TCBK Chapter 56

3.3K 58 5
                                        

Chapter 56 - Meeting




'I wish falling in love has a traffic lights too, so that I would know if I should GO for it, SLOW DOWN, or just STOP.' <Falling in Love Quotes>





**




Patricia Point of View



Pagkarating namin sa Mansion ay naabutan namin sila na nagtatalo sa may sala. Sina Tita at Tito kasama si Mama at Papa ay nandoon sa may kusina habang sina Casey at iba pa ay nasa sala.





"Shet! Nandyan na pala yung soon to be married." kantyaw ni Jasper na kina ingay naman ng iilan. Napailing na lang ako sa kanila at bumitaw sa pagyakap kay Zylan. Dumeretso ako upang kuhain si Damon kay Casey na hawak nya.






"Iyon naman pala. Kailangan pang sunduin bago pumunta dito." pang asar naman ni Nathan na kina apir ng mga mokong. Nakisali pa talaga si Keith kahit mayroon syang problema ah?






Umupo kami sa may single sofa at ganun din si Zylan na umupo sa braso ng upuan na inupuan ko din. Hinele hele ko si Damon para naman hindi sya maingayan sa mga mokong at mokang dito.








"Ano bang pagmemeetingan natin?" sabe ni Keith kaya lahat sila at tumango sa tanong nya.







"Sa meeting room pumunta kayo doon. Yung ibang mga bata doon ilagay sa may play room." sabe ni Zylan kaya tumayo na ako sa sinabe nya. Pero napahinto ako ng nagsalita si Angela.






"Sino ang mag babantay sa kanila?"






"Oo nga? Baka sugudin ulit tayo dito!" ani naman ni Yash.







"Nandyan ang apat na alaga ni Zylan. Keiji, Camille at Keisha doon kayo sa playroom. Kayo muna ang magbantay kasama nyo doon ang mga alaga ni Zylan." ako ang sumagot pagtapos ay nag sitayuan na sila.







Nauna kaming umakyat sa hagdan. Habang nilalaro ni Zylan ang kamay nito kahit tulog ito sa aking bisig.







"I can't wait when he grow up." sabay ngiti nya dito dahilan kung bakit napangiti din ako.






Pagkarating namin sa meeting room ay karga ko pa rin si Damon. Pinakuha ko kay Manang yung crib para doon sya ihiga. Mahirap na baka makuha sya ng mga kalaban namin ng hindi ko alam kaya kailangan mag doble ingat.






Sakto naman na pagpasok ng iba ay ang pagpasok ni Manang na dala ang crib pagtapos ay nilagay nya ito sa may tabi. Doon ko naman nilagay si Damon para hindi ako mahirapan din pagtapos ay umalis na rin si Manang agad. Umupo na sila sa swivel chair.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon