Chapter 29 - Continuation + The Game
'May dalawang bagay na nakakasakit sa puso ng tao. Mga panahon na sana wala na lang KATAPUSAN at mga panahon na sana di nalang NASIMULAN.' - #HugotNiAthor'
***
A/N: Continued lang po ang ito. Sorry po dahil natagalan. Nawalan po kase ako ng cellphone hindi naman po ako makapag computer dahil busy ako sa study ko sorry guys....
Ngayon na ang umpisa ng huling laban ng ESU at REU sa basketball. At hanggangang ngayon ay walang pagbabago kay Patricia maliban lang sa pagtindi ng kanyang coldness. Hirap na hirap na sya sa loob loob nya ngunit parang hindi nya malabas ang lahat ng sakit siguro dahil manhid na ang katawan nya at kulang na lang pati puso ay maging manhid na. Bakit sa dinami dami ng tao sya pa ang tinamaan ni kupido sa walang pusong binata na iyon? Gusto nyang sugurin si kupido bakit sya pa? bakit yung iba na lang. Tao lang din sya nasasaktan din.
Nasa gym na ang lahat kasama na rin doon si Patricia at ang mga kaibigan nito na nasa bleacher. Walang emosyon syang nakatingin sa dalawang taong gusto nyang isumpa na si Venice at Zylan. Sina Angela at ang iba pa ay ganun din ang expression dahil napagtanto ng mga ito na pinagpustahan lang pa sila ng mga kaibigan ni Zylan. Narito sila hindi para maging bitter kundi para hampas sa mga MANLOLOKO na hindi sila magpapatalo.
Tahimik pa rin si Patricia at tahimik na nag iisip kung papaano nya iaabsorb lahat ang pangyayare at pinagdugtong-dugtong kung may mabubuo syang sagot sa mga riddles na ito.
Samantala naman sina Edward at iba pa na kasama nito ay nag wawarm na para sa laban nila pero hindi nya mapigilan tingnan ang pinagkatiwalaan nya noon ngunit nabali ngayon dahil sa nangyare ng kanyang kapatid at sa binata-ang kanyang tingin ay parang papatayin nya ito. Ganun din naman si Chad na kanina pa naka ngisi sa babaeng katabe ni Zylan na si Venice. Tila'y may nabubuo syang plano para gantihan ang kanyang kapatid. Si Genesis naman ay seryosong nagwawarm dahil gusto nyang matalo ang kampo ni Zylan at kahit mismo ang captain ng REU na si Zylan. Kahit pa na malapit ng maging official si Zylan na maging isang Mafia Boss na ito ay hindi sya natatakot. Hindi pa talaga ganap si Zylan na isang Mafia Boss dahil gusto ng mga Royale Organization bigyan muna ng task ito para maging ganap na isang Mafia Boss at yun ang magpatalsik ng isang clan o isa sa mga mayayaman sa bansa. Walang nakaalam sa utos ng Royale Org maliban na lang kay Edward at kay Zylan. Hindi ni Zylan na alam lahat ni Edward madyado kaseng tahimik ang binata at tagong tago ang information ng pamilyang Garcia kahit na ang pamilyang Parker.
Mabalik tayo kay Patricia na nakayukom na ang mga kamao nito dahil sa nakita nyang paghalik sa pisnge ni Venice kay Zy. Naalala nya ang sinabe ng kanyang Lolo kahapon.
Flashback
Tahimik lang sya nakamasid sa labas ng kanyang bintana dahil sariwa pa kay Patricia ang nangyare sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
