Kung baga safe house nila ito pero parang hindi naman kase marami silang safe house. Tsk! Mabalik tayo sa usapan. Marami ng nagpapahinga ngayon dahil sa pagod sa byahe pero ako naglalakad sa tabi ng dalampasigan.
Malaki ang isla kaya imposibleng matunton pa kami ng mga kalaban. Tyaka may bantay sa Palawan if in case na may mga nakapasok dito. Mabuti na lang at mayayaman din sila Pat dahil sa mga armadong lalaki na nakabantay sa amin. Speaking of her bigla na lang syang nawala kaninang mga alas sais ng umaga.
Binilin nya na lang yung anak nya sa Mama nya at agad nawala. Saan naman kaya iyon pupunta?
Bigla akong napadaing dahil may nabangga pala akong tao. Pag angat ko ay si Nathan lang pala. "Careful." ani nya.
Umismid na lang ako at umupo sa may buhangin. Ginaya naman nya ang ginawa ko at tumabi sa akin. Tinitignan ko karagatan dahil taglay nitong ganda. Tinignan ko ang orasan at pasado alas otso ng umaga. Tingin ko ang iba ay nag aalmusal na at nag gagala katulad naming dalawa.
"Seems like you are thinking someone?" napakunot ang noo ko sa sinabe nya.
"Inaalala ko si Pat, hindi ko alam kung nasaan iyong bruhang iyon."
Napatango tango sya sa sinabe ko at tumingin sa karagatan. Tinignan ko naman sya na parang hindi ata sya kumbinsado sa aking sinabe. "Zylan is still sleeping beside his son. Baka magwala iyon kapag nalaman nyang umalis si Ayesha." ani nya na kinangiwi ko sa aking isipan. Mali pala ako akala ko hindi sya kumbinsado. Tsk.
"Well, hindi naman natin masisi sya dahil mahal nya si Pat. Tyaka he even protected her for a long time kahit hindi alam ni Pat kaya naiintindihan ko si Zylan."
Tumahimik kami panandalian pero agad din nabasag iyon ng magsalita sya. "Are you hungry?" tanong nya na kinatango ko. Bigla syang tumayo at naglahad ng kamay sa akin.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
